“P-PARUSA. T-TAMA! PARUSA,” sagot ni Kuya Niel. Napataas ang kilay ko. Anong parusa ang pinagsasabi niya? Ginawa lang naman niyang ice cream si Ate Thalia. Kung makadila siya rito ay wagas. “P-Parusa? Bakit iyon?” “Sinong tao ang gusto dilaan?” “Ako,” sagot ko. Pinitikan niya ang tenga ko. “Kaya hindi na ako nagtataka bakit nabuntis ka.” “Grabe siya. Pero seryoso. . . bakit nga ba iyon? Hindi ko lang mapaliwanag kung bakit iyon,” sabi ko. “Ginawa ko iyon para hindi niya na ulitin ang ginawa niya sa iyo. Matatakot na iyon muli sa dila ko,” sabi niya. Napaismid na lang ako. Mukhang sasakit ang ulo ko kay Kuya Niel. Mas mabuti sigurong ’wag ko na lang siyang pilitin. Isipin ko na lang na lalaki siya at mahilig silang mandila. “Okay. Sige na, pwede ka ng umalis. Salamat dito sa foods

