It's been two weeks since school started. Hindi pa naman ganun ka-toxic ang mga pinaggagawa nila.
Attentive na nakikinig si Julie habang maglelecture si Asano-sensei.
"San Jose-kun, nan sai desu ka?"
Nagulat si Julie sa biglang pagtawag sa kanya ng kanilang Japanese instructor. Buti lang talaga nakapag review siya before hand saka aa Japan nga siya nagbakasyon.
"Ju-nana desu sensei."
"Ah subarashi SanJose-kun."
Ngumiti si Julie bilang pagsagot. Whoo that was close.
Nagsimula ulit magturo si Asano-sensei at nagsulat sa board.
Malapit sa may pintuan si Julie at kanina pa siya silip ng silip sa maliit na bintana doon sa pintuan. Pagkasilip sabay tingin naman siya sa kanyang relo. Ang tagal mo Magalona..
Paano...7:00 ng umaga ang klase nila sa Japanese language, 7:30 na at wala pa din si Elmo.
Huling silip nanaman ang ginawa ni Julie hangga't sa makita na niya ang kabigan na pasimpleng binubuksan ang pinto, baka sakali makalusot sa babae nilang instructor.
Expert na ito sa art na wag maingay ang pinto kapag pumapasok.
Ngumiti na siya kay Julie who only rolled her eyes at him as he sat down beside her.
"Magalona-kun! Kaeri ga osoi!"
"Po?"
Nagtawanan ang lahat habang namumula na ito si Elmo sa tabi ni Julie. Wala, huli.
Amano-sensei shook her head. "Julie pakisabihan nga yang katabi mo kung ano sinabi ko." Sa sobrang kunsimisyon ay hindi napigilan ng guro na mapatagalog.
"Late ka daw..." Bulong naman ni Julie kay Elmo.
The later could only smile sheepishly before turning back to Amano-sensei.
"Ah... Sorry po sensei."
"Nihon kudasai..."
"Ano daw?"
Nagtawanan nanaman silang lahat at hindi mapigilan ni Julie ang pagiling bago balingan ulit ang kaibigan.
"In Japanese daw..."
"H-ha? Ano ba Japanese ng sorry?" Pabulong na tanong ni Elmo.
Julie clicked her tongue. "Sumimasen..."
"Ah, okay." Ngumiti muna ulit si Elmo kay Julie bago binaling ang tingin kay Amano-sensei. "Sumimasen sensei..."
Amano-sensei only shook her head before going back to the lesson.
Tawang tawa naman ang lahat kay Elmo.
"Sabi ko kasi sayo agahan mo eh." Julie hissed.
"Kakatamad kasi." Sagot naman ni Elmo.
Kelan ba kasi ito hindi tinamad? Sayang ang talino. Pero kahit tamad si Elmo lagi naman mataas ang mga score niya.
Patuloy lang sa paglecture si Amano-sensei at si Julie naman ay panay din ang kopya sa notes.
"Paxerox na lang din ng notes ah." Biglang lambing ni Elmo sa kanya.
Tiningnan ni Julie ang kaibigan ng masama. "Late ka na nga eh. Kumopya ka na lang din ng notes!"
"Di ko kasi nasimulan... Sige na, bawi ako sayo next time." Paglalambing ulit ni Elmo sabay pingot sa ilong ni Julie. "Haha. Ang cute mo kapag nakasimangot."
"Magalona-kun! San Jose-kun!"
Napapikit ng madiin si Julie nang marinig ang pagtawag sa kanila ng guro.
"Mamaya na kayo mag-PDA! Pwede kumopya at makinig muna kayo?"
"AYIIIIIEEE!!"
"S-sensei! Chigauyo!"
Lumapit nanaman si Elmo at bumulong. "Julie, wag ka naman naghahapon wala ako maintindihan eh..."
"Sige lapit pa Mr. Magalona!"
Si Julie na mismo ang lumayo at sinimangutan nanaman ang kaibigan.
"Hinay lang kasi Pare! Mamayang break ideretso na yan sa may Eurotel!" Pagloko pa ni Henry.
Kaagad naman na tiningnan ni Julie ang kaklase at pinanlakihan lang ng mata habang si Elmo ay napangisi lang.
Nakagat ni Julie ang labi at sa baba lang nakatingin. Ayaw niya kasi makita kung ano man ang ekspresyon sa muhka ni Amano-sensei. At lalo na na naririnig pa rin niya ang kanyang mga kaklase na panay ang paghiyaw.
Humarap naman siya kay Elmo at nakitang napapailing lang din ito pero napapangiti din. Gusto niya maasar at sigawan ito. Buti pa kasi siya hindi affected sa pang-aasar ng mga kaklase. Eh siya affected eh! Nakakainis ka talaga Elmo.
Para kasi kay Elmo lokohan lang ang lahat. Eh siya? Mahirap na dahil may kaunting tama na din talaga ang pinagsasabi ng ibang tao at pangloloko sa kanila ng mga kaklase.
Mahirap na na pati siya... Kinikilig sa pagsasabi ng prof nila na PDA daw sila ni Elmo.
Sa wakas ay natapos din ang klase nila na iyon dahil gustong gusto na lang talaga ni Jukie na makalabas sa loob at umiwas kay Amano-sensei. Kilalang kilala pa naman siya nito at hiyang hiyan talaga siya sa nangyarj kanina. Pero may kailangan nga pala siya iaanounce sa buong klase. Linapitan niya ang kanilang guro kahit hiyang hiya pa rin. "Sensei, pwede po magannounce?"
Tumingin naman sa kanya si Amano-sensei at ngumiti na lang din. "Douzo..."
Hinarap ni Julie ang mga kaklase at agad na kinuha ang atensyon ng nga ito bago magsikaripas ng takbo dahil break time na.
"2A! Wala tayo Humanities mamaya..."
"Whooooo!" Cheer ng mga kaklase.
Expect na ni Julie na mangyayari iyon. Nginitian niya ang mga kaklase at nagsimula ulit magannounce. "Wala tayo Humanities kasi may General Assembly tayo sa Red Cross. Sa may 5th floor auditorium. 10:30."
"Ughhh..."
Again. Expected reaction. Julie finally turned away, finished with her announcement. Naglakad na siya palabas ng classroom.
"Break na natin diba?" Biglang sabi ni Elmo sa tabi niya at talaga naman nakangiti pa ito.
Isang hampas sa braso ang kanyang sagot.
"Aray! Bakit?" Elmo asked with that wide eyed innocent look on his face.
"Sa susunod kasi ituturo ko talaga as sayo yung word na personalspace. Kainbyerna ka!"
"Oi oi trouble in paradise ang peg niyo?"
Napatingin pareho si Elmo at Julie at nakitang sila Bea pala ito.
Tumatawa si Tippy at si Jhake sa tabi habang nakacross arms si Bea sa harap nila.
Napangiti na lang din si Elmo.
Sakto naman na may nagtext kay Julie. It was kuya Rocco, texting her about the assembly. At oo... Bumigay siya dahil siya ang bagong VP ng Red Cross Youth.
"Guys mauna na kayo kumain, may ayusin lang kami para sa assembly mamaya..."
"Hindi ka kakain?" Tanong naman ni Elmo.
"Come off it, Elmo, hayaan na natin muna si miss VP." Nakangiting sabi ni Tippy.
Nakipagbeso naman si Julie sa kanyang mga kaibigan bago nauna na ito umakyat sa may 5th floor.
Kakaunti pa lang ang tao doon sa auditorium pagdating ni Julie at sila Rocco at ang iba pa na officer ng Red Cross and nakikita niya sa loob.
"Jules!" Rocco called out gesturing from where he stood at the stage.
Julie waved back and then made her way over to where their president was.
"Game na ang lahat kuya Roccs?" She asked.
Tumango naman si Rocco habang hawak hawak ang isang kopya ng program.
"Oo nga pala Jules, ikaw na mageexplain nung objectives ng assembly."
"Sure Kuya..."
"Ikaw na din daw intermission..."
"Sige ku-- ha?!" Marahas na napatingin si Julie sa kuya nuya sa paaralan na iyon.
Rocco only smiled sheepishly at her.
"Teka kuya bakit ako?" Julie asked.
Rocco shrugged his shoulders. "Hindi mo ba alam na by popular demand ka?"
Nanahimik si Julie. Last year kasi narinig sila ni Rocco na nagjajamming sa may fire exit ng paaralan. Si Jhake tumutugtog ng gitara habang sila ni Tippy ang kumakanta. Simula noon, request na lagi sila ang magintermission kapag may mga ganito silang programa.
"Eh kuya ano naman kakantahin ko?" She asked. Maka request din naman kasi ang mga ito ganun ganun na lang eh.
"Kaw na bahala, kahit nga yung mga nakalagay pa sa textbook natin ang kantahin mo okay lang eh..."
===============
"Ano punta na tayo sa 5th?" Bea asked as she looked at her wristwatch.
"Oo tara tapos sa likod tayo maupo." Sabi naman ni Jhake.
Nauuna na magalakad sa kanila si Elmo as usual. Haba kasi ng binti.
"Elmo pahintay naman kami!" Pagloloko sa kanya ni Bea.
Tumigil naman saglit si Elmo at hinintay nga ang mga kaibigan.
"Bilis baka hindi magandang upuan ang makuha natin."
"Bakit saan mo ba balak umupo?" Tippy asked.
"Kahit sa gilid lang." Bored na sagot ni Elmo. Sobrang nakakabore naman talaga itong mga general assembly na ito eh.
Napupuno na din ang mga seats sa auditorium pagdating nila sa loob at nasa tabi nila ang iba pa nilang kaklase. They chose to sit at the middle kahit ayaw ni Jhake dahil madali daw sila makikita, may balak ata matulog.
Naupo na si Elmo sa paborito niyang spot; sa may aisle seat. Sakto naman na dumaan bigla si Julie sa gilid niya.
"Julie!" He immediately called out before holding her arm.
Halatang nagulat din si Julie sa ginawa niya dahil napapitlag ito at tumigil sa paglalakad.
"Elmo! Dito na pala kayo hindi ko kayo nakita."
"Busy na busy ka kasi..." Sabi naman ni Elmo. He was still holding her hand and only let go when she pulled away.
"Jules! Magsisimula na ba daw yung program?" Tanong ni Jhake na nakaupo sa tabi ni Elmo.
"Ah oo. Mga 5 minutes." Sagot naman ni Julie.
"Nakakain ka man lang ba?" Biglang tanong ni Elmo. "Baka naman masyado kayo busy dito kaya hindi na kayo nakameryenda."
Hindi nakita ni Elmo na nagkatinginan si Tippy at si Bea sa sinabi niya.
"Okay lang ako Elmo ano ba. Mamaya na ako kakain." Sagot naman ni Julie. "Um, sa may backstage lang ako ah, magsasalita kasi ako mamaya." Naglakad na siya palayo bago pa makapagreact si Elmo.
"Tss..."
"Problema mo?" Tanong ni Bea kay Elmo.
"Eh kasi si Julie nagpapaka toxic nanaman. Baka gutom yan pero hindi pa rin kumain." Elmo said with his arms crossed and a scowl evodent on his face.
Natawa naman kaagad si Bea pati na si Tippy.
Tumingin sa kanila ang dalawang lalaki.
"Bakit?" Sabay na sabi ni Elmo at ni Jhake.
"Walaaaa. Sige ayan na magsisimula na ata." Sagot naman ni Tippy.
Elmo shrugged it off at napatingin na sa stage. Nagsimula na nga ang program. And as usual may prayer, kinanta ang Lupang Hinirangbago magsimula na talaga sa program.
Nanjan din naman ang mga introduction hangga't sa si Julie na ang nagsalita.
Hindi napigilan ni Elmo ang mapangiti. Confident kasi talaga itong kaibigan niya lalo na kapag nagsasalita sa harap ng maraming tao. Siya kasi kapag pinasalita mo puro stutter lang ang lalabas.
Hindi naman niya sinasadya na marinig ang mga first year na nakaupo sa harap nila. Pinaguusapan ng mga ito si Julie.
"Sino yan?"
"Di kayo nakikinig eh no, Julie Anne San Jose daw..."
"VP daw natin siya?"
"Oo ang ganda no? Ang galing pa magsalita at magenglish...Crushko..."
"Nakalimutan mo ata na babae ka..."
"O edi girl crush ko..."
Natawa si Elmo habang nakikinig. Hindi naman niya masisis ang mga first year na ito.
Natapos din magsalita si Julie. Ayan boring nanaman. Puro activities na gusto nila maachieve ang sinasabi ng mga speaker.
Napatingin si Elmo sa orasan niya at nakita na 11:00 na.
"Thank you for that Ma'am Wycoco." Rocco's voice suddenly echoed through the microphone. "So I know you guys are probably craving for entertainment right now, am I right?"
"Yes!" The crowd shouted.
Rocco smiled again before continuing. "Well here to give a special number and to show that MedTech students are not only brainy but also talented, let's give it up for our vice president miss Julie Anne San Jose!"
Nabuhayan naman kaagad ng loob si Elmo. He straighted up from his seat. Hindi lang siya ang nabuhayan, pati yung mga first year na nagsasalita kanina.
"Girl! Talented din siya! Tingnan mo maggigirara at kakanta!"
Ngumiti lang si Julie habang tinitingnan ang nga estudyante. Hawak hawak niya ang isang gitara sa may gitna ng stage at nagbigay ulit ng isang ngiti bago nagsimula.
Today is gonna be the day that they're gonna throw it back to you
By now you should've somehow realized what you gotta do
I don't believe that anybody feels the way I do about you now
Back beat, the word is on the street that the fire in your heart is out
I'm sure you've heard it all before but you never really had a doubt
I don't believe that anybody feels the way I do about you now
And all the roads we have to walk are winding
And all the lights that lead us there are blinding
There are many things that I would like to say to you
But I don't know how
Because maybe
You're gonna be the one that saves me
And after all
You're my wonderwall
Today was gonna be the day but they'll never throw it back to you
By now you should've somehow realized what you're not to do
I don't believe that anybody feels the way I do about you now
And all the roads that lead you there are winding
And all the lights that light the way are blinding
There are many things that I would like to say to you
But I don't know how
I said maybe
You're gonna be the one that saves me
And after all
You're my wonderwall
I said maybe
You're gonna be the one that saves me
And after all
You're my wonderwall
I said maybe
You're gonna be the one that saves me
You're gonna be the one that saves me
You're gonna be the one that saves me
Natapos kumanta si Julie at halos lahat e nakatayo na dahil lang gusto siya makita at mapakinggan ng maigi.
“Whoo! Love you Julie!” Sigaw ni Elmo habang pumapalakpak. Lahat ng nanunuod ay nagch-cheer din at sumisagaw pa ng;
“More! More!”
Kaso nga lang baka maubusan sila ng oras para sa mismong program kapag pumayag pa si Julie na kumanta ulit kaya naman ngumiti na lang ulit siya sa crowd bago bumaba ng stage. At dahil tapos na siya sa kanyang part ay hindi siya kayla kuya Rocco dumeretso kundi kayla Elmo.
Tumitingin ang ibang estudyante, especially ang mga first year na ngayon lang nadiscover kung sino nga ba si Julie Anne San Jose.
“Naks! Tropa ko yan!” Elmo said proudly ng siniksik ni Julie ang sarili sa upuan niya.
“Haha! Ginulat nga lang ako ni Kuya Rocco na magintermission eh.” Sabi ni Julie. By this time ay gumagalaw na sila Tippy para naman hindi nagsh-share sa isang upuan si Elmo at si Julie.
“Rami mo nanaman fans Jules!” Bea said proudly.
Ayaw din naman tumingin ni Julie pero from the corner of her eye ay nakikita din naman niya na panay ang tingin sa kanilang banda ng ibang mga estudyante which was to be understood dahil nga naman katatapos pa lang niya magperform. Nagangat siya ng tingin at nakitang may mga ngumingiti pa rin sa kanya kaya naman binalik na lamang niya ang ngiti.
“Haha. Namumula ka.” Elmo said.
Julie playfully pushed his shoulder before resting back on the auditorium chair. “Manahimik ka muna Elmo at may kasalanan ka pa sa akin.”
Natawa lang si Elmo dahil sanay na siya na ganoon ang sinasabi sa kanya ni Julie. Nginitian niya ang kaibigan at lumapit ulit. “Ang galing mo talaga maggitara at kumanta.” And that was a legit compliment.
Bumalik naman ang ngiti ni Julie. “Thanks.”
They settled it at that, not seeing how their friends and their classmates were all glancing their way.
===============
Magwewelga ang tao kapag hindi pa sila pinakain kaya naman pagdating ng alas dose ng hapon ay natapos na ang general assembly.
“Jules!” Rocco called his little sister.
Tumigil muna saglit sila Elmo na handa na rin sana lumabas nung auditorium kahit pa nakikisiksikan sila sa iba pang mga estudyante kaso sumenyas muna saglit si Julie at pumunta kay Rocco.
“Yes kuya?”
“Kain daw tayo dito, may nakaready na pagkain.” Sabi naman ni Rocco.
Napakagat ng labi si Julie at napasilip sa kanyang mga kaibigan. Tippy was looing at her cellphone, Bea and Jhake were talking and Elmo was talking to someone she did not know. Sino naman kaya yun?
Binalik niya ang tingin niya kay Rocco at mahinang napangiti. “Kuya Rocs…”
“Okay okay I get it…” Sabi ni Rocco na may maliit na ngiti. “Sige na go hinihintay ka na ng friends mo.”
“Thanks kuya! Ikaw na lang muna bahala kay Mam Estevez ah.” Alam kasi ni Julie na hahanap hanapin siya nito.
Patakbo naman siyang dumeretso sa kanyang mga kaibigan at nakitang naghahagikhikan ang mga ito.
“Anyare?” She asked.
Natatawa pa rin na sumagot si Jhake. “Paano, may dalawang 1st year hinihingi yung number ni Elmo kanina.”
Tiningnan ni Julie ang kaibigan at nakita na walang expression sa muhka nito. Her eyebrows rose up as she asked;
“Binigay mo naman ba?”
“Eh ano sasabihin ko, na ayaw ko?’ Elmo said.
Tumawa lang lalo si Bea at si Tippy.
“Pucha ang gwapo mo pala Elmo?” Bea teased.
Julie shook her head at that. Di niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. Ang problema lang niya… Bakit naman ako naiinis?
=============================
AN: Yung hindi ko alam gagawin ko kasi nagtape ang MTW sa school kung saan ako lumaki at kung saan nagttrabaho tita ko? haha! gamit na gamit na din kasi yung school kung saan ako nagaral ng My Destiny saka Strawberry Lane. But anyways... keber hahaha!
Boring ba nung update? haha! Building up lang XD please vote or comment! thank you so much sa mga nagbabasa! love you all!
-BundokPuno