Kill's POV "Bear siguradong walang namamagitan sa inyo ni Scarlette?" tanong ni Shiela sakin habang palabas kami ng hotel para magswimming. Rest day namin ngayon at naisipan nilang lahat na maligo sa beach o sa pool. Nakasuot na white two piece si Shiela tapos nakajacket sya. Sa kaliwang kamay nya ang twalya na gagamitin nya kapag nabasa sya. Habang ako nakasando at maikli na short ang suot na pinatungan ko polo beach hawaii. Nakasuot ako ng sunglasses at nakaponytail din ang buhok ko. Wala akong balak maligo kaya wala akong dalang twalya. Papanoorin ko lang silang mag-enjoy. "Wala nga." ilang beses na sagot ko sa tanong nya. Nakita nya kasi akong lumabas ng kwarto nila Scarlette tapos maghawak kamay pa kami kaya kung ano ang pumapasok sa isip nito. Sobrang clingy sakin ni Scarlette sim

