Kill's POV "Baby." nagising ako sa tadtad na halik ni Avey sa mukha ko. "Avey ang aga pa." inaantok kong sabi. Tila wala syang narinig dahil patuloy pa din sya sa paghalik sa mukha ko. "Avey." dumilat ako at tumingin sa kanya. Nakapout sya kaya tinaasan ko sya ng kilay. "Jogging tayo." sabi nya. "Anong oras na ba?" tumagilid ako patalikod sa kanya. Inaantok pa talaga ako. "Ala tres ng umaga." nilingon ko sya at sinamaan ko ng tingin. Gigisingin nya ako ng ganon kaaga para lang magjogging? "No." sabi ko at nagtalukbo ng kumot. "Baby please?" tinignan ko sya at binelatan sya. Tumawa sya at nailing. Aba tinawanan pa ako nito, pumikit na lang ulit ako dahil inaantok pa ako. Malapit na akong makatulog ulit nang may humatak ng kumot ko. Inis ko syang tinignan pero pumaibabaw sya sakin a

