KENZO PRIMO NASA BAHAY LANG ako at hindi na naman mapakali. Kanina ko pa tinatawagan at pinapadalhan ng mensahe si Lia pero hindi talaga siya sumasagot. Ilang araw na siya na ganito sa akin kaya labis na akong nag-aalala. Hindi ganoon ang mahal ko kaya hindi ko mapigilan na magtaka. Sigurado naman ako na natatanggap niya ang mga mensahe ko at lalo na ang mga tawag ko pero mas pinili niyang isawalang bahala lahat ng iyon. Para mapakali ako, nakipagkita ako kahapon kay Lorna. Itinanong ko sa kanya kung may nabanggit ba sa kanya si Lia tungkol sa akin pero napag-alaman ko lang na wala. Hanggang sa nalaman ko na nga na nakikipagkita ito kay Cole. Kilala ko ang lalaking iyon. Alam ko ang mga issue niyon sa buhay. Mahilig iyon sa mga magaganda at seksing babae kaya natatakot ako na baka makuha

