[Yohan's POV]
Sa wakas.
I found the one.
Kung ganito pala kaganda at ka peaceful dito sa garden ng school, sana pala dito na lang ako nag-sstay every lunch break so I can sleep and play.
At the moment, I am here at the garden and all alone. Pero it is fine though. Makakapag-concentrate ako since walang asungot. Mamaya na ako pupunta kila Akoz, dahil for sure magsisimula pa lang sila ng practice.
Ano ba magandang laruin ngayon bukod sa call of duty? Hmmmm.
Maybe I will try PUBG. Wala naman makakarinig kung magmumura ako hehe.
"I didn't expect it to be this beautiful Mr. Zafiro." I heard a man's voice behind me. Woah, kaboses non ang daddy ni Akoz. That's how he speaks, at ganoon din ang tunog nito. What a coin--
Wait, did I just say kaboses niya ang papa ni Akoz? Then, don't tell me it is….
Dahan-dahan akong lumingon para silipin kung nagmumula ang mga boses. Sabi na eh. The hell, we're all dead.
Pagkalingon ko ay nakita ko ang daddy ni Akoz and maging ang daddy ko kasama ang ibang officials and shareholders under Hakin University, mukhang galing pang airport si Uncle Armand.
Mabilis akong tumayo at agad na binulsa ang cellphone. Nagmamadali akong umalis sa pwesto ko bago pa ako makita ng mga tatay namin at tanungin tungkol kay Akoz. Kinuha ko ang bag ko at hinablot ang staedtler ng nasa harap ko.
"Pahiram muna, balik ko mamaya. Basta tandaan mo mukha ko." Sabi ko sa kinunaan ko ng tube at mabilis na tumakbo papuntang CAL building
Bahala na. Basta ang mahalaga hindi mahuli si Akoz ng daddy niya.
[Narrator]
Biyernes ngayon, at dahil isang subject lang ang meron sila tuwing Friday ay mabilis natapos ang class hours nila. Oras na ngayon para mag practice at pumunta sa club.
Hindi pa man nagsisimula ang practice kaya ang iba ay natulog muna, may kumakain sa labas, may mga nag stay sa loob at nagkwekwentuhan. Kasama na doon si Akoz at Berlin na nag-uusap tungkol sa assignment nila.
"Ako na bahala sa research, bibigyan na lang kita ng copies as many as you want pero ikaw na ang bahala sa math." Alok ni Berlin, hindi naman mapigilan tumawa ni Akoz sa sinabi ng dalaga. Talagang ayaw nito sa mathematics.
"Okay sige, ako na bahala sa math. I can give you a manual paano nakuha yung sagot. Basta provide reliable sources sa research ah." Tumango naman si Berlin, she is determined to swap the assignments dahil wala siyang balak makipag-sagutan sa math. Ayaw niya talaga ito kahit kailan. Berlin offered a fist bump as sign of dealing with Akoz. Natatawa ulit si Akoz habang ginantihan ito ng fist bump.
"Phone mo yata yung tumutunog?" Napahawak naman si Akoz sa bulsa nang tanungin iyon ni Berlin. Tama ito, his phone keeps on ringing. Pero sino naman ang tatawag sa kaniya ng ganitong araw at oras.
[Akoz' POV]
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya. Yohan is calling me for 6th time. Ano ba mayroon and why he needed to call me.
"Bakit di mo sinasagot?!" Sigaw ni Yohan. Eh? Ano mayroon? Bakit ang lakas ng boses nito.
"Ha? Sorry naman. I was busy. Ano ba problema--
"Darn, problema? Your dad is here!!"
Hell, no.
Mabilis akong tumakbo palabas ng hall para pumunta kay Yohan kahit hindi ko naman alam kung nasaan siya. This is so unexpected. We both did not expect it to happen. What if makita nya ako rito. I am dead. I am really dead!
Pagkapunta ko sa pinto palabas ng hall ay siya naman pagpasok ni Yohan. Basang-basa ito ng pawis and he looks scared. We're all scared. Sabi na, dapat naging handa ako.
"Y-Yohan…" I uttered his name, I sounded scared. Yohan grabbed my hand and looked around.
"Come… Itatago kita sa papa mo." Pagkasabi nya non ay naglakad na kami palabas ng pintuan. Pinahawak nito sakin ang staedtler canister.
Pero di pa man din kami nakakalabas ay nakita na namin ang dahilan ng pagtatago namin ngayon. I was stiffened and my heart is beating so fast. Nanlalamig na rin yata ako bigla.
"Akoz?" Dad asked, while looking at me. It looks like he is trying to check if ako nga si Akoz. And he is right, it's me. Only me.
"D-dad…" I replied, bigla yatang nanuyo ang lalamunan ko.
Dad frowned and looked around. Wala gaanong tao sa hall aside from Klein and the other four girls.
They must be watching us.
"Anong ginagawa mo rito sa Theatre Club?" He finally asked the biggest question. Napapikit ako at huminga nang malalim. Ito na ba ang tamang oras para umamin?
[Narrator]
Kitang-kita ang takot sa mata ni Akoz habang nakatingin sa ama-- na kasalukuyang naghihintay ng sagot niya.
Napansin iyon ni Yohan, pakiramdam niya any time aamin na si Akoz tungkol sa sikreto niya. Pero hindi siya papayag. Ngayon pa kung kailan his friend is enjoying his life? Akoz is almost there; halfway. Yohan won't bear to see how would Akoz react kung ano gagawin sa kaniya ng daddy niya.
"Kasi uncle." Yohan interrupted. Nilagay niya sa likuran niya si Akoz at ngumiti kay Armand. Bahala na kung anong palusot gagawin niya. Basta maligtas lang ang kaibigan.
Nang makita ni Yohan na papalapit si Klein sa kanila ay nagkaroon siya ng ideya. Yohan smiled, "Ang totoo po niyan, kaya po nandito si Akoz ay… may nililigawan siya. Right Akoz?" Tumingin bigla si Yohan kay Akoz at pinanlakihan ito ng mata. Naintidihan naman iyon agad ni Akoz.
"Y-yes. That's right. I am courting someone here." Sagot ni Akoz na medyo nauutal pa.
"And who is that girl?" Tanong ulit ng daddy ni Akoz. Ngumiti naman si Yohan, agad nito hinablot ang kamay ng babaeng naglalakad papunta sa direction nila. It must be Klein.
Pagkakuha ni Yohan sa kamay ng babae ay itinabi niya ito kay Akoz, habang nakatingin pa rin siya sa ama ng kaibigan.
"Her name is Klein, uncle." Yohan revealed, being a proud best friend he is.
[Akoz' POV]
"Excuse me, mukha ba akong si Klein?"
What the heck??
Sabay kami napalingon sa babaeng katabi namin. Hindi si Klein ang hinablot ni Yohan, walang iba kundi si Cassidy. Tumingin ako bigla sa paligid. Nasaan si Klein?
Maniniwala pa ba si Daddy nito? When we introduced a wrong person.
Man, I hate this day. Bakit parang ang malas ko? Should I expect his hand to hit me kahit pa nandito kami sa school? Nanlulumo na ako na napatingin sa baba.
"Come on we're just kidding! Niloloko lang namin si Uncle syaka ikaw! Loyal kaya si Akoz sayo no. Tch."
Napatingin naman ako kay Yohan. He is trying his best to help me. "So, this is Cassidy. Cass, si Uncle Armand-- daddy siya ni Akoz."
Nakita ko kung paano pasimpleng tinapik ni Yohan sa likod si Cassidy. Gladly, Cassidy understood everything and she joined the flow.
God, I am so thankful I have them.
"Nice to meet you iha." My dad said and offered a handshake to Cassidy. Tinanggap naman iyon ni Cassidy at sumagot.
Maya-maya ay lumapit sakin si dad. "How's Archi?" He asked. Sabi na eh. Ito naman talaga ang pakay niya.
I smiled, trying to show a casual smile and answered. "Doing great dad."
Tumango naman si dad at walang pasabi na umalis sa hall kasama ang mga guards niya at ilang businessmen. Syaka lang ako nakahinga nang maluwag.
But I should explain and apologize to Cassidy, to others and also, to Yohan.