7 Hindi maganda ang naging buong araw ko. Pagod akong pumasok sa bahay nang makarating ako. Agad na nakita ko si Andrea na naka-upo sa may sofa at nanunuod ng TV hindi siguro nito narinig ang pag-dating ko dahil sa lakas ng volume ng tv. Napatingin ito sakin nang maramdaman siguro ang presinsya ko. Tumayo ito at keming ngumiti. "Nandyan kana po pala," mahinang sabi nito. "Oo," maikling sagot ko at iningusan siya. Para na siguro akong bata dahil sa pagtatampo ko, pero anong magagawa ko naiinis parin ako hangang ngayon. Nag-lakad nalang ako pa-punta sa kwarto ko. "G-galit ka po ba?" Napatigil ako sa paglalakad dahil sa naging tanong niya. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko nakikita kung ano ang itsura niya, pero base sa naririnig ko sa boses niya ay parang iiyak na ito. Napikit a

