KABANATA 12

1975 Words
WALANG TIGIL PA rin ako sa paghagulgol habang hinihiling na sana yakapin ako ni Kuya Kenzo. Hindi ko pa naranasan na yakapin niya kaya sana sa sitwasyong ito, magagawa niya na iyon sa akin. “All I want is the best for you, Kuya Kenzo. Sana maging kayo ni Ate Thalia,” sabi ko. “Tumahan ka na,” sabi niya. “T-Tahan lang? Walang mahigpit na yakap?” sabi ko sa isipan. Hinawakan na ni Kuya Kenzo ang likuran ko at gusto ko ng mapasigaw sa sobrang saya. Pero dahil professional liar ako, mas humagulgol pa ako. Demanding na kung demanding but I want him to hug me. Gusto ko na yakapin niya ako nang mahigpit. Nang inalagay na niya ang kamay niya sa braso ko, nagsitayuan na ang mga balahibo ko. Malakas lang ang kutob ko na yayakapin niya na ako. At hindi nga ako nagkamali, unti-unti na niya akong pinalapit sa kanya. Nang niyakap niya ako, ipinatong niya ang ilalim ng baba niya sa ulo ko. Napangiti na ako nang malapad. Hindi niya rin naman ako makikita dahil nakatakip ang mukha ko sa mga kamay ko. “Sh*t! Ganito pala kasarap yakapin ng isang Kuya Kenzo? Ang swerte ko pala dahil ako rin naman ang magiging future niya,” sabi ko sa isipan. Mas nilakasan ko pa ang iyak ko para hindi niya ako bitawan. Humigpit na ang yakap niya sa akin kaya pinaduling ko na ang mga mata ko sa labis na tuwa. “Tahan na, Lorna. Hindi ako sanay na ganyan ka,” sabi ni Kuya Kenzo. Napabuntonghininga na ako para kunwari nakinig ako sa gusto niya. Pagkatapos, unti-unti na akong tumahan para mas maramdaman niya na seryoso ako. Nang bumuwag na si Kuya Kenzo mula sa pagyakap sa akin, ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko. Hinimas niya iyon kaya hindi ko mapigilan na mapangiti. “Darating din ang para sa iyo, Lorna. Basta ang sigurado ako, hindi ako iyon,” sabi ni Kuya Kenzo. Kahit ang sakit ng sinabi niya sa akin ay nagawa ko pa rin na tumango. Gusto ko lang ipakita sa kanya na sumang-ayon ako sa sinabi niya. Kasi iyon naman talaga ang plano ko, ’di ba? Ang ipakita sa kanya na taos puso ko na siyang pinalaya. Nilingon ko si Kuya Kenzo. “’Wag kang mag-aalala, Kuya. Nilalakad kita kay Ate. Mahal ka niya at sinabi niya iyon mismo sa akin nang paulit-ulit. Pero ayaw niya muna pumasok sa isang relasyon dahil hindi pa siya contented sa narating niya. She wants more. Naiintindihan mo naman siya siguro iyon, tama ba?” Napatango si Kuya Kenzo. “Of course. Kaya nga mahal na mahal ko ang babaeng iyon.” “Pero ginagawa ko naman ang best ko na ipaintindi sa kanya na mas maganda na gawin niya ang pangarap niya na nandiyan ka na,” sabi ko. Napangiti si Kuya Kenzo. “Salamat kung ganoon.” “Baki, Kuya? Gusto mo na ba talaga maging kayo ni Ate?” Napatango si Kuya Kenzo kaya muling kumirot ang puso ko. Mas mabuting ganito na lang siguro ang mangyayari araw-araw para masanay ako. Para hindi na ako basta-basta mabibigla. Nilingon niya muli ako. “Alam mo bang may hinihintay akong tatlong bagay na mangyari sa akin? At kung mangyari iyon, masasabi ko na buo na ako.” “Ano iyon?” tanong ko. “Una, maging kami ni Thalia. Pangalawa, ang ikasal kami sa dalampasigan kasabay ng paglubog ng araw. Panghuli, magkaroon kami ng maraming mga anak.” Kung patalim lang ang mga salitang binitawan ni Kuya Kenzo para sa babaeng mahal niya ay duguan na sana ako. Mahal na mahal niya talaga ito. Nakikita ko sa mga mata niya na hindi man lang siya napagod sa kahihintay rito. Sana mas magkaroon pa ako ng lakas para ipagpatuloy ko ang pagpapanggap. Ang hirap lang kasi pigilan ng nararamdamann ko. Para bang hindi magtatagal ay bibitaw na ang luha sa mga mata ko sa harapan niya. Napangiti na ako. As what I have said, paninindigan ko ito. Wala sa vocabulary ko ang sumuko sa lalaking mahal ko. Hindi ko sila hahayaan na magtatagumpay. I’m gonna win this fight! “Sana lahat. Ipagdadasal ko na sana magkakatotoo lahat ng mga hiling mo, Kuya,” sabi ko. “Salamat, Lorna. Ipagdadasal ko rin na sana mahanap mo na ang sa iyo.” Hindi na niya kailangan ipagdasal ang lalaking para sa akin dahil siya lang naman ang hinihiling ko at wala ng iba pa. Hindi ko hahayaan na mawala ako sa mundo na hindi Anderson ang apelyido ko at wala kaming mga anak. “Magtatapos na siguro ako muna sa college, Kuya,” sabi ko. “Mas mabuti. Tapos ’wag ka rin basta nanghahawak ng ano, ha? Mali iyon,” sabi ni Kuya Kenzo. Nagsitayuan na ang mga balahibo ko sa sinabi niya habang hindi mapigilan na matawa. Naalala ko lang iyong mataba at mahaba niyang p*********i. Ewan ko ba sa kanya kung bakit pa niya pinaalala. Kinikilig tuloy ako. “Kuya, pinaalala mo pa! Ibinaon ko na sana sa limot, e,” sabi ko. Gaslighter iyan? “Pinapaalahan lang kita.” Napabuntonghininga ako. “Sorry talaga roon. It was an honest mistake, Kuya.” “May kasalanan din ako roon. Hinayaan kita. May mali rin ako. Tungkol sa nasabi ko sa iyo, pasensiya na roon. Nadala lang ako ng emosiyon ko. Pero sa ginawa mo now, masasabi ko na nagkamali ako sa panghuhusga sa iyo. You are brave enough na palayain ako diyan sa puso mo. It’s an act of maturity.” Napangiti na ako sa mga pinagsasabi ni Kuya Kenzo tungkol sa akin. Hindi rin halata na nakuha ko na ang loob niya. Paniwalang-paniwala na siya sa mga kasinungalingan ko. Hindi ko maitatanggi na liyamado na ako. “I did the right thing, Kuya.” “Mas mabuti sigurong ihatid na kita, Lorna. Tatambay na lang din siguro ako sa inyo. Namiss ko bigla ang inaanak ko.” “Mas mabuti iyon. Sigurado akong matutuwa si Harry kung makikita ka niya.” Napangiti lang si Kuya at agad na pinaandar ang sasakyan niya. Tahimik na lang din ako rito sa sasakyan para mas masabi niya na nagbago na talaga ako. Hindi na ako iyong Lorna na kilala niya na maingay at papansin. Ako na iyong bagong Lorna na tahimik, mahinhin, at hindi nakakabasag ng pinggan. ••• ILANG LINGGO ANG lumipas, mas masasabi ko na mas epektibo na ang ginagawa ko. Nakuha ko na ang loob ng dalawang tao na sisirain ko. Kaya oras na para gawin ko ang pinaplano ko. Sisimulan ko ng sirain si Kuya Kenzo kay Ate Thalia. At sa mga susunod na araw, si Ate Thalia naman ang sisirain ko kay Kuya Kenzo. Habang naglalakad sa pathway, napatingala na ako sa kalangitan. Hindi ko lang mapigilan na hilingin na sana dinggin ng Diyos ang pinakaaasam kong tagumpay. Ano raw? Napangiti na ako habang papapunta na ng classroom. Ano kaya ang mangyayari kay Ate Thalia sa oras na malaman niya ang fake news ko? Mas lumapad ang ngiti ko. Hindi ko lang mapigilan ang excitement na nararamdaman ko. Naaamoy ko na kasi ang tagumpay ko. Pagdating ko sa classroom, agad akong nakipagkuwentuhan kina Kyella at Veena. Hindi pala nila alam ang pinaplano ko. Hindi ko sinabi sa kanila dahil ayaw ko na madamay sila. Ayaw ko na magmukha silang tino-tolerate ang masamang plano ko against our teacher. Ang alam lang nila, nakipagkaibigan ako kay Ate Thalia para malaman kung ano ang mga ugali nito na nagustuhan ng lalaking mahal ko. Sa pagkakataong iyon, wala na silang problema roon. Kaya kung makita man nila ako na malapit kay Ate Thalia, hindi sila mag-iisip ng masama sa akin. Minutes after, dumating na si Ate Thalia. Siya ang first period namin this day. Iba-iba kasi ang schedule niya lalo pa at siya lang ang pumipili niyon. She has the power lalo pa at anak siya ng owner. Pagkapasok pa lang ni Ate Thalia, umaarte na akong natulala. Ang plano ko, buong klase niya ako na wala sa sarili. Para kung matapos siya sa klase niya sa amin, tatanungin niya na ako kung ano ang nangyari sa akin. Sa pagkakataong iyon, iiyak ako sa harapan niya habang ipapaalam sa kanya ang fake news ko na ikakawasak ng puso niya. Iiyak siya sa harapan ko at dadamayan ko lang siya. Ang sweet ko, ’di ba? Nagsimula na ang klase ni Ate Thalia at ginawa ko na rin ang best ko para mukha talaga akong problemado. Hanggang sa napagod ako sa kakatitig sa kawalan kaya yumuko na lang ako sa arm chair ko. Hours after, tapos na ang klase ni Ate Thalia at narinig ko na na papalapit siya sa akin. Nakayuko lang ako sa upuan pero ramdam ko na ang presensiya niya sa tapat ko. Naamoy ko na ang pabango niya. “L-Lori,” sambit ni Ate Thalia. Hindi ako sumagot kaya hinawakan niya ang ulo ko. Pumantay siya sa akin at inilipat niya ang kamay niya sa likuran ko. Sinimulan na niyang himasin ang likuran ko. “Gusto mo ng makakausap?” tanong ni Ate Lori. Ang lambing ng boses niya. Napailing na ako habang hindi mapigilan na mapahalakhal sa isipan ko. Nagpatuloy lang siya sa katatanong sa akin at tanging pag-iling lang ang sagot ko sa kanya. “Lori, magagalit na ako,” pagbabanta ni Ate Thalia. Sinubukan ko ng patuluin ang luha sa mga mata ko. Para mas mapabilis ang luha ko, inisip ko na nagpakamatay si Ate Thalia dahil sa akin. Nang tuluyan ng tumulo ang luha ko, unti-unti ko ng inangat ang mukha ko hanggang sa nagtama ang mga mata namin ni Ate Thalia. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang umiiyak ako. “Lori, halika sa labas. We need to talk,” aniya. Tumango na ako at tumayo. Napatayo na rin siya habang hinawakan ang kamay ko. Hinablot niya ako at sumunod lang ako sa kanya. Habang naglalakad kami sa hallway, nakayuko lang ako habang hindi mapigilan na mapangiti. Ang saya lang ng ganito. Ang sarap sa pakiramdam. Dinala na ako ni Ate Thalia sa isang bench ng campus. Pinaupo niya ako roon at agad din siyang sumunod. Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya. “Now tell me, what is your problem? Nandito ako bilang ang Ate mo,” sabi ninAte Thalia. Umiling lang ako. Sh*t! I love it. “Lori, please. Sabihin mo na. Makikinig ako,” sabi ni Ate Thalia. “Ate, promise me na wala kang pagsasabihan na kahit na sino. Natatakot lang ako. Kung magpadalos-dalos ka, alam ko na ako pagbibintangan niya.” “W-What do you mean? Tungkol saan ba ito? Sinong magbibintang sa iyo?” nagtatakang tanong ni Ate. “Ipangako mo muna, Ate. Please? The moment na malaman mo ito, wala kang gagawin,” sabi ko. “Ano ba kasi iyan?” “Promise me first,” sabi ko. “Oo na. Ano ba kasi iyan?” “Wala kang gagawin, ah? Ayaw ko lang madamay.” Napabuntonghininga na si Ate Thalia. “Jesus! Promise. Now tell me, ano?” “Si Kuya Kenzo, narinig ko lang sa pag-uusap nila ni Kuya. Hindi na raw niya napigilan ang sarili niya kaya nakipagkita siya sa isang babae para makipag—” Umiling na ako. “Hindi ko na kaya ipagpatuloy, Ate.” “W-Wait!? P-Pardon? A-Anong ibig mong sabihin?” “Nakipagkita si Kuya Kenzo sa isang babae para makipag-s*x!” Ipinikit ko na ang mga mata ko para mas convincing. Nang marinig ko ang paghikbi ni Ate, napahalakhak na ako sa isipan ko. Sigurado ako na manlalamig na ang pakikitungo niya kay Kuya Kenzo. Ang mas malala, pwede siyang maghanap ng iba at ikawawasak iyon ng puso ni Kuya Kenzo. “The victory is mine,” sabi ko sa isipan ko. ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD