Chapter 72 *Abby* Agad akong napakapit sa leeg niya nang ipasok niya ang dila sa loob ng bibig ko. Parang may hinahagilap doon. Bahagya niya pang sinisipsip at mahinang kinakagat ang labi ko kasabay no’n ang mga maingay na tunog galing sa mga halik niya sa’kin. Nahulog na rin ang tuwalya na nakabalot sa buhok ko. Tuluyan na akong nawala sa sarili kaya sinuklian ko rin bawat halik niya sa’kin. Palalim nang palalim kasabay no’n ang puso kong sobrang bilis na ng t***k. Sinara niya ang cabinet at sinandal ako doon. Binitawan niya ang labi ko at sa leeg ko naman siya humalik. Napanganga na lang ako nang maglaro ang dila niya sa buong leeg ko at balikat hanggang paakyat sa tenga. Naglalakbay ang dila ang labi niya na nakakakiliti at may kakaibang init na hatid sa sistema ko. Mahigpit akong

