Kill's POV Nakauwi na kami galing Boracay. Mabuti na lang hindi kaagad kami nagtraining pagkauwi namin nung nakaraang araw pero ngayon nagtra-training na kami. Tinotoo ni Avey ang pagpapahirap samin nung nasa Boracay kami. Grabe lahat ang mga pinaggagawa namin. Pagod na pagod kami pagkatapos. Sinusumpa na nga sya nila Juls dahil sa mga thrill nyang kakaiba at pahirap. Pero mabuti na lang nagbigay sya ng tatlong araw na pahinga bago kami umuwi dito sa camp. Nagfireworks kami sa gabing bago kami umuwi at natulog sa beach. Madaming memories ang nangyari sa Boracay sa dami na nangyari. Isa na don ang pagsabi namin ni Scarlette na magkapatid kami. Madaming nagulat pero naunawaan naman nila. Nagsabi kami na wag muna ipaalam sa mga kuya namin dahil gusto namin na kami ang magsasabi sa kanila.

