9 ANGELA'S POV : Katatapos lang ng libing ni Tatay, nandito ako ngayon sa kusina namin habang nakaupo, hindi ko parin matangap na wala na si Tatay. Naluluha pa rin ako tuwing maalala si Tatay, sana nandito pa din siya sana may Tatay pa rin ako na pwedeng sumbungan. Sana nandito pa din ang Tatay ko naiitakin ang lalaking magpapaiyak sakin. "T-tatay," humihikbing sabi ko sa hangin, naramdaman ko na may pumatong na kamay sa balikat ko, nilingon ko 'to at nakita ko si Nanay na malungkot na nakatingin sakin, katulad ko ay sobrang pula din ng mata nito. Agad kong pinahid ang luha ko at pilit na ngumiti, kailangan ko na maging malakas sa harap ni Nanay. "Nay.. Nagugutom po ba kayo? Gusto n'yo ba ipagluto ko kayo?" Sunod-sunod na tanong ko habang nag hahanap ng pwedeng lutuin dito sa kusina na

