Jul's POV Nasa sala kaming lahat. Wala kaming maisip na puntahan at tinatamad din ang karamihan sa kanilang lumabas ng bahay. Nagsu-suggest sila ng gagawin pero may ilan naman natutol sa mga sinusuggest kaya hindi sila makapagdesisyon ng gagawin. Ayaw din nilang maglaro ng basketball dahil gusto nilang sulitin ang bakasyon nilang isang buwan. Natatawa na lang ako sa tuwing sinasabi nila yon. Dapat lang na sulitin nila yon dahil napagdesisyunan namin nila Ella sa pagbalik namin sa camp ay pahihirapan namin sila. Inabuso nila kami sa isang buwan nilang bakasyon kaya ang kapalit non ay dagdag pahirap sa training nila. Isasama namin ang ibang seniors na ayaw din magpractice sa tuwing niyayaya namin sila ni Ella. Ni hindi nga sila nagparegister sa fun-fun basketball na gaganapin malapit dito.

