[Narrator] Saturday night. Abala ang mga tao sa salas ng Frondozo. Ngayon ang gabi ng family reunion exclusively for Frondozo. Nasa baba na si Armand, ang daddy ni Akoz. Nakasuot ito ng mamahaling suit habang nakaupo sa couch. Hinihintay ang anak na si Akoz. Nagmamadaling bumaba si Akoz sa hagdan na nakasuot ng black long sleeve at white coat. Hindi ito nakasuot ng eyeglasses at bagong gupit ang buhok. Just like what his dad told him, pinaghandaan ito ni Akoz. "Let's go." Armand ordered his communication officer, Andrei na nakasama rin sa event for other concern. Nakasunod si Akoz sa daddy niya habang papalabas sila ng mansion. Sumalubong sa labas ng bahay nila ang limousine na ginagamit lang pag nandito ang daddy niya. Katulad ngayon. Sumakay na sila. Papunta sila sa Frondozo Hotel

