8 ALEXANDER'S POV: Napahimas ako sa batok ko dahil pakiramdam ko ay sumasakit ito, masama kong tiningnan ang pamangkin ko na ngayon ay nakanguso sa harap ko. Kung hindi ko lang pamangkin 'to ay kanina ko pa 'to nasakal dahil sinabi nito kay Angela. Nandito kami ngayon sa bahay ko dito ko dinala si Angela matapos nitong mawalan ng malay. "Totoo naman ang sinabi ko kay Angela na niloloko mo siya," nakanguso sabi nito, napailing ako at habang nag titimpi na masuntok ang bunganga nito. "Alam mo naman na hindi mo anak ang batang yun pero nag papauto ka parin sa ina no'n." "Alam mo yung rason ko Aubrey!" Naiinis na sagot ko dito. "Dahil may sakit ang bata?! God tito! Pinapaasa n'yo lang ang bata na may buo siyang pamilya!. Bakit ba hindi nalang lumapit si Kaye sa tatay ng anak niya at sabi

