PAGMULAT NG MGA mata ni Lia ay nakita ko ang pagtataka sa mukha niya. Nginitian ko siya para hindi na siya mag-isip nang kung anu-ano. Kahit gigil na akong halikan siya, hindi ko gagawin iyon kung mukha ni Lorna ang nakikita ko. Hindi patas iyon sa babaeng mahal ko. “Why?” tanong niya. “Gagawin ko lang pala dapat iyon kapag ikinasal na tayo,” sabi ko. Napangiti siya. “Ang tayo? Darating ba ang panahon na ikakasal tayo?” “Iyon ay kung sasagutin mo na ako. Lia, at this moment, sana sagutin mo na ako. Kaya ko naman maghintay sa kasal. Assurance lang ang gusto ko. Iyong masasabi ko na akin ka na talaga,” sabi ko. “Sa lahat ng nangyari sa atin? Isang lang ang natutunan ko at iyon ay ang hindi paghihintayin ang mahal ko at baka makawala pa. Sa sinabi mo kanina, yes ang sagot. Ken, sinasag

