[Narrator]
Matapos ihatid ni Akoz at Cassidy ang mga gamit sa storage room ay nagbigay na ng go signal si Klein, pwede na sila umuwi. Hindi na rin naabutan ni Akoz si Yohan sa office. Nagpaalam na lang ito sa text na kailangan na niya umuwi agad dahil may aayusin siya.
Kaya ang kasabay ngayon ni Akoz ay si Klein.
Nalaman ni Akoz na nauna na si Elynna at Sakura. May inasikaso naman si Cassidy sa kanya-kaniyang assignments. Si Akoz at Klein na lang ang naglalakad ngayon sa catwalk papuntang parking lot, para makauwi na.
"Hindi mo kasabay si Berlin?" Tanong ni Akoz habang naglalakad silang dalawa. Umiling si Klein. "May kotse na siya. Regalo ng parents niya."
"Oh." Then hindi na rin pala siya kasabay ni Klein tuwing pag-uwi, naisip ni Akoz.
Habang naglalakad, hindi maiwasan maisip ni Akoz kung ano ang naging epekto nang makilala niya si Klein. From the time he enrolled in Performing Arts hanggang ngayon may mga kaibigan na siya aside from Yohan; he believes Klein has a big part of it.
He likes her. A lot. He really admired and looked up to Klein. Siguro kung hindi sila nagkita, baka naghihirap na siya sa Architecture.
All thanks to Klein.
He gets nervous, he even stammered pag makikita nya bigla si Klein. Kinakabahan pa rin siya at some point. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kagandahan ni Klein. Same as before pero as days goes by, nakakalimutan na niyang aamin siya kay Klein. Aamin siya na gusto niya ito.
Ayaw niya umasa, pero oo umaasa siya.
Naniniwala siyang hindi siya deserving para kay Klein, but if he has the chance. He will do his best. Kung hindi, thank you pa rin. At least he met someone like Klein.
Someone who helped him to believe to himself, at magawa pa ang mga bagay na hindi niya nagawa before.
"Thank you Klein." Akoz blurted out of sudden. Klein turned around and look at him, shocked. Akoz giggled when he saw Klein's face. Hindi rin niya napansin. Nasabi niya pala ang dapat na nasa isip lang niya.
"Thank you for what?" Nagtatakang tanong nito. Tumigil sa paglalakad si Akoz.
"Nothing. I just want to thank you for bringing me here. Also, thanks din kasi sinama mo ako sa group of friends mo." Paliwanag ni Akoz.
Pero para kay Klein, wala iyon. Alam niyang mabuting tao si Akoz kaya kahit iwan pa niya ang kung sino sa apat, basta kasama si Akoz. She can be at peace.
"Babawi ako. I'll bake a cake and I hope I can eat with you." Gusto makabawi ni Akoz, he meant it. Not because he likes her but because as her friend, he wants to return the favor.
"Why not? That's great!" Klein agreed. Malapit na sila sa parking lot kaya naman naisip niya magtanong kay Akoz ulit.
"Do you have a car?"
"Yes. Pero mauna ka na. I have something to do pa." Sabi ni Akoz, tumigil ito sa gilid ng mga puno sa catwalk. "Take care." Akoz bid his goodbye.
Nagpaalam na rin si Klein at pumunta ng parking lot. Habang naiwan naman si Akoz, naglakad ito pabalik pero huminto rin sa may kalagitnaan ng catwalk. Tiningnan ni Akoz ang orasan at naglakad papunta sa pwesto ng mga nakapilang puno sa catwalk. He is waiting for someone.
[Berlin's POV]
It is 7pm in the evening.
Hindi na natapos ang practice namin ni Akoz, ate Klein told us we can leave early right after Cassidy asked for Akoz' help. Sakto naman na nakalimutan ko ang jacket ko sa room so I had to go there, and now I am walking alone on my way to the parking lot.
Oo nga pala, my parents gifted me a car. Para naman daw di ako maka-abala kay ate Klein. Well, I love being with my cousin pero tama sila mommy. I need to live on my own. Buti na lang I can drive and I have a driver's license. Hmmm.
Nasa catwalk na ako nang may makita akong pamilyar na nakatayo sa gilid. Nakapamulsa siya at nakayuko.
Teka parang si Akoz ito ha? Malapitan nga.
Lakad takbo ang ginawa ko at tama nga ako ng hula. Si Akoz ang naghihintay dito sa gilid ng catwalk.
"Akoz!" Sigaw ko. Lumingon naman siya at ngumiti nang makita na ako ang tumawag sa pangalan niya. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko nang makalapit na ako sa pwesto niya.
"Ahhh." Inilagay ni Akoz ang mga kamay sa straps ng bag niya, at tumingin sa likod ko. Ano mayroon?
"I am enjoying the night view here. Pero I'm done, kukuha sana ako picture kaso di ko naman pala dala camera ko. Pupunta ka bang parking lot? Tara." Tumalikod na agad si Akoz at naglakad papuntang parking lot.
Night view? Eh puro mga ilaw at puno lang naman makikita mo dito sa catwalk. Or baka naman nagagandahan siya dito? Mas maganda pa sa soccer field eh.
Nevermind.
Naglakad na rin ako para sumabay sa kaniya.
"Malapit na tayo matapos sa mga lines naten. Kaunti na lang then we can proceed to the songs." Sabi ko.
"Yes. Kaunting memorize na lang din. But I'm glad we're going there. Pwede na tayo mag dry run ng may confidence." Tumawa si Akoz nang sabihin niya iyon. Napangiti na lang ako, tama naman. Matapos lang namin ang mga lines namin. Pwede na ulit. After that, balik ulit kami sa mga kanta. Also, piano and violin.
"I hope we can make it."
Akoz smiled and looked at me, "We can do it. Trust me." He said in a low voice.
Lumiko na kami papuntang parking lot. Iilan na lang ang mga sasakyan na nandoon.
May 3 months na lang kami para mag prepare. Time flies so fast, they said. It's true. Tatlong buwan na lang din matatapos na ang first semester.
May 3 months din para tapusin ang mga requirements ng mga subjects namin. Midterms and Finals sa mga ito. Kaya malapit na kami maging multi-tasker.
"Dito na ako Akoz. Ingat ka." Paalam ko nang makita ko ang kotse ko.
"Ikaw din, mag-ingat ka." Nagpaalam din siya at dumiretso sa last area ng parking lot dahil nandoon ang sasakyan niya.
[Narrator]
Nakaalis na ang dalawa sa parking lot. Pero may isang sasakyan pa na nandoon. Si Cassidy.
Nakita niya na magkasabay ang dalawa papuntang parking lot. She was supposed to wait for Akoz and invite him on a dinner. However, she saw him with someone-- with Berlin. Nagpasya na lang siya na manatili sa loob ng kotse.
Cassidy witnessed their bond. They became closer than before. They talked happily. Nakita rin niya kung paano ngumiti si Akoz habang nakatingin sa papalayong kotse ni Berlin at sumakay na ito.
Cassidy breathed deeply, trying to calm herself. Matapos noon ay siya naman ang nagdrive papalabas ng Hakin University.
Hindi niya dapat pagselosan si Berlin, dahil kaibigan niya ito. Come to think of it, mas nauna niya nakilala si Berlin. Wala siya balak isipin na karibal niya si Berlin kay Akoz.
Karibal? Tss.
Natawa si Cassidy nang maisip iyon. Hindi nga niya alam kung ano ang tingin sa kaniya ni Akoz. Wala pa nga sila sa 80% pero heto siya problemado. Kung bakit siya nagkagusto ng ganoon kaaga kay Akoz, hindi niya alam. Pero wala eh, Akoz is different from your typical guy. Iyon ang alam ni Cassidy.
Nabigla si Cassidy nang biglang tumunog ang phone niya, may tumatawag. Pinindot niya ang answer button, si Yohan ang tumatawag.
"Why?"
Narining ni Cassidy ang malalim na paghinga ni Yohan sa kabilang linya.
"Cassidy, are you mad at me?"
"Why would I? Of course not."
"Then why are you avoiding me?"
"I am not avoiding you." Paliwanag ni Cassidy. "I am hella busy, sa tingin mo ba may time akong lumapit sayo? And what are you doing there. Baka mapansin ka nila Elynna."
"Isa pa iyan Cass. Bakit hindi ko pwede sabihin sa kanila na nililigawan kita?"
Tila nag-init ang ulo ni Cassidy nang marinig ang tanong ni Yohan. Humigpit ang hawak niya sa steering wheel.
"At bakit hindi mo baguhin ang sarili mo? Come on Yohan, you can't change yourself! Tapos magrereklamo ka sakin?"
"Then I am willing to change myself, kung iyon lang ang choice para sagutin mo ako."
"Not anymore Yohan, please stop it. Let's stop this conversation. Ang mabuti pa, take a rest. Ako, I am driving bye."
"Wait Cass--
Hindi na tinapos ni Cassidy ang sasabihin ni Yohan. Agad niya pinindot ang end ca button. She breathed deeply, she is so annoyed. Pakiramdam pa ni Cass, siya pa ang agrabyado.
Kahit ang ginawa na lang niya ngayon ay nagkagusto siya.