[Cassidy's POV]
"Next, Akoz as Denver and Berlin as Angel. Scene #15 please." Klein announced. Nilipat ko sa Scene 15 ang script. Confession, the scene kung saan aamin si Denver na mahal niya si Angel.
"Okay, so as you see this is all about confession. Akoz, have you ever confessed to someone? Then use it as your alas sa scene na ito." Klein advised and signaled the two to start.
"I am so confused of you, why are you acting like that? Bakit ba lagi ka na lang nakikialam sa buhay ko? Bakit lagi ka na lang nandoon kung nasaan ako? Ano ba talaga ang balak mo Denver? Inisin na lang ba ako araw-araw?"
"Wow…" I whispered, Berlin is amazing. She knew her role, pinsan nga talaga siya ni Klein. I like how she delivered her lines oh my God. Okay so next is Akoz huh.
"I was confused before, Angel."
I raised my head, I want to confirm and it is real. Akoz is delivering his lines. Napansin ko rin na napaangat ng ulo si Klein, yeah, talagang nakakagulat!
"I used to hate you before, yeah I knew it we used to hate each other right? Pero right now? I don't know… I don't know kung bakit kita nagustuhan…"
"Angel, I like you. I really like you. I know it is surprising but I am telling you the truth. Wala akong balak mangprank or lokohin ka. Napapagod na kasi ako magpanggap eh. Kasi gustong-gusto kita."
Akoz looks so manly with his voice. Not his usual voice, the soft spoken, the shy boy, the guy who talks kindly-- he digested the lines very well and I can say….
Denver is made for Akoz.
I can feel the genuine, the feeling, the love and the pain in his expression and in his voice.
"Sorry ha? Kung sa tingin mo iniinis kita. Kung nahihirapan ka dahil lagi ako nakasunod sayo, fine I'm sorry. But I won't apologize for having these feelings for you."
"Pwede ba Denver, wag mo ako lokohin?! Ano ba, pwede ba magtino ka naman?--
"Pwede ba makinig ka naman Angel? Ito na oh, sinasabi ko na lahat ng gusto ko sabihin. Lahat ng tinatago ko sayo. Mahirap ba intindihin na gusto kita at hindi iyon biro or joke time lang?"
The emotion is overflowing.
The Akoz I am watching right now is full of confidence.
I can't stop myself from staring at him instead of monitoring the lines sa hawak kong script. I just want to look at him, and witness how he changes his expression.
"He is doing great." Klein whispered to me, tumango ako habang nakatingin pa rin. It's like he is confessing to me. Not as Denver, but as Akoz.
Wait, what?
Cassidy, what are you talking about?!
Akoz and Berlin finished their lines and we all clapped our hands. He then smiled shyly and clapped his hands habang nakatingin kay Berlin. Cute, how can he change his expression quickly?
Klein cleared her throat bago siya magsimulang magsalita. "Okay," Klein smiled, "Berlin and Akoz, you did a great job! You guys are so talented and I love how you put your emotions here. What about you, writer?" Tumingin sa akin si Klein.
"Y-yeah okay so…" para akong namental block, di ko alam kung ano sasabihin. Wait, paano ba ito. "Yep, it was great!" Buti na lang magaling ako magpalusot. "Akoz and Berlin, nadala ako sa scene na ito dahil sa inyo. So, I am looking forward sa mismong dry run or rehearsals natin. You did a great job!"
Pagkatapos ng closing remarks ni Klein ay nagsimula na tumayo at maglakad palabas ang mga actors. Sumabay kami kay Akoz at Berlin, at habang papalabas ay naalala ko ang sinabi ni Klein kanina bago sila magsimula.
May girlfriend na kaya si Akoz?
[Akoz' POV]
After 3 hours, sa wakas ay natapos na rin ang script reading. Last subject din namin ang Business Mathematics kaya after nito ay pwede na kami umuwi, 3:30 na ng hapon.
Paunti nang paunti ang mga tao sa hall, may mga umuwi na at papuntang parking lot, cateria, commute or kung sana pa man nila balak pumunta. Pagkalabas ko ng hall ay agad ako dumiretso sa gilid ng elevator, malapit sa hagdan. I am waiting for someone.
"Akoz? Bakit hindi ka pa umuuwi?" Nagtatakang tanong ni Klein, dala niya ang bag at ilang mga folders. Mukhang pasakay na siya ng elevator, nakita lang niya siguro ako. Lumingon ako sa kaniya at ngumiti.
"Ikaw pala Klein, ingat ka pauwi." Hindi ko sinagot ang tanong niya. Naglakad siya papalapit sakin, "Are you free today, do you want to eat outside? May utang pa pala ako sayo."
Oo nga pala. Nakalimutan ko rin.
Actually from someone like me na gustong-gusto siya, hindi na ako tatanggi. It is a big opportunity, diba? Pero God will make a way, not today.
Sad but I need to refuse Klein's invitation.
Ngumiti ulit ako at napakamot sa batok, "Naku. I have something to do today." I groaned. "Maybe, next time?" Dagdag ko pa. Pumayag naman siya at nagpaalam, mauuna na raw sya sa apat dahil may aasikasuhin na lang din siya sa bahay.
Sumandal ulit ako wall sa pagitan ng elevator at hagdanan, wala pang limang minuto ay si Sakura, Elynna, at Cassidy naman ang nakakita sakin. Pasakay na rin sila ng elevator nang makita ako ni Sakura.
"Di ka pa ba uuwi, sabay ka na sakin." Sakura offered, like what I did to Klein, tumanggi rin ako at sinabing may hinihintay ako. Hindi nila kasama ang sadya ko. Sumakay na sila ng elevator at nagpaalam sakin bago sumara, I did the same too.
3:46 PM na, pero hindi pa rin siya lumalabas.
Sana naman, baka mamaya naghihintay ako dito pero malalaman ko na nauna na pala siya sa apat.
I leaned my head on the wall and closed my eyes, I can hear my favorite song, Please Don't Go is playing through my airpods. Pagkabukas ko ng mga mata ko ay nakita ko si Berlin, na nagtatakang nakatingin sakin. Agad ako napaayos ng tayo at ngumiti sa kaniya.
"B-Berlin." I called her, with my low voice. She raised her eyebrows, asking me what's the matter. I cleared my throat bago ulit ako magsalita sa harap niya. At baka, mainis na naman siya sakin.
"Are you going home?" I asked.
"Yeah, probably." She answered shortly and pressed the G button of the elevator.
Tumingin ako sa kaniya at ngumiti, "You did a great job kanina. It seems like you have an experience in acting. I enjoyed it." I said in a lively tone.
"Thanks." Sagot naman niya at tumingin sakin, "Ikaw rin, mukhang sanay ka na umamin ah. Ang galing mo magsalita kanina eh."
Pagkabukas ng elevator ay pinauna ko siyang sumakay, kaming dalawa lang ang nasa loob at wala rin kaming kasama na naghihintay. I closed the elevator and stood beside her.
"So, ilang babae na ba ang inaya mo ng date?"
What? Date? Ni wala nga akong girlfriend.
Gulat akong napatingin kay Berlin-- habang siya ay kalmado naman na nakaharap sa pintuan ng elevator. Nagbibiro ba siya? Magsasabi ba siya ng joke lang?
Pero mukhang seryoso nga siya sa tanong niya.
But why is she asking that kind of question, all of sudden?
[Narrator]
Ilang segundo rin bago makasagot si Akoz, nabigla sya sa tanong ni Berlin. Mas nagulat sya na nagtanong ng ganoon si Berlin, hindi katulad ng dati na what at mataray pa ang boses nito.
"I never dated anyone." Akoz answered honestly, he moved his head on the left side. He doesn't want to meet Berlin's gaze.
Nanghihinalang tumingin namin sa kaniya si Berlin, she leaned closer to check Akoz' face, but the latter is avoiding her. "I don't believe you." Berlin mumbled.
"I… I never had a girlfriend." Akoz finally admitted. Nanlaki naman ang mata ni Berlin, hindi siya makapaniwala sa sagot nito-- at hindi rin sya maniniwala sa sagot nito.
Biglang bumukas ang pintuan ng elevator, nangangahulugan na nasa ground floor na sila. Sabay na napatingin si Akoz at Berlin sa harapan ng may mapansin silang nakatayo doon.
Si Yohan, na nakasimangot at nakatingin sa kanilang dalawa. Nagulat naman si Akoz dahil nakita niya ang kaibigan sa loob ng building nila. Nagulat din ang kasama niya, si Berlin nang makita kung sino ang nasa harapan nito.
Biglang nagbago ang expression ni Yohan, naging worried ito habang nakatingin pa rin sa kanila. "Sorry ha, nagulat ko ba kayo? Kanina pa kasi ako naghihintay dito. Mga 1 hour na tapos hindi naman sinasagot ni Frondozo yung tawag at texts ko sa kaniya. Sorry guys ha?" He said in a sarcastic tone. Natawa naman si Akoz sa inasal ng kaibigan.
"Sorry na." He apologized, still giggling. Lumabas na siya sa elevator, at kasunod pa rin si Berlin. Humarap si Akoz kay Berlin at nakita niya itong nakatingin kay Yohan, kaya tinuro niya ang kaibigan.
"Berlin, meet my friend Yohan Vaun Zafiro. Yohan, si Berlin, classmate ko." Pakilala ni Akoz, ngumiti naman si Yohan at naghi kay Berlin. Mukhang nagulat ang huli, she also said hi and walked away hurriedly. Baka natakot kay Yohan, iyon ang naisip ni Akoz habang tinitingnan ang papalayo na si Berlin.
Pumunta ang dalawa sa parking lot. Walang dalang kotse si Yohan, kaya hinintay niya si Akoz. Habang hinahanap ni Akoz ang car keys nito ay nagpalinga-linga si Yohan, tila may hinahanap.
Tumingin ito kay Akoz, "Do you know Cassidy Andromeda?" He asked. Akoz nodded and opened the car as soon as he saw his car keys. "He is my senior and friend, bakit?"
Ngumit si Yohan at tumango, "Good. Wala naman, just asking. Let's go." Nauna pa ito sumakay sa sasakyan ni Akoz. Napailing na lamang si Akoz, kahit kailan talaga ang kaibigan niya. Sumakay na rin si Akoz at umandar na ang sasakyan nila palabas ng Hakin University.
Sa di kalayuan naman, ay nandoon si Berlin. Hawak nito ang pintuan ng kaniyang sasakyan at nakatingin sa papalayong Akoz at Yohan.
"Yohan…." Berlin murmured.