Chapter 81 *Abby* Pagkauwi namin ay agad na hinanap ni Jasmine ang bike niya. Muntikan pa siyang madapa sa pagmamadali. Agad namang in-assemble ni Jason ang mga parts ng bisekleta. Hindi naman natagalan dahil madali lang namang ikabit at may instructions namang susundin. Agad sinakyan ni Jasmine nang mabuo na ang maliit niyang bike. Ni hindi pa nga siya nakakapagbihis sa sobrang excitement. Agad ko naman siyang kinuhanan ng video. Sa video ay nakaalalay sa kaniya si Jason. Tatlo ang gulong at may seatbelt pero nakaalalay pa rin si Jason. Sempre hindi ko pinalampas kuhanan ng litrato ang magagandang korte ni Jasmine at ni Jason. Kapag nagkaroon ng pagkakataon, ipapa-print ko ang mga pictures nila at ilalagay sa isang album. *** “Tama ba ang pinili kong damit mo?” tanong ni Jason

