NASA BIYAHE NA kami ni Kuya Kenzo at tahimik lang siya na nagmamaneho. Ako naman sa kinauupuan ko ay tahimik lang din. Hinihintay ko lang na siya ang unang kikibo sa akin. Pero sa totoo lang, I don’t have an idea kung saan niya ako dadalhin. Dahil mahal ko siya, wala ng tanong-tanong kung saan. Kahit sa kuwarto pa niya ako dadalhin, hindi ko siya uurungan. Minuto ang lumipas, ihininto na niya ang sasakyan sa isang coffee shop. Napairap na lang ako nang magkakape lang pala kami. I expected more. Iyong pwede siyang makaramdam ng pang-iinit sa akin? Ganoon ang dapat, Kuya Kenzo! Ang weak mo! Learn from me! Dahil hindi naman ako umaasa na pagbuksan niya ako ng pinto, ako na ang nagkusang lumabas. Masasaktan lang ako kung aasa ako kaya ako na ang mag-adjust. Ako naman itong parang aso na hab

