Chapter 10 *Abby* Malalaki ang hakbang niya kaya mabilis na nakarating sa kinaroroonan namin ni Boyet. Nang makalapit siya ay pasimple niya akong nilayo kay Boyet. Hinila niya pa ang siko ko para maitabi sa kaniya. Lumingon si Boyet dahil naramdaman niya ang presensya ni Jason sa likod niya. Mas matangkad si Jason kaya medyo tumingala si Boyet. Nagkatitigan pa sila. Si Jason ay seryoso ang mukha kay Boyet at si Boyet naman ay parang kinikilala si Jason. Lumapit ako kay Jason dahil parang hindi maganda ang mood niya. “Ah… Boyet, si Jason,” kinakabahang pakilala ko. “J-Jason, si B-Boyet,” nauutal kong pakilala kay Boyet. “Kilala mo?” Tanong ni Boyet kaya tumango ako ng isang beses. Isang beses akong nilingon ni Boyet at tumitig uli kay Jason. “Akala ko, binabastos ka nito ‘e,” wika ni

