Chapter 13

2726 Words
Kanina pa paikot ikot si Julie sa kama niya. Kakainis. Magsisimula kasi sana siya sa libro tapos wala naman pumapasok sa kanya kaya ibababa lang niya ito tapos ayan nanaman ang pagbabasa pero ibababa niya ulit. Inis na tumayo siya mula sa kama saka binuksan ang laptop, makapag tumblr, twitter, f*******: o 9gag nga... Sakto naman na nakita niyang nagt-twitter si Nico at kung ano anong quote ang pinagt-tweet. Hindi busy si bakla... Hindi na siya nagdalawang isip pa at kaagad lumabas ng kwarto dala lang ang cellphone at lumabas na din ng bahay bago linakad ang kalsada papunta kayla Nico. Pinakamalayo yung bahay nila Nico dahil sa dulong street pa ito. At ito din ata ang pinakamalaki na bahay doon sa Summit Hills. "Hi mam Julie!" "Hi kuya Pancho!" Bati ni Julie sa security gaurd nila Nico. Oo sosyal talaga yung bakla na yon, may sekyu yung bahay. "Nandyan po ba si Nico?" "Ayun nasa taas." Nakangiting sabi ni Pancho bago simulan ang oagbukas ng gate para kay Julie. Nagpasalamat naman si Julie bago dumeretso na sa loob ng bahay nila Nico. Malaki nga ito parang dosenang lote ang sakop pero siyempre exag lang yun. Yung ibang maid bumati din kay Julie habang naglalakad siya papunta sa kwarto ni Nico. And finally nang naabot na niya yung kwarto ay munti siyang kumatok. She stood there waiting for an answer but no one was answering the door. And then she heard the loud blaring music from inside. Kaya naman napalapit ulit siya doon sa pinto at kumatok. Wala nanaman sagot. Linakasan niya ang katok at halos balibagin na ang pinto dahil panigurado hindi talaga siya naririnig nung lalaking binabae sa loob. Masisira na ata niya yung pinto at tawa na rin siya ng tawa dahil napakabagal buksan ni Nico yung pinto ng marahas na ito bumukas. "WHAT THE ACTUAL FU--JULIE?!" "Sa wakas naman bakla! Hindi ba nababasag yang ear drums mo ha?! Ang lakas lakas ng music mo eh!" Sinimangutan siya ni Nico pero hinila naman siya papasok ng kwarto. "Grabe ka mambulabog Julie Anne ha! Alam mo ba nasira beauty ko sayo! Imbyerna ito!" Sabi naman ni Nico habang nakahalukipkip na umupo sa sariling kama. Hindi nga nagkakamali si Julie dahil rinig na rinig na ata ng buong mansyon nila Nico, kahit gaano pa kalaki ito, ang pagkanta ng 5SOS ng What I Like About You. "Kasi pinagnanasahan mo nanaman si Callum eh!" Panloloko ni Julie sa kaibigan. "Ah!" Nico gasped. "Excuse me, hindi si Callum ang pinagnanasahan ko... si Luke!" Natawa lang lalo si Julie Anne. Ito talagang bakla na ito. "Bakit ka ba nandito?" Bigla namang tanong ni Nico. Julie shrugged. "Hindi ba owede na dibadalaw ko lang ang kaibigan ko?" Nico looked at her incredulously. "Hoy Julie Anne, lokohin mo pa ako ha, e tamad ka kaya puntahan ako, ako lagi pumupunta doon sayo." "Grabe ka naman! Love din naman kita ah." Ngisi pa ni Julie bago kunwaring hahalikan sa pisngi si Nico. "Eeew Julie!!! Kadiri!" Natawa lalo si Julie. With matching tili pa kasi ito eh. "Hahaha patawa ka talaga kahit kailan bakla..." Julie commented. Pero maya maya ay nananahimik na rin naman siya. At dahil nga highschool pa lang ay nagkakilala na sila, alam na ni Nico na may issue itong kaibigan niya ngayon. "Julie, ano yun? Come on, alam mo naman na you can always ask or tell me anything..." Nico said in a comforting manner. Sa totoo lang hindi pa kasi alam ni Julie kung ipupush niya ba itong sasabihin niya kay Nico, kaso lang kasi kain na kain na yung utak niya sa kakaisip eh. "Bakla..." "Aba Julie Anne San Jose will you spit it out!" Julie sighed first before finally talking. "Eh kasi bakla... Nagkatotoo na yung pinagsasabi niyo ni Maq." Nung una tiningnan lang siya ni Nico bago ito nagsalita ulit ng naka cross arma at nakakunot ang noo. "Ano ba Julele! Ang rami rami namin sinasabi ni Maqui! Lam mo naman na kapag nagsama kami nun parang may labanan ng firearms of words kaya can you be more specific sa pinagsasabi mo?" Leche kailangan ko pa talaga sabihin? And once again Julie had to sigh as she looked at her folded hands on top of her lap. "I think... I like Elmo..." Ang galing galing niya magsalita sa harap ng maraming tao pero yung mga salita na iyon hindi man lang niya mabigkas ng maayos. Ang tagal na hindi nagsasalita ni Nico kaya naman napatingin si Julie dito at nakita na nakanganga ito. "Bakl---" "My gahd! My gahd my gahd my gahd naman Julie Anne! SA WAKAS NALAMAN MO NA!" Nagulat si Julie nang makita na tuwang tuwa  si Nico at halos mangisay na sa kama habang kinikilig na pinaghahampas siya sa braso. "Ar-aray Nico ano ba!" "Eh ikaw kasi eh! Ano? Sa wakas ba umamin na din siya sayo kaya ka nagkakaganyan? Kelan anniv nyo?" "Nico stop..." Sabi ni Julie at hinawakan ang magkabilang braso ng kanyang kaibigan. Tumigil naman si Nico pero may traces pa rin ng ngiti sa labi nito. Huminga naman ng malalim si Julie at saka nagexplain. "I never said na umamin din siya..." She stopped for a while thinking to herself. "Teka nga girl, kung nalaman mo na may gusto ka na pala diyan kay Magalona e bakit semana santa yang muhka mo?" Nico asked. "Eh kasi bakla... ano ngayon kung crush ko nga siya. Ako lang... Hindi naman ibig sabihin non na siya din crush ako." Marahan siyang tiningnan muna ni Nico bago nagsalita ulit ito. "Ganitech Julele..." Simula ni Nico. Tiningnan muna niya ang kanyang kaibigan ng maigi bago tinuloy ang pagtanong. "Alam ko naman na papa talaga yan si Magasarap." Tinuloy pa rin niya ang sinasabi kahit na ganun ang tingin sa kanya ni Julie dahil sa pinagsasabi niya. "Pero alam ko din na kaya mo siya nagustuhan, dahil sa ugali niya, sige nga, sabihin mo sa akin kung bakit mo siya naging crush?" Napatigil naman si Julie sa tinatanong sa kanya ni Nico. Ano nga ba? Hindi siya nakasagot kaagad dahil yung totoo; walang specific na rason kung bakit niya tuluyan nagustuhan si Elmo. Patong patong na lang siguro yung dahilan. "I don't know Nico. I mean... Sweet kasi siya eh. Tapos maalaga tapos ang touchy, ah ewan! Letse talaga iyon." "Ayun na nga friend!" Sabi ni Nico. "Bakit ba sa tingin mo ang sweet ni Elmo sayo? That just means he likes you too!" Tila kinikilig na sabi ni Nico. Gusto man sana kiligin ni Julie, hindi pa rin nakakapanatag ng loob ang kahit ano na sabihin ni Nico. "Bakla, magiging sweet talaga sa akin yun, kaibigan ko eh." "Tangina naman Hulyeta!" Sigaw ni Nico dahilan para mapaatras kaunti si Julie. Sanay naman siya na nagmumura si Nico pero hindi kagaya ng ganito. "Kung sweet siya sa lahat ng kaibigan niya edi sila Maqui at kung sino sino pa ginaganon din niya!" Muhkang hindi pa rin patalo si Julie dahil nagsalita ulit ito. "Extra sweet lang talaga siya sa akin kasi nga lagi din kami magkasama." Naningkit ang singkit ng mata ni Nico. "Alam mo, bahala ka, pero sa akin lang may gusto din yun sayo." Julie sighed yet again and just shook her head in answer. Hindi pwede kasi magassume. Alam niya kung gaano kahirap magassume lalo na at minsan hindi naman niya talaga mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip ni Elmo. "Eh teka girl..." Biglaang sabi naman ni Nico dahilan para mapatinhin nanaman si Julie sa kanya.  "Paano ngayon yan? Magkasama kayo lagi. Di ka man lang ba maakwardan na kasama mo siya?" "E-edi parang wala lang." Sabi ni Julie. Madali sabihin pero hindi niya alam kung kaya niya. Letse kasi ito si Elmo napakaharot kapag kasama siya. "Bakla kakayanin ko ba ito?" Biglang sabi naman ni Julie. Nico rolled his eyes. "Sarap mo sabunutan Julie Anne!!" =============== Lumalabo ata mata niya eh. Saglit na tinanggal ni Julie ang kanyang salamin at saka minasahe ang bridge ng kanyang ilong bago binalik nanaman. Hilong hilo na siya sa ginagawa nila sa laboratory. Ang rami kasi! At dahil mabait si Mam Lee na professor nila sa Chemistry lab ay kung sino sino ang magttropa ang magkakagroup mates din sa laboratory. Busy siya sa isang experiment. Si Bea at Tippy sa isa pang experiment tapos si Jhake at Elmo naman sa isa pa. By popular vote na kaya niya gumawa ng experiment mag-isa kaya naman sa kanya itong maraming ginagawa. Nakakatawa lang na lahat sila sa grupo naka salamin. Oo minsan nagcocontacts lang siya paminsan minsan pero kasi kapag may mga experiment na kagay nito kaipangan talaga nakasalamin sila dahil baka kung ano anong chemical ang tumalsik sa mata nila. Patapos na siya doon sa isa niyang ginagawa at huhugasan na yung ginamit na Erlenmeyer flask. Nagtanggal siya ng gloves saglit bago  dinala niya yung flask papunta sa may sink at akmang itatapon na yung laman nang bigla na lang niyang maramdaman na may bumungo sa kanya. "Ay!" Too late. Tangina ang sakit! "Shet! Julie sorry!" Sigaw ni Henry. Nakatingin ang lahat sa kanila at narinig na lang nilang nabasag yung hawak hawak na flask ni Julie habang hawak ng dalaga ang kanyang wrist at wala siya magawa kundi tingnan ang kamay na natapunan ng Sulfuric acid. "Ano nangyari!?" Nagpapanic na tanong ni Elmo habang palapit siya sa kanila. Kahit namimilipit sa sakit ay kalamado lang si Julie at marahang sinabi sa kaibigan na; "Moe pabukas ako nung gripo..." "Ano nangyari?" Siya namang lapit ni Mam Lee. By this time nakababad na sa tubig yung kamay ni Julie na natapunan ng sulfuric acid habang nagaalala pa rin na nakatingin si Elmo. Bigla naman napaharap si Elmo kay Henry at napasigaw. "Ano ba kasi ginagawa mo?! Nakikipagharutan ka nanaman!!" Gulat na napatingin si Henry sa kaklase. "E-Elmo, hindi ko naman sinasadya..." "Naghaharutan kasi kayo! Ayan tingnan mo kamay ni Jules!" "Mr. Magalona!" Mam Lee exclaimed. "Huminahon ka..." Napatahimik naman si Elmo but he was still glaring at Henry. Si Julie naman ay patuloy na binababad ang kamay sa tubig at kahit paano ay naiibsan naman ang pagkahapdi sa kamay niya kahit na may kaunting kirot pa rin na nararamdaman. "Ms. San Jose, keep that under the water for 30 minutes. Tapos bababa na tayo sa clinic." Sabi ni Mam Lee. "Yes ma'am." Mahinang sagot ni Julie sa professor nila. "Jules okay ka lang?" Tanong ni Bea at ni Tippy sa kanya. "Oo medyo nawawala na naman yung sakit." Sagot ni Julie sa kanila kahit pa nakahawak pa rin doon sa kamay niya. Si Jhake at Elmo naman ay kaagad na tumawag ng custodian para linisin na yung nabasag na flask. "Jules sorry talaga. Hindi ko kasi alam na nasa likod pala kita." Sabi naman ni Henry. Kitang kita ni Julie yung nakakaawang ekspresyon sa muhka nito kaya naman napangiti siya ng marahan as if assuring him that everything was going to be just fine. "Okay lang ako Henry promise. Smile ka na." She said. Pero nakapout pa rin sa kanya si Henry. "Eh kasi Jules natakot ako kay Elmo eh..." Nagkatinginan naman ang nagkakaibigan sa sinabi ni Henry bago mahinang natawa si Julie. "Nako. Wag mo na alalahanin yun. Okay na ako I promise." "Gusto mo samahan na kita pababa sa clinic?" Alok naman ni Henry pero bago pa makasagot si Julie ay may bigla namang sumingit. "Hindi. Ako na ang nagdadala kay Julie sa clinic." Laking gukat na lang nila nang nakita na si Elmo pala ang nagsalita. Akala kasi nila kasama ito sa pagtawag doon sa custodian. "Moe..." Julie uttered Walang sabi sabi na inalalayan ni Elmo si Julie palabas ng laboratory kasama si Mam Lee. Binalot muna nila saglit ang kamay ni Julie sa panyo ni Elmo at saka naman derederetso na bumaba papunta sa clinic. "Okay ka lang Ms. San Jose?" Mam Lee asked. "Tama ang ginawa mo at binabad niyo muna sa tubig." "Oo nga po eh. Tanga ko lang po na tinanggal ko kaagad yung gloves." Julie said. "Baka po kasi madulas sa kamay ko yung flask, natakot po ako..." "Okay lang basta mapagamot na natin yan sa baba." Mam Lee said habang nakasakay na sila sa loob nung elevator. "Gago kasi yun si Henry eh..." Biglang cimment naman ni Elmo kaya napatingin sa kanya si Mam Lee. "Mr. Magalona." Sabi ni Mam Lee na para bang pinapagalitan ang isang kindergartener. "Sorry po mam." Sabi naman ni Elmo. Nakahawqk oa rin siya sa kamay ni Julie, ayaw ito bitawan. "Natakot sayo si Henry, sinigawan mo kasi." Julie whispered, trying to ignore the fact na parang kanina pa gustong kumawala ng kamay niya dahil ayaw niya yung feeling na hawak hawak ni Elmo ito. Masyadong nagiging...bubbly yung nararamdaman niya. "Nakita ko kasi sila nila Kris, harutan ng harutan kaya ayan, nabangga ka pa niya." Inis na sabi ni Elmo. Pacheck check siya sa kamay ng kaibigan at napailing. "Okay ka lang ba talaga Jules?" Namumula na kasi talaga yung kamay ni Julie sa may bahagi pa ng thumbs. "Okay naman ako." Julie replied which was true dahil at least nababad na nila sa tubig kahit pa may kaunting sakit pa rin na nararamdaman. And at least alam nila na kahit papano ay dikuted naman yung ginamit nila na sulfuric acid. Nakarating sila sa may clinic at kaagad naman inalalayan papasok sa loob ni Mam Lee ang dalawa niyang estudyante dahil kahit anong hila ni Julie ay ayaw naman bumitaw sa kanya ni Elmo. "Nako ano nangyari?" Sabi nung nurse na sumalubong sa kanila. "Sulfuric acid." Simpleng sagot ni Mam Lee dahil kahit siya ay ayaw magpakita na nagpapanic siya. "Okay, let's get her inside." Pinaupo naman si Julie sa isang waiting chair at kagaya ng kanina ay ayaw pa rin bumitaw sa kanya ni Elmo. "Mr. Magalona iiwan ko muna kayo dito ah. Ikaw muna bahala kay Ms. San Jose." Sabi ni Mam Lee. Nginitian niya si Julie at umakyat muna sa taas dahil hindi niya pwede iwan ang kanyang klase. Panay pa rin naman si Elmo ng check sa kamay ni Julie at hindi alam ng huli kung maiinis na ba siya o hindi. Mas aligaga pa kasi ito sa kanya. "Kaya nga kasi lab, dapat hindi naghaharutan tsk." Pabulong bulong pa na sabi ni Elmo kahit rinig na rinig naman ni Julie ang sinasabi niya. Dinaan na lang niya sa tawa ang lahat. "Alam mo..." Panimula ni Julie. "Mas asar ka pa sa akin eh." Tiningnan naman siya ni Elmo na seryoso ang muhka. "Siyempre kaibigan kita eh. Di sila nagiingat ayan nasaktan ka tuloy." Julie's smile slightly faltered and she hoped it didn't show. Ayun na nga eh, kaibigan mo lang ako... She made up her mind. This was a lost cause. Galing na mismo sa bibig ni Elmo eh. Kaibgan lang siya. Kaya mo ito Jules, macho ka... Saka crush lang naman diba? Diba? Sino ba ang kaaway niya?! Magaling siya sa maraming bagay at sigurado siya na kaya niya itulak palayo ang nararamdaman para sa kaibigan. Nothing will change. They will stay as friends and she was going to be okay... Right? "Ms. San Jose?" Nawala ang train if thought niya at pareho sila ni Elmo napatingin nang tawagin na siya nung same nurse na sumalubong sa kanila kanina. Tumayo si Julie at akmang sasama sa loob ng maliit na kwarto si Elmo ng pigilan naman siya nung nurse. "Si Ms. San Jose na lang sir. Don't worry pwede ka naman maghintay dito, ako bahala sa kanya." Kahit muhkang ayaw pa rin ay sa wakas bumitaw na si Elmo sa kamag niya at hinayaan siya na sundan yung nurse sa loob. Nang makapasok na sa loob ay pinaupo nung nurse si Julie sa may maliit na table bago isara yung pinto.  "Ang sweet naman nung boyfriend mo, ayaw ka talaga iwan." Sabi nung nurse. Napatingin naman si Julie dito at munting napailing. "Ah, hindi ko po boyfriend yun." "Talaga?" Tila gulat na gulat na sabi nung nurse habang naghahanda ng gamit para malagyan ng ointment at ng gauze yung kamay ni Julie. "Opo..." Julie said. And with a heavy heart, added. "Friends lang po kami..." ============== AN: Hala..Gigive up na ba kaagad si Julie? Hehehe. Abangan... :P Comments or votes po :) Salamat po sa lahat ng nagbabasa! Sana po naeenjoy niyo ito :D
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD