[Narrator] Hinabol ni Berlin si Sakura hanggang sa makapunta sila sa classroom. Pagkapasok niya ay agad niyang nakita si Akoz na busy sa pakikinig ng music at hawak-hawak ang DSLR. Mukhang tapos na ang lalaki sa kaniyang presentation. Mabilis na pumunta si Berlin sa upuan niya, binuksan ang strawberry milk at ininom ito. Si Sakura ay patuloy naman sa paglalaro nito sa cellphone. "Good afternoon class! Maupo ang lahat at may sasabihin ako." Pumasok ang professor nila sa World Literature. Tinago ni Sakura ang cellphone at agad naman inubos ni Berlin ang strawberry milk. Tinapik din niya si Akoz para alisin ang earphones nito dahil nandiyan ang prof nila. "Ngayon pa lang sasabihin ko na sa inyo ang final requirements s***h final exam niyo sakin for this semester. Alam ko naman na naituro

