7 ANGELA'S POV: Ilang linggo ko nang napapansin ang madalas na pag alis ni Alex lagi nitong sinasabi na may importante lang daw itong aasikasuhin. Ayaw ko man maghinala ay iba ang nararamdaman ko tuwing aalis ito parang may itinatago ito sakin, madalas nalang din kaming nag uusap dahil lagi itong may katawagan at lumalayo ito tuwing may kausap sa cellphone. Hindi narin nito ako masyadong inihahatid sa appartment ko. "Umalis na naman si tito?" Napatingin ako kay Aubrey na nasa tabi ko na pala, nandito ulit ako sa may counter, tumango ako dito. Bumuntong hininga ito at malungkot na ngumiti sakin, parang may alam si Aubrey kung bakit laging umaalis si Alex. "Audrey... May alam ka ba kung saan lagi pumupunta si Alex?" Tanong ko dito, nakita ko ang paglikot ng mata nito. "Ah.. Angela hin

