Kirsten Napahinga ako nang malalim nang may makuhang malaking shirt na hindi ko na nagagamit pa. Pero walang shorts. Nakagat ko ang ibabang labi. Pinagpapawisan na ako sa pagkalkal ng mga gamit ko para lamang makahanap ng mga damit na kakasya kay Dark. Naku naman kasi iyong lalaking ‘yon, e. Makikitulog dito pero walang dalang gamit na kakailanganin. Nang wala na akong makalkal ay sumuko na ako sa paghahanap. Tumayo na lamang ako na dala ang malaking shirt na hindi pa ako sigurado kung magkakasya ba sa lalaking iyon. Pinalitan ko na rin ang suot kong damit dahil hindi naman ako natuloy ngayon sa lakad ko. Pagkababa ko ay naabutan ko itong nagpu-push up sa tabi ng couch. Wala na itong sapatos at medyas dahil nakalagay na iyon sa lagayan ng mga sapatos. Tanggal na rin ang pang-itaas

