"Jholele siguraduhin mo marami pogi ah!" Nakaupo ngayon si Nico sa may kama niya habang siya ay nagpapatuyo ng buhok. Excited naman kasi itong baklang ito. Magppractice daw kasi ang 2A boys para sa basketball. Kesyo naririnig nila na linoloko sila ng mga kaibigan nila sa 2B na puro talino lang sila pero wala pagdating sa sports. At nagvolunteer naman si Elmo na gamitin ang court ng Summit Hills para sa practice for that particular Sunday. Medyo di nga lang alam ni Julie kung ano mararamdaman niya kapag nakita niya ang iba pa niyang mga kaklase, She and Elmo were officially together just that Friday at hindi nga natuloy ang pasok nila kinabukasan so ito ang first time na makikita sila ng iba pa nilang kaklase together. "Alam mo bakla, kahit maraming gwapo, puro naman straight mga kaklase

