“SINONG AMA NG anak mo?” kalmadong tanong ni Kuya Jared. Isasagot ko ba ang pangalan ni Wyatt? Dadagdagan ko pa ba ang kasalanan ko? Pero kaya pa ba ng konsensiya ko? Sasagot ba ako? Paano kung sasabihin ko na hindi ko alam? Maniniwala ba sila? Hindi ako banal para maging katulad ni Mama Mary na nabuntis ng isang virgin. Malandi ako at makasalanan at iyong totoo na hindi kayang itanggi sa sarili ko. “I’m so disappointed in you, Lori,” sabi ni Daddy sa gilid. His voice screams disappointments. “I guess I need to excuse myself for this private matter. Mrs. Monsanto, kung may itatanong ka tungkol sa anak ninyo, don’t hesitate na puntahan ako. Nandoon lang ako sa office ko,” sabi ng doctor. Tiningnan ko si Mommy at napatango lang ito habang nakapikit. Walang tigil na rin sa pagpatak ang l

