LORI NATASHA “WAHHH!” SIGAW KO sa sobrang kaba. Walang tigil ako sa kasisigaw nang biglang nagpaharurot ng takbo si Kenzo. Nagsisisi tuloy ako kung bakit pinakita ko pa sa kanya. Sa sobrang saya ko sa nangyari sa buhay ko, na-overwhelm ako. Nakalimutan ko pa tuloy na grabe magalit ang lalaking mahal ko. Habang nasa sasakyan ako, mas hinigpitan ko ang seatbelt ko. Malakas naman ang kutob ko na may airbag ang sasakyan ng lalaking mahal ko. Pero kahit na! Hindi pa rin dapat ako maging kampante. Pwede pa rin ako mamatay kung mabunggo man kami. Dahil gusto ng lalaking mahal ko ang may takot sa Diyos, napa-sign of the cross na ako. Gusto ko lang magdasal para naman mabawasan ang kasalanan ko sa mundo. “Lord, grabeng karma naman iyan, oh! Hindi ganito iyong in-expect ko. Akala ko light karma

