NASA BAHAY NA ako at nakahandusay lang sa kama. Para bang lahat ng pagod na ginawa ko kagabi, ngayon ko lang nararamdaman. Ang bigat ng katawan at parang lalagnatin ako. Sa totoo lang, I don’t like this feeling. Kapag ganito ang pakiramdam ko, magkakasakit ako. Wala pa naman ang family ko dito dahil nagsimba silang lahat. Sana lahat feeling blessed. Sana ipagdasal nila ako nila Mom at Dad doon. Pero bakit ang ingay ko rito? Hindi ba ipinagmamayabang ko na malapit ako sa Diyos? Kaya dapat na ako ang gagawa niyon. Ipinikit ko na ang mga mata ko. “Lord, ilayo mo ako sa sakit.” Natapos kong ipagdasal sa Diyos ang kalusugan ko, muli kong nakita sa isipan ko si Kenzo. Iyong ayos niya kanina na pinagtatawan ko. Iyong wala siyang saplot tapos galit na galit. Nakikita ko talaga si Harry sa kanya.

