“TATI LOR, YOU are so mabango na po! I really love you so much po!” masiglang sabi sa akin ni Harry. Napatingin lang ako sa mukha ng pamangkin ko habang nakapatong siya sa tiyan ko. Grabe talaga ang mga bata, ’no? Wala silang ideya kung gaano sila kabigat tapos kung makapaglambing, wagas? Nandito naman sana sa bahay sina Ate Gwen at Kuya Jared pero ako talaga ang paboritong kalaro ng pamangkin ko. Sana lahat ay mahal ng pamangkin. “Tati Lor, bakit wala ka po kanina morning? Hinanap po sana kita para mag-morning kiss,” sabi ni Harry. Napangiti ako. “Nasa bahay ako ng friend ko. Why not ngayon mo na lang kaya gawin ang kiss mo for me?” Nang ngumuso na ako, agad akong hinalikan ng pamangkin ko. Hindi pa siya nakuntento at pinaulanan pa ako ng halik sa kung saan-saan parte ng mukha ko. “

