Chapter 11

2029 Words
Wala nga pasok pero wala din naman magawa. Nakaupo lang si Julie sa may balcony ng kwarto niya at nag-gigitara. Kung ano anong kanta lang ang tinutugtog niya at di niya namalayan na nagsusulat na din pala siya ng sarili niyang composition. Pen in one hand, paper in front of her and the guitar resting peacefully in her arms, she started writing. Kung ano anong tono na ang nagagawa niya nang may marinig siyang sumisitsit sa baba. Napasilip naman siya sa kalsada mula sa railings ng balcony niya at ang nakangiting muhka ni Elmo ang bumungad sa kanya. "Ui..." She greeted, a little surprised. Usually tulog pa itong mokong na ito kapag ganitong oras lalo na at walang pasok. "Saan punta mo?" She asked. "Obvious ba? Edi dito..." Elmo smiled. Julie chuckled. "Sige buksan mo na yung gate tapos pasok ka na dito." Nawala na sa paningin ni Julie si Elmo dahil pumasok na ito sa loob. Not a minute later ay narinig ni Julie na bumukas na yung pinto ng kanyang kwarto at pumasok si Elmo bago doon na rin sa veranda dumeretso. "Aga mo nagising ah! Palakpakan!" Julie teased, with matching palakpak talagan. Nakiride naman si Elmo at kunwari ay nagb-bow. "Thank you thank you!" Julie gave one last laugh before setting her guitar back down. Si Elmo naman ay naupo na din sa ratan chair sa kabilang side nung table kung nasaan nakapatong yung notebook ni Julie. Bago pa mapigilan ni Julie ang kaibigan ay nakuha na nito ang kanyang notebook. "Elmo ano ba! Ibalik mo yan!" "Oops! Ano muna itong pinagsusulat ng isang Julie Anne San Jose?" Nakakalokong tanong ni Elmo habang sinusubukan kunin ni Julie ang kanyang notebook mula sa kaibigan. "Elmo, isa! Ibalik mo yan!" Julie yelled. Tumayo na mula sa pagkakaupo si Elmo at dahil nga mas matangkad ito kay Julie ay wala naman nagawa ang dalaga. Too late dahil nababasa na ni Elmo ang mga nakasulat. "Wow, ano ito, kanta? Dedicated kanino?" Elmo asked with a cheeky smile on his face. "Wala okay!" Julie yelled. Finally bakuha na niya ulit yung notebook. Marahas niyang sinara yung notebook. Yung totoo wala naman talaga pa nakasulat doon dahil puro chords lang ang nakikita ni Elmo, wala namang lyrics na nakasulat. Elmo chuckled as he sat down on the chair yet again. "Sayang no Jules? Bakit hindi ka nag-music course?" Elmo asked. Umupo din muna si Julie at tinago ulit ang notebook sa isa pang upuan na nasa tabi niya at malayo din kay Elmo bago ito sinagot. "Edi kung nag-music course hindi tayo nagkakilala nila Tippy, Bea at Jhake?" Saglit na natigilan si Julie. Sana walang ibang iniisip si Elmo sa sinabi niyang iyon. Pero muhkang wala nga dahil nagshrug lang ito bago ajnabing; "Oo nga naman..." That moment naman ay narinig nila ang mahinang katok sa pinto ng kwarto ni Julie. "Pasok!" Julie called out. Kahit papaano ay rinig pa rin ang boses nila kahit nasa may veranda na sila. Bumukas naman ang pinto at ang linabas noon ay walang iba kung hindi si kuya Christian. "Elmo!" Gulat na sabi nito nang makita ang binata na nasa may veranda din banda. Sinara ni Christian ang pinto at pumasok na sa kwarto ni Julie para makapunta din sa veranda. "Aga aga nandito ka ah." Nakangiting sabi ni Christian habang tinatapik ang balikat ni Elmo. Muhkang galing pa ito sa trabaho dahil naka coat and tie pa rin ito habang hawak hawak ang doctor's coat sa isang kamay. "Wala kasi magawa sa bahay kuya." Nakangising sabi ni Elmo. "Kaya ito, kukulitin ko na lang si Julie." "Diyan ka magaling eh!" Natatawang sabi ni Christian. "Galing ka ng ospital no kuya?" Biglang sabi naman ni Julie. "Nakakain ka na ba? Baka hindi pa nakakaluto si manang, sandali ako na lang muna..." "Whoa there baby sis." Sabi naman ni Christian. Nginitian niya ang kapatid bago lumapit at hinalikan ang tuktok ng ulo nito. "Okay na ako. I ate na bago umalis ng ospital. Chineck ko lang kung kamusta ka na, nastranded daw kayo?" He worriedly asked the two. "Yeah pero okay naman kami kuya at least nasa loob kami nung school." Julie replied. "That's good." Doon naman tumingin si Christian kay Elmo. "Moe, inalagaan mo naman siguro itong kapatid ko no?" "Ah, oo naman kuya..." Elmo smiled while Julie scowled at him. She still hadn't forgotten what he did to her inside the restroom. "Haha! Good, maasahan talaga kita Moe." Christian said. Then he turned a weary eye to Elmo. " Hindi mo naman siguro liniligawan ang kapatid ko ano?" "Hala kuya where'd you get that!" Si Julie ang nagsalita at napatingin naman pareho si Elmo at Christian sa kanya. She visibly reddened before standing up and pulling Christian back to her door. "Alam mo kuya kailangan mo na talaga matulog eh, sige na go." All the while tumatawa lang si Christian. "Sige na sige na, tulog na ako." Finally umalis na ito sa kwarto. Humarap naman ulit si Julie sa kaibigan at nakitang nakatayo na ito at dinadala ang gitara paloob sa mismong kwarto ni Julie bago umupo sa kama. "Kanta ka Jules!" Sabi ni Elmo. Sabay tugtog ng isang pamilyar na intro ng kanta. At dahil feel niya din magjamming, tumabi naman si Julie kay Elmo at sinimulan ang pagawit ng kantang Why by Avril Lavigne. Enjoy na enjoy siya sa pagkanta, lalo na na getting lost in the moment din si Elmo sa paggitara at muhkang enjoy na enjoy din. She took her sweet time looking at him and couldn't help but smile as she continued singing. She felt elated just watching him bopping his head while she sang and he played. Panay din naman ang ngiti nito sa kanya hanggang sa natapos nila yung kanta. "Naks! Tropa ko yan!" Elmo's famous words habang pumapalakpak. And again Julie looked at him until she suddenly remembered what her big brother was saying to them a while ago. "Moe..." She called out. "Hmm?" Tanong naman ni Elmo. Hindi muna nagsalita si Julie. Isang bigkas lang na kakaiba baka iba na ang isipin ni Elmo eh. Nang maisip na ang gusto sabihin; nagsimula siya. "Diba... Hindi ka pa nagkakagirlfriend?" Halatang nagulat din si Elmo sa sinabi niya pero she stayed firm and didn't get rid of her eye contact with him. "Bakit ko naman natanong?" Sabi ni Elmo. Napakibit balikat lang si Julie. "Eh si kuya kasi kung ano ano tinatanong kanina. I mean, alam ko naman na hindi mo ako liniligawan pero wala ka ba gusto ligawan sa school or basta just ligawan in general?" Hindi na nagisip pa si Elmo at kaagad naman sumagot na; "Wala naman..." At dahil muhkang wala na ibang saaabihin pa si Elmo ay hindi na nagtanong pa ulit si Julie. Imbis, tumayo siya mula sa kama at lumapit sa may TV kung saan may maliit na cabinet na puno ng palabas. "Nuod tayo? Ano gusto mo?" Lumapit din naman si Elmo at nagcrouch din para makita ang choices ng DVD ni Julie which was actually a lot. "Pili ka diyan, kuha lang ako ng makakain." Sabi ni Julie. Iniwan niya ang kaibigan at bumaba sa kitchen para bunutin ang Lays chips na nadoon sa isa nilang cabinet. Gumawa na din siya ng sariling aour cream dip saka nagtimpla ng iced tea para sa kanila ni Elmo. Agad namang may binubgad sa kanya si Elmo nang pumasok siya sa loob ng kwarto. "Ito na lang!" Biglang sabi ni Elmo. Tiningnan naman ni Julie ang hawak ng DVD ni Elmo at nakita ang cover. "Ratatouille???" "Bakit? Maganda naman yan ah!" Ngumisi si Julie at binaba sa tabi ng kama yung tray ng pagkain na dala niya. "Wala ako sinabi na ayaw ko yan. Fave ko din kaya yan. Salpak mo na!" Masaya namang inilagay ni Elmo sa loob ang CD bago umupo sa tabi ni Julie sa kama at sinimulan ang palabas. =============== Julie woke up groggy as ever. Napatingin pa siya aa paligid hanggang sa makita ang bedside clock niya at nalaman na alas dose na pala ng tanghali. Asan si Elmo? Gumala nanaman ang tingin niya at nakitang mag-isa lang siya sa loob ng kwarto. Nakatulog siya habang nanunuod. Siguro kasi nakalapat yung likod niya sa headboard, inantok tuloy siya. Umalis na siguro si Elmo. Aba, tulugan ba naman niya eh. Tumayo na siya sa kama at inayos ang sarili bago bumaba. Nasa may hagdan pa lang siya nang marinig siyang usapan. "O diba manang sabi sayo masarap ako magluto ng sinigang eh!" "Aba oo nga no! Sige Elmo ikaw na lang kaya cook dito?" "Manang naman eh!" Julie speed midway nang marinig niya yung usapan na iyon. Elmo?? Binilisan pa niya lalo ang pagbaba at nakitang nagse-set up ng table si Elmo at si Manang Dora. Kaagad naman siya nakita nang mga ito pagkapasok niya. "Gising ka na pala Jules! Tara kain na tayo ng lunch?" Alok naman sa kanya ni Elmo. Pero nalilito pa rin niyang tinitingnan ang kaibigan bago nakita ang pot ng sinigang na nasa may stove banda. "Nagluto ka?" She asked. Si Manang Dora na ang sumagot para kay Elmo. "Oo Jules! At natikman ko, ang sarap ng sinigang niya!" "O si manang na nagsabi niyan Jules." Proud na sabi ni Elmo. Natawa lang din si Julie at nakisalo na. "Si Kuya ba?" Julie asked. "Di daw muna kakain." Sagot ni manang. "Tinanong ko na ipagtago ko na lang daw eh." Masaya naman ang naging kainan kahit tatlo lang sila. Hangga't sa maghapon na talaga at tinawagan naman si Elmo ng ate niya. "Ayan na, hinahanap na ako." Natatawang sabi ni Elmo habang binababa ang phone at binubulsa ito. "Jules, una na muna ako ah, kita na lang tayo bukas!" "Haha! Sige, sarap ng sinigang mo Moe." Julie smiled. Elmo returned the same smile. "Siyempre, specially made for you un." With one last smile, lumabas na si Elmo ng bahay at umuwi. Hindi namalayan ni Julie na napatayo na lang siya doon sa entrance. Bakit kasi... kinilig siya sa sinabi ni Elmo? "Ay mga kabataan nga naman oo." Bigla na lang sabi ni manang sa likod niya. Napatingin naman ai Julie dito. "Po?" "Ay wala wala." Napailing si manang habang inaayos ang suot na apron. "Wag mo ako pansinin." Pumasok naman na ulit ito sa loob habang naiwan si Julie sa may gate, staring at Elmo's disappearing figure. Sure shook her head, trying to get rid of these thoughts before going back inside and climbing the stairs to her room. Wala na din doon yung chips at dip dish na gamit nila. Panigurado naubos ito ni Elmo kanina. Pabagsak na humiga si Julie sa kama nang nay maramdaman siyang slight na matigas na bagay na nahigaan niya. Agad naman siyang bumangon at tiningnan kung ano iyon. Notebook ko? Ito yung notebook niya na may mga chords. Alam ko naiwan ko ito sa may veranda... Binuklat niya ang mga pahina at nagulat nang makita ang huling gamit na page. It was a drawing of her sleeping face. Litong lito siya hanggang sa makita niya yung pirma sa baba banda. E.M. Ang ganda nung pagkakaguhit. Parang professional ang gumawa. Kuhang kuha yung muhka niya... May message pa sa baba... Ganda mo matulog Jules haha! "Ayos yang drawing ah..." Halos tumalon ang puso ni Julie sa boses at nakitang nasa doorway niya si Christian, umiinom ng tubig. "Kuya naman!" "Aba eh nakabukas itong pinto mo eh..." Natatawang sabi ni Christian. Lumapit siya at pinagmasdan yung drawing bago napangiti. "May talent din talaga si Elmo ano?" Comment niya. Lumakad na siya palabas pero tiningnan ulit si Julie. "Jules, wala ka ba talagang nararamdaman para diyan kay Elmo?" Ngumisi si Christian. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Julie dahil umalis na itong tumatawa. Nanahimik si Julie, still sitting on the bed habang tinitingnan yung drawing ni Elmo. Siguro dati sasagot kaagad siya kay Christian nang; 'Wala...' Pero ngayon, kahit wala si Christian, napabulong siya bilang sagot; "Hindi ko alam kuya..." ================ AN: Yes si kuya Christian ay si Christian Bautista mwahaha. Cute nila ni Julie eh :)) Comments or votes are greatly appreciated :)) Mwahugz! -BundokPuno <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD