"Ay, wala nga pala si manang ngayon." Sabi ni Julie nang makita na nakakandado ang gate ng bahay nila pagkauwi nila ni Elmo. Umuwi muna kasi ang matandang babae sa probinsya nila. Mga one week din ito doon. "Talaga?" Biglang liwanag naman ng mata ni Elmo na mahigpit pa rin na nakahawak sa kamay niya. Napatingin si Julie sa boyfriend. "Hoy, bakit kumikislap kislap yang mga mata mo?" "H-ha? Wala naman. Ano tara na kunin mo na yung spare key mo." Nakangiting sabi ni Elmo. Nang mabawi naman ni Julie ang kamay niya mula kay Elmo ay siya rin namang pagbunot niya ng susi sa loob ng purse niya at kaagad naman binuksan ang gate nila. Nakasunod sa kanya si Elmo the whole while pero bago pa niya buksan ang pintuan ay hinarap na niya ito. Nagtatakang tiningnan siya ng kanyang nobyo. "Bakit?" "S

