[Narrator]
It came to the point that Yohan always made sure to pay a visit to Akoz' private practice after his class. Minsan, nasa hall si Yohan para tumulong kay Cassidy pero iniiwasan naman siya nito.
"Denver, stop bugging me okay? Hindi mo ako madadala sa pang-uuto mo." Berlin acted and delivered her lines. May private practice sila ngayon at kasama nila si Yohan. Ginawa naman ni Akoz kung ano nasa script; hinablot niya pabalik si Berlin sa tabi niya.
"What if ayo--
"Cut!" Putol ni Yohan. Napatingin naman sa gawi niya si Akoz at Berlin. Napapakamot sa batok na pumunta si Yohan sa dalawa at inalis ang pagkakahawak ni Akoz sa braso ni Berlin.
"Diba ang nakalagay sa script, sa kamay mo siya hahawakan? Kailan pa naging kamay yan?" Tanong ni Yohan habang nakaturo sa braso ni Berlin. Napatingin naman si Akoz sa kamay na nakahawak sa braso ni Berlin. Maingat niyang inalis iyon at sinilip ang script.
"Eh kasi--
"Eh kasi?!" Gaya ni Yohan sa katwiran ni Akoz. Natawa naman si Berlin sa pangagaya nito. "Expected naman ni Berlin na gagawin mo iyan? I know you're trying to be nice pero it is a play. Baka mapagalitan ka pa ni Klein, sige ka." Pagkarinig noon ni Akoz ay umayos sya ng tayo at tumango. Ngumiti naman si Yohan nang makita ang reaction ng kaibigan, basta pag naririnig nito ang pangalan ni Klein, sabi ni Yohan sa isip at napailing.
"Ayan ha, okay na." Bumalik ulit si Yohan sa pagkakaupo nito sa couch. Pero bago magsimula sila Berlin ay binaling ni Akoz ang tingin kay Yohan.
"Alam mo pwede ka mag-apply ng direktor dito kung gusto mo." Akoz grinned. Yohan threw his cap to Akoz, nasalo naman iyon ng huli at binato pabalik sa kaibigan.
"Wag mo ako bolahin Akoz, alam kong gwapo ako pero di ako uto-uto. Balik na sa practice."
Natatawa naman na nakatingin si Berlin sa dalawa. Hindi niya alam na ganito kakulit ang magkaibigan. Hindi rin expected ni Berlin na sobrang chill and gag si Yohan and she is entertained by that. On the other hand, Akoz is happy to see Berlin's laughing. Pakiramdam niya, nagiging comfortable na si Berlin sa kaniya. Mas lalo siyang nagkaroon ng chance malapit ito sa kaniya at maging magkaibigan silang dalawa.
"Hi guys, ano role ni Yohan dito?" Bungad ni Klein at nakatingin kay Yohan, nag-hi naman si Yohan and he glanced to Cassidy, but the latter is looking at Akoz.
"Hi Klein, shiftee ako rito. Wala ka na magagawa." Yohan said jokingly.
Klein laughed, "Porket ikaw ang successor ng Hakin ah. Sumbong kita." Pabirong banta naman ni Klein kay Yohan. Umiling-iling si Yohan habang natatawa.
"Hindi ako abusado sa kapangyarihan, I am here as a friend." Tinuro ni Yohan si Akoz na nakatingin sa kanila ni Klein. "I need to give him moral support."
Lumapit naman si Cassidy kay Akoz at kinalabit ito. "Akoz. Can you help me saglit?" Mahinang tanong nito.
Narinig naman iyon ni Yohan kaya tumayo agad ito, "Hey Cass, I can help you. I have nothing to do here." He volunteered and raised his hand. However, Cass gave him a cold reply.
"Thanks Yohan but sorry, si Akoz kasi ang need ko. Since he is from 1-1 ng Performing Arts." Cassidy replied with a stern voice.
"Uhh. Okay, it's fine." Yohan came back to the couch at umupo habang nakatingin pa rin kay Cassidy.
Cassidy turned around and smiled at Akoz, "Shall we go?" Aya niya sa lalaki.
Umalis na ang dalawa pero hindi maiwasan ni Yohan na tumingin sa dalawa. Pasimple naman sumulyap si Berlin kay Yohan, nakita niya kung paano sundan ng tingin ng lalaki si Cassidy. Sa pagkakaalam ni Berlin, magkaibigan din ang dalawa. Pero bihira lang niya makita mag-usap ang mga ito.
[Cassidy's POV]
"Sorry ha, ikaw pa naabala ko. Ikaw lang kasi kilala ko na lalaki sa class niyo." Panimula ko habang naglalakad kami papunta sa storage room para ibalik ang mga props na ginagawa namin.
Maaga namin pinauwi ang mga students na incharge sa props. Kaya kaming lima at si Akoz na lang din ang naiwan, kasama ang mga supporting roles. Bukas naman, may dry run kaya magprepresent silang lahat samin. Walang private practice si Akoz and Berlin bukas.
"No, it's fine. If you need help, I am willing to lend a hand naman." Sagot sakin ni Akoz at ngumiti, halos mawala na nga ang mga mata nito sa ngiti.
Nakakainis. He is doing the minimal things, and yet I can't help but to get these butterflies in my stomach. I scoffed, I am so done with myself.
"Pasensya ka na rin kay Yohan, kung nandoon siya. Wala rin kasi gagawin iyon after class kaya hinihintay ako." Oo nga, I didn't know what his 'real reason' pero sana nga para sa kaibigan niya. I am doing my best to give him cold replies and treatment but he is still determined. Anytime, gusto ko na sabihin sa kanya na tumigil na siya dahil may gusto ako.
Unfortunately, it is his best friend; Akoz.
Binuksan ni Akoz ang pintuan ng storage room at pinauna akong pumasok. Nilagay ko naman sa box ang mga hawak kong props at ganoon din ang ginawa ni Akoz. Mga ilang minuto pa matapos namin i-check ang mga gamit ay lumabas din kami ng storage room.
Napatingi ako kay Akoz habang sinasara niya ang pinto. Oo nga pala, he just recently dyed his hair. Medyo humaba na nga and he dyed it to coffee brown. It really suits him, so much.
"You have a nice color of hair." Tinuro ko ang buhok niya. Ngumiti naman siya sa akin. "Thanks Cass. I really like it too." He replied and fully locked the door.
Pero hindi pa man din kami nakakalayo sa storage room ay hinablot ko ang kamay niya.
Naalala ko na naman ang nakita ko sa gc at sa picture nila ni Berlin. The truth is, I have mixed feelings. I am bothered, threatened, scared, and hurt. Kahit wala naman kami ni Akoz.
Okay sige, somehow I am jealous.
I know we're close. But how come na naging mas close pa sila? Kahit ang ginawa naman nila throughout the practice ay mag-away.
Akoz lowered his head to meet my eyes, he looked worried. Siguro dahil sa biglaang paghablot ko sa kaniya.
"Are you okay? May masakit ba sa iyo?" Umiling ako. Tumingin din ako sa kaniya-- mata sa mata at itanong ang gusto ko malaman.
"Akoz." I mumbled, "... may nagugustuhan ka na ba?" From his worried look, naging seryoso ang mukha ni Akoz habang nakatingin sakin. Later on, tumingin ito sa hallway at ngumiti.
"Why, do you like someone?" Tanong nito pabalik sakin.
Namula naman ako nang marinig iyon, hindi pa ito ang tamang time na aamin ako. Why would I?! Sa ganda kong ito, well it takes time. Duh.
Funny, how I am coping up with my feelings for this guy…
"I just want to know… how does it feel." Iniwas ko ang tingin ko kay Akoz. I heard him giggled and then he sighed. Oh, he did. He used to fall in love.
"I think when you like someone, you always want to see her. You always think of that person, and it makes you happy…
Yeah, I always want to see you Akoz. I know I want to enter that office and see how you are doing while practicing. I always think of you. Sa school, sa bahay or kahit saan. And it makes me happy.
"... you always admire kung ano ginagawa niya, you appreciate it. You tend to adore that person, physically and even her personality."
Kung ano ginagawa mo, I always admire it. Every time you will show kindness to everyone, I wholeheartedly appreciate it. I love how you get shy, how you scratch your nape. I love your face and your voice.
Tama ka sa lahat ng sinabi mo Akoz.
That's what I feel for you.
"I… " I looked up and met Akoz' eyes. "... like someone." Finally, I revealed it. "But I am afraid to confess."
Lumapit sakin si Akoz and he patted my head. Darn, I never got this before. But he made my heart flutter.
"Don't be. You should confess whether you get rejected or not. Don't doubt so you won't have any regrets."
Regrets?
Sa tingin ko, oras na umamin ako. I would have regrets for telling it. I don't want to ruin our friendship though but….
"I will." I answered. Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa office ni Akoz.
You're right. I need to confess.
[Narrator]
"I…. like someone else. But I am afraid to confess."
Napatigil si Yohan sa paglalakad nang marinig niya ang sinabi Cassidy. Mabilis siyang umatras at nagtago bago pa siya makita ni Akoz at Cassidy.
Hindi makapaniwala si Yohan sa narinig. Alam niyang boses iyon ni Cassidy. Pero mas lalong hindi siya makapaniwala sa dahilang, may gustong iba si Cassidy.
Alam niyang hindi siya ang tinutukoy ng dalaga. At iyon ang masakit.
He's preparing for the worst, and ito nga. Pero he didn't expect to hear it. Tanggap na niya, pero hindi niya kaya itanggi na umaasa pa rin siya. Kaso, wala na.
Wala siyang narinig kay Cassidy. Wala itong sinabi and he felt betrayed. Pero sino ba siya? Kahit mayaman pa siya, kahit sikat pa siya-- hindi naman siya ang gusto ni Cassidy.
Cassidy is not interested in money though.
"I will." He heard Cassidy's replied. Yohan felt pain in his chest. Naglakad siya at nakita si Cassidy at Akoz pabalik ng office.
Gusto niya kausapin si Cassidy.
Pero bakit? Wala siyang karapatan.
The only thing he can do is to feel the pain.