KABANATA 34

2631 Words

“HINDI KO KAYANG pakasalan si Lorna,” matapang na sabi ko. Nasa tapat ko sina Red at Tito Rich at nakaupo silang dalawa sa sofa na nasa tapat namin ng mga magulang ko. Pinaggitnaan ako ng mga magulang ko at alam ko na ginawa nila iyon para kung sakaling susugurin muli ako ni Red ay nandiyan sila para pigilan ito. Napabuntonghininga ako nang maramdaman ang sakit ng mukha ko. Mabuti na lang ay hindi ako natuluyan. Papatay talaga si Red para sa kapatid niya? Napakagiting din ng kaibigan ko. Napahawak ako sa baba ko at marahan na minasahe iyon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung mabungi ako. Sa totoo lang, gusto ko gumanti sa ginawa ni Red sa akin. Ang problema, hindi ko nagawa dahil wala talaga akong laban sa kanya. Muling susugurin sana ako ni Red pero hinampas ni Tito Rich

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD