8 Malawak ang ngiti ko simula nang magising ako kaninang umaga. Syempre ang sarap yata ng tulog ko, kahit pa halata ang pag-iwas ni Andrea sakin kanina ay hindi nabawasan ang asaya na nararamdanan ko. Siguro para na akong baliw na pangiti-ngiti dito sa opisina ko. Sa tingin ko ay walang makaka-sira sa araw ko ngayon. Agad akong napatingin sa may pinto ng opisina ko nang may kumatok dito. "Capt. May gusto po kumausap sa inyo," ani ng boses ng secretary ko na si Ate Merna. Tumikhim muna ako bago sumagot. "Sige papasukin mo," tugon ko at umayos ako sa'king kina-uupuan. Bumakas ang pinto at bumungad duon si Ate Merna na nakangiti, ngumiti din ako. Binuksan ni Ate Merna ng malaki ang pinto at duon ko nakita ang pagpasok ng dalawang hindi katandaang mag-asawa. May kasama din itong h

