"Amboriiiing."
Hindi naman masisi ni Julie si Bea dahil napaka boring nga naman ng subject nila na ito. Humanities. Eh wala naman siya kaalam alam sa art!
"Okay class, homework niyo..."
Hindi pa tapos sabihin ng prof nila na may homework sila when they all groaned. Kakatamad eh.
"Mga bata talaga kayo..." Sabi ni Ms. Velasquez. She only shook her head before writing the homework on the board.
Napahinga ng malalim si Julie. Create a painting daw. E wala siya katalent talent sa pagpinta aba.
"Nako bagsak na ako nito wala naman ako alam sa pagpipinta." Sabi ni Bea.
Nananahimik lang naman si Tippy sa gilid dahil nagsusulat pa rin ito sa notebook niya nang mga reminders nung painting na homework nila.
"Moe diba magalaing ka magdrawing?" Jhake said, nudging Elmo.
"Hala, hindi ah..."
"Anong hindi eh--" Julie caught herself before revealing anything further to her friends.
"Ha? Ano yun?" Patay. Narinig na ni Tippy, hindi na siya titigilan nito.
"Ha? Wala wala..." Julie said.
"Ah, yun ba yung drinawing kita?" Bigla namang sabi ni Elmo.
Julie looked at him. Haay salamat talaga sa support Elmo.
"Ayiiie!!" Loko naman ni Bea sa kanila. "Patingin patingin!"
"Wala! Nasa bahay!"
"Ahaha siguro pina frame mo yun no Jules?" Pagloloko sa kanya ni Jhake na sinamaan niya ng tingin pero tumawa lang lalo ang binata.
"Dapat muhka ni Julie ang ipapasa mo kay ma'am Elmo! Para sweet!" Tippy commented.
Namumula na talaga si julie by this time pero wala naman siya magagawa at talaga namang tuloy tuloy lang ang pangaasar sa kanya ng mga kaibigan.
Si Elmo naman instead na tumulong ay nanggatong pa.
"Hindi naman mahirap idrawing si Julie eh. Sabi nila kapag maganda madali daw idrawing, diba love?"
Letse ka talaga Magalona. Julie scowled. Para kasi kay Elmo wala lang ang mga ginagawa nito pero sa kanya... Well, naaaapektuhan na kasi talaga siya eh.
"Mga baliw..." Bulong na lang niya na narinig naman ng mga kaibigan at lalo lang ikinatawa ng mga ito.
Humanities din ang last subject nila para sa araw na iyon. Kaya naman at least ibig sabihin nun uwian na nila. Maaga ang uwian nila nang araw na iyon kaya naman for sure lahat ng magkakabarkada e hindi muna uuwi.
"Manunuod tayo ng sine diba?" Masyang sabi ni Julie sa mga kaibigan. Ayos din kasi yung mall na malapit sa school dahil may sakayan din doon na deretso sa Summit Hills.
Nagkatinginan naman si Bea at si Jhake habang si Tippy ay maliit na napangiti na lang sa kanya.
"O ano yang mga itsura niyo." Sabi ni Julie.
Si Tippy ang unang nagsalita. "Hindi ako pwede ngayon Jules. Sorry. May kailangan kasi ayusin sa shop namin." May ari kasi ng isang bookstore sila Tippy at usually kapag may free time siya, no choice at siya ang magbabantay.
"Ha? Ganun. Sige sige...next time na lang..." Disappointed si Julie pero wala naman siya magagawa dahil negosyo iyon nila Tippy.
Expectant na sana siyang nakatingin kay Bea at kay Jhake pero nawala ang ngiti niya nang pareho namang malungkot na ngumiti ang dalawa sa kanya.
"Pati kayo? E pareho nga kayong nagyaya nito eh!" Julie huffed.
"Aww, nakakatamad talaga kasi Jules eh, ang sarap kasi matulog sa bahay." Sagot ni Bea sabay yakap kay Julie.
Yung totoo?? Puro antukin itong nga kaibigan niya?
"Haay ano ba naman magagawa ko..." Julie said. Makauwi na nga lang din. Baka buong arawin na lang niya ang pagbasa ng mga libro.
"Next time Jules pramis." Sabi ni Jhake.
All the while tahimik lang si Elmo sa tabi niya.
Sabay sabay na silang lima bumaba hanggang ground ng tumigil nanaman si Elmo.
Napatingin silang lahat sa kanya ng magsalita siya.
"Kakausapin ko nga pala si kuya Drew tungkol doon sa locker ng group natin sa Chem!" Sabi niya.
Kahit ba sanay na sila lahat sa pagiging makalimutin ni Elmo sa ganitong bagay ay hindi nila napigilan ang mapabuntong hininga.
"O edi aakyat ka pa?" Sabi naman ni Bea. "Una na kami, uwing uwi na ako eh..."
"Yeah, I really need to head on home." Sagot naman ni Tippy.
"Sige una na kayo, akyat lang muna ulit ako." Pagpapaalam ni Elmo sa nga kaibigan bago umakyat nanaman sa taas at ang tatlo pa nilang kaibigan ay nagsiuwi na.
At kagaya ng dati, naiwan si Julie na nakaupo doon sa may mga waiting chair.
Hindi pa nakakalipas ang dalawang minuto nang biglang kumalam ang tiyan ni Julie. Kaya naman walang sabi sabi na tumayo siya at pumunta ng mini stop malapit lang naman sa school atsaka bumili ng isang pirasong kariman saka C2.
Pagbalik niya sa pwesto niya kanina wala pa rin si Elmo.
Kay tagal naman ng lalaki na iyon.
Nakakailang kagat pa lang siya sa kariman niya nang may marinig siyang tumabi sa kanya.
"Kaloka!"
Napatingin siya at nakitang si Mitzie at Nora pala.
"Ui guys!" Julie said. "Hindi pa kayo umuuwi?"
"Gala mode muna kami!" Sabi naman ni Nora. "Pero alam mo naman yun sila Dana, aba mga pinaglihi ata sa pagong!"
"Kinginis ang tatagal gumalaw eh!" Comment pa ni Mitzie.
"Ikaw ba Jules? Bakit di ka pa umuuwi? Gusto mo sumama maglunch sa amin?"
"Uhmmm..."
"Okay na tara?" Siya namang dating ni Elmo bago pa makasagot si Julie sa tanong ni Nora.
"Gwapo mo talaga Elmo!" Nora commented.
Ngumiti lang si Elmo. Close na nila talaga ang mga ito at sanay sila sa ganong mga bagay.
"Uwi na din siguro kami Nora eh." Julie explained habang tumatayo. Bigla naman niya napansin yung kanina pa niyang hawak na kariman at inalok naman ito kay Elmo.
"Gusto mo?"
"Sige..." At bigla namang nag-lean down si Elmo at nakapasok pa ang kamay sa mga bulsa na kumagat doon sa kariman ni Julie. Gulat na gulat si Julie, as seen with her widened eyes pero ngumiti lang si Elmo sa kanya habang ngumunguya.
"Ayiiii!" Bigla namang tili ni Nora kaya naman napatingin si Julie at si Elmo sa kanya bago naman si Mitzie ang bumira ng comment.
"Ay putang ina Elmo napakalandi mo talaga! Kinikilig ako sa inyo!!! Indirect kiss!"
"Sshh! Ang ingay niyo pareho pinagtitingnan na tayo!" Nahigiyang sabi ni Julie dahil hindi siya ngakakamali at ang raming nakatingin sa kanila ngayon.
"Ahaha sa kinikilig nga kami eh!" Sabi naman ni Nora. Nang mahimasmasan ay dumeretso na ito at ngumiti ulit kay Julie at kay Elmo. "O siya sige, alam ko naman na gusto niyo na dalawa umuwi. Akyat pa ulit kami at titingnan ang mga tropa na hindi ko maintindihan."
"Bye lovebirds!" Paalam ulit ni Mitzie bago hilain na siya ni Nora papunta sa mga elevator.
Nagkatinginan naman si Elmo at si Julie na parehong natatawa.
"Sabi ko na may sapak talaga yung mga yun eh." Sabi naman ni Elmo.
Sabay na sila naglakad palabas habang inuubos ni Julie yung kariman.
Kainis. Ito lang kakainin niya? Baka kasi hindi na nagluto ng lunch si manang sa bahay.
Akala niya naririnig niyang kumukulo ang kanyang tiyan at nagulat na lang nang marealize na hindi sa kanya yun kundi kay Elmo.
Natawa siya nang makita na napangisi lang sa kanya si Elmo.
"Gutom ka na rin? Kain na lang kaya muna tayo sa mall? Tapos deretso uwi?" Julie suggested.
"Uwi agad?" Biglang sabi naman ni Elmo. "Nuod na rin tayo ng sine!"
================
Pagkakain ng lunch ay dumeretso na sa sinehan si Elmo at si Julie. Pinaplano naman talaga kasi ng barkada nila na manuod kaso ayun nga, mga nagsi-ayaw.
At hindi naman sinasadya na horror-romance-comedy (saan ka pa!) yung pinanuod nila. Medyo na-awkwardan si Julie dahil nga dalawa lang sila ni Elmo. Para bang date, pero para kay Elmo ay parang wala lang naman. Sayang naman. Kinikilig kasi siya.
"Haha! Kakaloka yung palabas parang gusto ko ulitin." Nakangiting sabi naman ni Julie.
"Oo maganda nga siya. Saka kakaiba yung story..." Comment naman ni Elmo.
Marami rin silang tao na nakasabay sa paglabas at meron din naman na papasok nung mismong movie house.
Hawak hawak pa rin ni Julie ang kanyang empty popcorn bag nang...
"Cora???"
"Julie???"
"Cora!"
"Julie!"
Parang mga may tililing na tumili si Julie at ang babae na nasa harap niya ngayon bago nagyakapan habang si Elmo ay tahimik lang na nanunuod.
"Ano ginagawa mo dito?" Julie asked.
Kabatch din nila ni Nico itong si Cora nung highschool at one of their close friends din. Malayo kasi dito ang university na pinapasukan nito kaya naman takang taka si Julie kung bakit dito ito nanunuod.
"Kasi girl diba yung baby brother ko dito nagaaral? Eh pauwi na rin kami pero gusto niya manuod ng sine kaya dito muna deretso namin." Cora explained.
"You mean si Cooper? Yung gwapo mong baby brother?" Sabi ni Julie. "Eh teka asan siya?" Napansin niya kasi na mag-isa lang naman si Cora.
"Bumibili pa ng popcorn namin eh. Kaw ba asan yung kasama mo kanina?"
Napapitlag naman si Julie at nakitang nawawala sa panigin nila si Elmo. Nang ginala naman niya ang nga mata ay nakita niyang nakatayo ito banda sa mga upcoming movie posters at isa isa itong tinitingnan.
Umangat naman ang ulo ni Elmo at napatingin ito kay Julie bago ngumiti at kumaway pa.
Saka naman nakarinig ng impit na tili ito si Julie.
"Yiie! Jules ang gwapo! Kaw naman di mo ako binalitaan na may love life ka na pala..." Sabi naman ni Cora.
Natameme si Julie sa sinabi ni Cora at napabulong lang. "Ui hindi ah!"
"Anong hindi! Kita mo galing pa kayo sa pagnunuod niyan." Sabi naman ni Cora sabay turo sa poster nung kakapanuod lang na palabas ni Julie at ni Elmo.
Julie shook her head. "Friends nga lang kami.."
"Talaga?" Genuine na pagtataka ni Cora. Sabay tingin ulit kay Elmo na ngayon ay nakatayo na lang at may tinitingnan sa cellphone. "Alam mo ba na bagay na bagay kayo?"
Julie could only sigh. Parang lahat naman yan yung sinasabi.
Pero parang kasi medyo na coocnfirm niya na... "Hindi naman ako gusto niyan eh..."
"Pero ikaw gusto mo?" Naiintrigang tanong ni Cora.
At hindi na nabawi ni Julie yung sinagot niya. "Oo..."
=================
AN: hello friends! Short update! May hangover pa ako mwahaha!
Whoo mamaya na concert ni Bebe Julie! Sa mga manunuod enjoy and cheer the loudest!!!
God bless!
Mwahugz!
-BundokPuno <3