“ATE, SORRY TALAGA. Babae lang ako kaya hindi ko kaya itago itong nalalaman ko,” sabi ko with all my sincerity. Nilingon ko na si Ate Thalia at nakita ko na ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Tahimik lang siya habang ninanamnam ang sakit sa nalaman niya. Kung alam niya lang sana na fake news iyon. Pero dahil magaling ako, sorry na lang siya. Hinawakan ko ang balikat niya at marahan na pinisil. “Ate, I know it’s hard to accept the whole truth. Pero kahit ako ay nagulat. Ang alam ko, sobrang mahal ka ni Kuya Kenzo. Kaya noong nalaman ko ang balitang iyon, nanlumo rin ako. Hindi ako makapaniwala. Nasuntok nga siya ng Kuya Jared ko. Pero lumuhod si Kuya Kenzo at nagmamakaawa na hindi na niya uulitin.” Inilipat ko ang kamay ko sa mukha niya at pinunasan ang luha sa mga mata niya. Naaawa

