LORI NATASHA NAKAKAHIYA ANG GINAWA ko. Ang daming tao na naaapektuhan sa ginawa ko. Ginawa ko ang kahibangan ko sa pag-aakalang ako lang, si Kenzo, at Ate Thalia ang maaapektuhan. Pero hindi pala ganoon ang nangyari. Nabuntis ako at nadamay na ang buong pamilya namin. Ang sakit lang isipin na nangyari ang lahat ng ito dahil sa akin. Nahihiya talaga ako sa pamilya ko na ang laki ng tiwala sa akin. Pero ani ang ginawa ko? Nagpabuntis sa murang edad. Narinig ko kay Mommy na binugbog daw ni Kuya Jared si Kenzo. Nagalit daw ito nang harap-harapan na sinabi ni Kenzo na baka hindi raw sa kanya ang bata sa sinapupunan ko. Hindi ko na alam kung ano pang ibang nangyari dahil hindi ko magawang magtanong kina Daddy at Kuya Jared. Hindi nga nila ako kinikibo at naiintindihan ko sila roon. Binigyan

