MULA IMPYERNO HANGGANG langit ang galit ko kay Lorna. Pero hindi ko siya pwedeng sugurin sa hospital kaya pinipigilan ko ang sarili ko. Hahanapan ko na lang siya ng magandang lugar. Kung akala niya palalampasin ko ang ginawa niya, nagkakamali siya roon. Hindi basta-basta iyong ginawa niya sa amin ni Lia. Ang lalong ikinagagalit ko, hindi ko pwedeng aminin kay Lia na may nangyari sa amin ni Lorna. Alam ko na magagalit iyon sa akin. Kahit sabihin pang ginawa iyon ni Lorna, nagpadala pa rin ako sa tukso. At isa pa, ang sabi sa akin ni Lia, siya na ang kakausap kay Lorna. Gusto niya na makipagkita rito. Sa tingin ko, natatakot siya sa kung anong posibleng gagawin ko kay Lorna. Para hindi siya madismaya sa akin, sinunod ko na lang siya sa anumang gusto niya. Ang ipinangako niya sa akin, siya

