“TATI LOR, SAAN tayo?” tanong ni Harry nang sinama ko siya palabas ng kwarto. Pagdating ko sa sala agad kong hinanap sila Mommy at Daddy. Gusto kong klaruhin sa kanila ang totoo. Bakit hindi nila sinabi iyon sa akin? Nakakainis lang na nalaman ko pa ang lahat sa pamangkin ko na walang kamuwang-muwang sa mundo. Iginiya ko na ang tingin ko sa paligid at hindi ko na nakita sila Mommy. Ang ginawa ko, lumabas ako ng bahay habang bitbit pa rin ang pamangkin ko. Bakit nila ito itinago sa akin? Kung nalaman ko lang na ngayon pala ang engagement party namin ni Kenzo ay nakapaghanda sana ako. Nakapunta sana ako sa parlor para magpa-rebond o hindi man lang nagpalinis ng paa at kamay. Nakabisita rin sana ako sa derma clinic para glowing ang skin ko kapag humarap na ako sa pamilya ng lalaking mahal

