Maaga nagising si Julie nang umaga na iyon kahit pa 10 pa ang pasok nila.
Napatingin siya sa katabing alarm clock at napatawa. Naunahan pa niya kasi ito. Nagset siya ng alarm for 7 in the morning pero nakita niya na 6:30 pa lang. Kapag naman natulog ulit siya edi baka malate lang siya.
Nagtooth brush na siya at naghilamos ng muhka nang tumunog ang phone niya mula sa kwarto.
Kaagad naman siya naglakad papunta doon at nakitang si Elmo ang nagtext. Himala! Tiningnan ulit ni Julie ang phone para tingnan ang oraa baka kasi namalik mata lang siya kanina. Pero hindi siya nagkamali dahil pagtingin niya ay totoong nakalagay na 6:40 pa lang.
Binasa na niya ang text sa kanya ng kaibigan.
'Julie! Gising na! Baba ka na dito ang sarap pa naman ng luto ni manang!'
Napailing naman si Julie nang mabasa niya ang sinasabi ng kaibigan. Binibiro lang siya nito panigurado nakahilata pa ito sa kama at nagmumuni muni pa.
She shook her head and headed downstairs only to be surprised at who she saw was eating with her brother and her dad.
"Elmo??"
"Morning Julie!" Bati ni Elmo habang nginitian naman siya ng kanyang kuya Christian at ng kanyang papa.
Nalilito pa rin na bumaba ng hagdan si Julie at dumeretso paupo tabi ni Elmo.
"Anong ginagawa mo dito ang aga aga?" Julie asked. "At dito ka pa talaga nagbreakfast?"
Ngumisi lang sa kanya sI Elmo habang tumatawa naman ang dad at kuya niya.
"Ano ba Julie wag mo inaaway si Elmo. Wala daw kasi kagabi yung ate niya kaya mag-isa lang siya sa bahay."
Si Elmo at ang ate kang niya kasi ang nakatira sa bahay nila. Matagal nang patay ang dad ni Elmo habang nasa ibang bansa nagtatrabaho ang nanay nito.
"Buti pa sila tito hindi ako inaaway." Panloloko sa kanya ni Elmo.
"Heh."
Hindi napigilan ni Christian ang pagtawa sa dalawang bata na nasa harap niya.
"O tama na yan Jules kanina mo pa inaaway si Elmo aba... Kumain ka na lang ang sarap ng linuti para sa atin ni manang Dora o."
Kumain na nga silang apat at kung ano ano rin ang pinaguusapan. "Anong oras ba pasok niyo mamaya anak?" tanong ni Kent sa kanyang bunso.
"10 pa po pa. Tapos 3 po ulit ang uwi."
"Gusto niyo ba kumain mamaya doon sa restaurant?" Tanong naman ni Kent. Isa kasi itong owner ng maliit na diner, one jeep away from SAU.
"Okay lang po..." Napatingin naman si Julie kay Elmo. "Ano? Game ka ba?"
"Oo naman. Ang sarap sarap ng luto ni tito eh." Nakangiting sagot ni Elmo.
"Perfect! Text niyo na lang ako mamaya kapag papunta na kayo." Sabi ni Kent bago balingan naman ang panganay niya. "Ikaw Christian ano oras ka makakauwi?"
"On-call ako pa. Baka bukas na ako makauwi."
Resident na si Christian sa isang ospital na malapit lang din sa kanila. Si Christian nga rin ang dahil kung bakit nag MedTech si Julie in the first place. Kapag kayanan pa ng utak niya itutuloy niya ito para maging Pathologist.
"O siya sige. Wag masyado magpapagod anak ha?" Sabi naman ni Kent. Tumayo na din ito at naginat inat. "Magiingat kayo ha! Una na ako may aasikasuhin pa ako bago buksan ang restaurant."
"Opo!"
==============
"Ang aga naman natin Julie!"
"Anong maaga, kita mo na 9 na!"
"30 minutes lang kaya travelling time natin." Elmo pointed out. Nakaupo na silang dalawa sa bus na ibaba sila sa stop na malapit sa SAU.
"So gusto mo talaga na saktong 10 ang dating natin doon sa school?" Julie asked.
"Eh kasi ano gagawin natin doon sa natitirang 30 minutes?"
"Tambay lang! Kaysa naman haggard tayo." Julie replied. Katext na rin niya si Bea at Tippy kung nasaan na ang mga ito.
Nanahimik na lang si Elmo sa tabi niya at pinaglaruan naman ang phone.
Si Julie naman ay linabas na din ang sariling telepono at kaagad na sinalampak ang earphones. Kapag ganitong umaga maka-Maroon 5 at Boyce Avenue ang pinapakinggan niya eh.
Tumutugtog ang cover ng Boyce Avenue ng Say ni John Mayer nang bigla niya naramdaman na nawala sa tainga niya ang kaliwang earbud. Napatingin naman siya at nakitang sinasalpak na ito ni Elmo sa sariling tainga.
"Elmo ano ba... Gamitin mo kaya sarili mong phone." She hissed.
"Pareho lang naman tayo ng pinapakinggan. Share na tayo." Simpleng sagot ni Elmo.
Ala namang pagawayan pa nila yung bagay na iyon kaya naman nanahimik na lang si Julie.
Being this close with him, almost no space to seperate them, parang biglang naalala ni Julie ang mga pinagsasabi ng dalawa niyang kaibigan kagabi.
Nararamdaman niya kasi ang init ng katawan ni Elmo. Sinasadya pa ata talaga nito sa siksikin siya gaying ang liit liit nung bus na sinasakyan nila.
Sa peripheral vision nakikita niya ang itsura nito na tumitingin sa labas ng bintana which was conveniently on her side.
Never niya aaminin pero totoo namang naggwapuhan siya dito. Matangos ang ilong ni Elmo, supple lips, maganda rin ang mata kahit ba natatago ng eyebags. Napakahilig kasi magpuyat. At sa totoo lang hindi type ni Julie si Elmo. Chinito kasi yung type niya pero bakit ganun? May... 'something' pa rin eh.
"Julie nandito na tayo."
Julie snapped out from her thoughts when Elmo tapped her shoulder.
Tummayo ito and being the gentleman that he was, pinauna muna niya si Julie bago nakasunod na bumaba.
Sunod naman ay sumakay sila ng jeep hanggang sa deretso na sila sa loob ng mismong campus at tumungo sa Science building.
"Tinext mo ba sila Jhake kung nasaan sila?" Elmo asked her.
Tumingin muna saglit si Julie sa phone niya. Asa naman kasi na magrereply sa kanya si Jhake e once in a blue moon magpaload yung lalaki na iyon. Saka bet din niya na sabay si Jhake at si Bea pumunta ng school kaya si Bea na lang ang tinext niya.
'Girl saan ka na? Dito na kami ni Elmo sa school.'
Naupo lang sila saglit sa mga waiting chairs at wala pa isang minuto nang makapag reply si Bea kay Julie.
'Malayo pa kami Jules, kasama ko si Jhake. Baka malate kami. Text mo na lang ako kapag nandyan na yung prof.'
Binaba ni Julie ang telepono matapos basahin ang text sa kanya ng kaibigan.
"Mamaya pa daw sila makakarating ni Jhake eh, deretso na lang tayo sa taas."
"Tara..."
Pinauna na maglakad ni Elmo si Julie at talaga namang nakahawak pa siya sa may likuran banda ng dalaga, inaalalayan ito.
They made their way to the elevators but were dismayed to see the number of students that were also waiting for their turn to ride.
"Great..." Julie whispered.
"Tambay muna kaya tayo sa 5th floor?" Suggest ni Elmo. Marami din kasi upuan doon kaya pwede muna sila magpalipas oras habang wala pa naman ang iba pa nilang kaibigan.
"Sige tara..." Julie answered.
Mas nakakainip kasi talaga magintay ng elevator. Okay na na mapagod sila kakaakyat ng stairs.
Habang umaakyat ay nagsimula din magtext si Julie sa iba nilang kaklase. Tinitingnan niya kung may ibang early bird din at nasa may room na nila sa taas.
At dahil nga napakahaba ng binti ni Elmo ay nauuna ito kay Julie.
Busy pa rin naman sa pagtext si Julie kaya mas mabagal talaga siya sa kanyang kaibigan.
'Girl! Ayun siya o!'
'Ha? Saan?'
‘Hihihi ang gwapoooo…’
Saglit na pumintig ang tainga ni Julie. Kahit ba nagtetext siya ay naririnig niya ang mga usapin sa tabi niya. From the corner of her eye she was able to see two girls, seemingly the same year as she and Elmo. Nasa bandang mga locker ang mga ito at nakasilip kay Elmo na narealize niya ay tumigil sa paglalakad dahil hinihintay siya nito.
"Julie! Ambagal mo talaga..." Nakangising sabi ni Elmo. Nasa may tuktok na ito ng stairs na naghihiwalay sa 4th at 5th floor.
Julie only smirked as she put her phone back inside her pocket and quickly made her way to her friend. Sumilip ulit siya sa may baba at nakitang sumisilip din ang dalawang babae na narinig niyang nagsasalita kanina. Parehas naman itong umiwas ng tingin nang makita na nakatingin din siya.
After that ay napangiti si Julie habang umiiling na hinarap ang kaibigan.
"Bakit?" Elmo asked.
"May dalawang babae kasi stinastalk ka ata kanina." Natatawang sagot ni Julie.
Elmo's eyebrows furrowed. "Dalawang babae?"
"Oo Psych ata yung course." Julie replied.
Nagsimula na siyang maglakad ulit habang si Elmo naman ay napailing lang.
Julie smiled to herself. Alam naman niya talaga na maappeal itong ka-tropa niya na ito eh. Kaya nga ang rami rami may crush dito sa campus.
Pero parang wala lang para kay Elmo. Minsan nga parang hindi ito aminado na gwapo siya e. At hindi rin naman kasi nagcocomment si Julie tungkol sa mga ganoong bagay. Katakot takot na panunukso lang ang maaabutan niya if ever.
Nakarating sila aa may 5th floor at nararamdaman ni Julie na hindi pa naman siya pagod. Hinarap niya si Elmo.
"Kaya pa? 5 floors na lang ulit nasa may labs na tayo."
Elmo smirked. "Ako pa talaga chinallenge mo ah. Mauuna pa ako sayo eh!"
"Ah ganoon..."
Nagkatinginan sila pareho bago...
"Mauuna ako!"
Kumaripas ng takbo papunta sa stairs si Julie habang nakasunod naman sa kanya si Elmo.
"Mandaraya!"
Parang mga batang naghabulan silang dalawa sa stairs at dahil nga may lead siya, nasa harap si Julie habang tumatawang pianapanuod si Elmo na nakasunod sa kanya. Wala silang pake na ang raming nakakita na ibang estudyante sa kanilang dalawa habang naghahabulan.
Pareho silang tumatawa at hinihingal at the same time habang nasa may b****a ng stairs sa 10th floor.
"O ano, nauna ako..."
"Hoy Julie Anne sabay lang kaya tayo." Elmo answered, still trying to catch his breath.
Kinurot ni Julie ang braso ng lalaki dahilan para matawa ito at umiwas iwas pa. “Brutal mo talaga Julie, ang sakit!” Elmo yelped.
Tawa naman ng tawa si Julie dahil doon nang mapatigil siya. It was never a good sound when someone cleared their throat behind you.
Sabay sila napatingin ni Elmo at halos mapasigaw nang makita nila si Ma’am Estevez.
Hindi naman ganoon katanda si Ma’am Estevez. Kung tutuusin muhkang bata pa ito at maganda ang muhka. Marami nga nagkakacrush dito eh.
“Ms. San Jose and Mr. Magalona… 2nd year na kayo ah, harutan pa rin kayo ng harutan.” Ma’am Estevez said in a teasing manner. Bilang coordinator ng MedTech ay halos lahat ng estudyante na nasa course na ito ay kilala niya. Pero talagang makikilala niya si Elmo at si Julie. Una, active si Julie. Pangalawa, parehong nasa top ang dalawang estudyante kaya makikilala niya talaga ito.
“Ah, sorry po Ma’am.” Julie smiled sweetly, baka sakali makalusot.
Ma’am Estevez only shook her head and looked at them both. “Ano nga pala ginagawa niyo dito?”
“May klase po kami sa 1004.” Elmo answered, showing off a charming smile.
“Kay Dr. Herrera ba iyang klase na iyan?” Tanong naman ni Ma’am Estevez.
Nagkatinginan muna si Julie at si Elmo, para bang nagiisip. Hindi pa naman kasi nila alam kung sino teacher.
“Uhm, siya po ba sa Zoology namin Ma’am? Kasi kung ganoon po edi siya nga.” Julie replied.
“Nako. Wala pa si Dr. Herrera. Galing siyang San Diego, may talk siya doon eh. Bukas pa ang uwi niya.” Sagot naman ni Ma’am Estevez.
Pinigilan ni Julie ang lumuwa ang mga mata. Aba! Eh Zoology lang kasi ang sched nila ngayong araw! “Ma’am, siya din po ba ang magtuturo sa lecture class namin?” She asked.
Tumango naman si Ma’am Estevez. “Nako pasensya na kayo Ms. San Jose. Please tell na lang your other classmates na hindi tuloy ang class niyo ngayon.” Napatingin siya sa kanyang orasan bago tigninan ang dalawang kabataan sa harap niya. “Ganito na lang, tingin kayo sa may Precinct, club organizations are recruiting at siyempre kailangan ninyo sumali sa Red Cross, requirement iyon. Better yet, papunta na ako doon, sama na lang kayo.”
At ano pa nga ba magagawa nila kaya naman kahit ayaw ay sumunod si Julie at si Elmo sa kanilang coordinator. All the while ay nagsimula na din magtext si Julie sa kanyang mga kaibigan na wala sila klase nang araw na iyon. ‘Badtrip lang eh. Pero at least may baon.’
Hindi pa lumilipas ang dalawang minuto nang mag-GM siya at sunod sunod naman ang pagvibrate ng phone niya sa kamay.
‘Shet nasa bus na ako!’
‘Nakaligo na ako ano ba yan!’
‘Late naman magsabi yang SAU! Haay, thanks sa pagsabi Julie!’
Hindi na muna binasa ni Julie ang mga text sa kanya ng mga kaklase panigurado puro violent reaction lang din naman ang mababasa niya.
Nakadating na sila sa precinct at dumeretso sila sa booth nr Red Cross na mandatory salihan ng mga MedTech.
“Hi Elmo! Hi Julie!” Bati sa kanila ng isang 3rd year student pagtayo nila sa may booth sa harap.
“Hi Kuya Rocco! Tuloy na ba ang pagiging President mo?” Julie asked habang nakangiting nanahimik lang si Elmo sa tabi niya.
Ngumiti ang lalaking nagngangalang Rocco. “Makakatanggi ba ako dito kay Ma’am Estevez?” Sabi nnito habang tumatabi sa kanya ang coordinator.
“Hoy Mr. Nacino, maganda tignan ang pagiging president mo sa credentials at sa yearbook.” Pagsumbat naman ni Ma’am Estevez.
Natawa naman sila lahat.
“Ito naman ma’am jinojoke lang kita alam mo naman na gusto ko din talaga.” Sagot ni Rocco bago hinarap ulit si Julie at si Elmo. “Sasali na kayo diba? Pa-ready na lang ng 100 pesos.”
Nagsikuha naman ng pera si Elmo at si Julie bago binayad ito kay Rocco at nagsimula magsulat sa club form.
Umalis naman saglit si Ma’am Estevez dahil tumatawag ang anak nito sa cellphone kaya naiwan yung tatlo doon.
Saka naman kinalabit ni Rocco si Julie. “Jules, please. Ikaw na lang ang mag VP.”
Lumaki naman ang mata ni Julie dahil doon. Ayaw nga niya magpresident sa klase tapos magiging VP pa siya ng Red Cross. “K-kuya naman eh…”
“Sige na…” Nagpupppy dog eyes si Rocco.
Sakto naman na nakikinig si Elmo sa usapin nila. “Ano? Mag-VP ka? Edi lagi na lang late uwi mo kapag may meeting kayo! Hihintayin pa kita…”
Kumunot naman noo ni Julie dahil dito. “Huy Elmo, hindi ko naman sinasabi na hintayin mo ako eh… imbyerna ito…”
“Eh sa gusto ko rin naman hintayin ka! Paano ako uuwi non kung magaalala lang naman ako sayo!”
Napatigil silang tatlo sa sinabi ni Elmo. Kahit ang huli ay parang natigilan sa sinabi niya.
“Ay putangina kinikilig naman ako sa inyong dalawa!” Natawang sabi ni Rocco.
Biglaan naman tumayo si Elmo sa pwesto niya. “N-nauuhaw ako, punta lang ako fountain.” Halos tumilapon yung upuan sa likod niya sa sobrang bilis niya umalis matapos kunin ang waterjug niya mula sa bag.
Naiwan naman si Julie at Rocco doon. Si Julie tulala sa sinabi ni Elmo. Hindi pa siya gagalaw kung hindi siya kakalabitin ni Rocco eh. “Ui Jules… hindi pa ba kayo ni Elmo? Tangina ang sweet niyo kasi eh!” Tumawa tawa pa ito pero si Julie nanahimik lang. Parang napako lang sa upuan niya.
“Ano ka ba kuya…” Sambit ni Julie nang matagpuan niya ulit ang kanyang boses. “K-kaibigan ko lang si Elmo. Maalaga lang siya sa akin.”
“Ambooootttt!” Panloloko ni Rocco. Napailing na lang ito. “Sige sabi mo eh… pero pagisipan mo yung pagiging VP mo ha.”
Julie nodded her head. Magulo isip niya ngayon. Matagal naman na caring sa kanya si Elmo eh. Pero parang ngayon mas may tama yung sinabi nito sa kanya kanina. Napaangat siya ng tignin at nakitang pabalik na si Elmo galing sa fountain. Hindi na rin siya nagulat ng naglapag ito ng waterjug sa tapat niya.
“Inom ka muna Jules, baka nauhaw ka kanina eh.”
“Hihihihi alis muna ako ah… kuha lang ako ng alcohol, ibuhos daw yun sa kagat ng langgam ang rami kasi dito!” Rocco said. Iniwan niya ang booth sa dalawang mas batang mag-aaral at humahagikhik na lumabas muna ng Precinct.
Julie looked at Elmo who only smiled back at her.
“Hehe. Uhm, kung gusto magVP Jules sige okay lang.” Sabi naman ni Elmo habang kinukuha ang club form na hindi pa niya tapos sulatan. “Kapag may meeting ka sige hintayin na lang kita.” Ayun ang huli niyang sinabi bago nagsimula sagutan ulit ang form.
Julie turned away kahit pa sa papel naman na nakatingin si Elmo. Mahirap na, baka makita nito na namumula yung muhka niya.
===============
AN: Hahaha! Ang galing ng SAU puro walang klase :P Thank you po sa nagbabasa nito! Sa mga typo, sorry hehe! Comment or Vote please! Mas naeencourage ako magupdate when I see them! Salamat ulit!
Mwahugz!
-BundokPuno<3