Chapter TWENTY

1627 Words
[Berlin's POV]  Isang buwan na kami nagprapractice ni Akoz, Yohan tried his best to visit his best friend, Akoz. Yes, I won't deny that I find it cute when he is talking to Akoz. They have a close bond of friendship. It's nice to see.  I'm also glad na nakikita ko siya.  Though it's only a lowkey crush, a simple admiration is nothing more. Walang urged na pag-amin, just a simple crush-- and it was my first time so, I am enjoying this kind of feeling. And Akoz. I still feel bad that I judged him just because of his appearance. Just because he looks perfect outside, nagconclude na agad ako na katulad siya ng iba-- but I was wrong. Akoz didn't change a bit. He is still a warm and kin person. Mahiyain siya pero he is trying his best to befriend everyone, including me. That's why I am already convinced na hindi siya tulad ng iniisip ko. My God, forgive me for being so judgemental.   "Have you eaten?" Akoz asked, as usual nasa office kami for our private practice. Napatingin naman ako sa kanya. "W-what?" Tanong ko pabalik. I heard his question, I tend to ask again dahil may iniisip ako. "Have you eaten, do you want something? Bibili kasi ako." He said again. Umiling naman ako.   Nagpaalam siya pero bago pa siya makalabas ng office ay hinabol ko siya at hinablot ang jacket na suot niya. Nagulat siya sa ginawa ko. Pero don't worry Akoz, same here. But I have to do this. "B-bakit?" Akoz asked, stammering. Okay, Berlin here you go.  Tumingin ako sa mga mata niya, mukhang hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ko. But here we are, or else hindi ako papatulugin ng konsensya ko.   "I'm sorry." I apologized and lowered my head. Akoz didn't reply for a second. "F-for what?" He asked again. I breathed deeply and closed my eyes. Since then, I have many things to apologize for.  "I'm sorry kasi I judged you without any proof. I'm sorry for giving you a hard time, as your classmate and your partner. I'm sorry for giving you such a cold treatment or kung naging harsh ako sa iyo." "Alam kong hindi mo naman deserve yon, pero I did it. Naging judgemental ako pero then I realized na hindi ka naman ganong tao. That's why I am really sorry Akoz."   Tumingin ako kay Akoz para makita ang reaksyon niya, I am expecting for worst but this boy just smiled at me. Ngumiti siya habang nakatingin sa akin. "Nope. You don't have to be sorry Berlin. I understand. Alam ko naman na these days, it's really hard to trust men, and I understand. Hindi ko alam kung naging experience mo about men pero in behalf of them, I am sorry." Akoz explained. Tumingin siya sa bintana na nasa likod ko at maya-maya pa ay ngumiti siya ulit.   Yung ngiting sobrang saya niya.   "Finally, narealize mo rin na I am not like them but I am grateful. Thank you so much Berlin." Ngumiti naman ako, though alam ko it was an awkward smile but I tried to smile while looking at him.   "So, are we friends?" Tanong ni Akoz habang magkadampi ang mga palad niya. "H-ha?" Tanong ko. Nagulat ako sa mga biglang tanong niya. Pero…   Ngumiti ulit ako, and this time I smiled genuinely. Tumango ako and I offered my hand for a handshake. His face beamed nang makita niya ang ginawa ko. "Friends." I agreed. He took my hand and we did a handshake. Akoz chuckled as he looked so happy. I won't lie, ang saya na makita siyang masaya. "Wala nang bawian ha!" Sabi agad ni Akoz. Natawa naman ako at tumango. Nagpaalam na siyang lalabas para kumain.   Ang gaan pala sa loob. What if hindi ganon ang naging trato ko sa kaniya sa simula pa lang? Wouldn't be nice kung magiging magkaibigan kami aside from being classmates diba? Like how he is with Yohan. Ate Klein is right. He is a nice person.   [Narrator] After ng practice ay nagkayayaan sila Klein, Cassidy, Elynna, Sakura, at Berlin na kumain sa labas dahil maagang natapos ang practice nila. Dinner kumbaga. At dahil naging okay na si Berlin at Akoz ay sumama na rin si Akoz sa dinner matapos ang pamimilit ni Elynna hanggang parking lot. Wala rin choice si Yohan kundi sumama dahil niyaya siya ni Klein, kahit hindi nila alam ang tungkol sa kaniya at kay Cassidy. Hanggang ngayon, wala pa rin siyang natatanggap na reply kay Cassidy. Pag pumupunta naman sya dito ay agad ito umiiwas o kaya ay kakausapin siya pero saglit lang.   "Saan niyo gusto kumain?" Tanong ni Klein bago pa sila sumakay sa kanya-kanyang sasakyan. Lumingon ito kay Akoz at tinuro siya. "Ikaw Akoz, dahil ikaw ang new member ng grupo na ito. The choice is yours, our little prince."   Nabigla naman si Akoz pero nag-isip na rin siya. Akmang magsasalita na siya nang biglang magtaas ng kamay si Elynna.   "Sabi sakin ni Akoz, sa Bonchon daw." Sagot nito. Napatingin naman si Berlin kay Elynna. "At kailan niya sinabi?" Berlin. "Ngayon lang." Mabilis na sagot ni Elynna. "At paano nya sinabi? Eh nag-iisip pa lang siya." Katwiran naman ni Sakura. Inilagay ni Elynna ang dalawang daliri sa sentido, at nagsalita sa malalim na boses. "Telepathy." Sagot nito.   Nagtawanan naman silang lahat. At habang sa pagtawa na iyon ay hindi maiwasan ni Akoz na ibaling ang tingin kay Berlin, naalala na naman ng lalaki ang usapan nila ni Berlin. Oo nga pala, magkaibigan na sila. "Elynna, sabi ko naman sa iyo iwasan mo na ang pagbabato diba?" Pang-asar ni Cassidy. Lalapit sana si Elynna sa kaniya para sabunutan siya pero nakapasok agad ito sa kotse. "Okay, tara na sa Bonchon." Sa wakas ay nakapagsalita na si Akoz. Masaya naman na sumakay si Elynna sa sasakyan nito at ganoon din ang ginawa nila. Wala pang isang oras ay nakarating na agad sila sa Bonchon. Mabuti na lamang at wala gaanong tao kaya nakakuha agad sila ng mesa at upuan na sakto sa dami nila.   "Bro." Bulong ni Yohan, lumingon naman si Akoz sa kaniya. Nagbigay naman ng senyales si Yohan na ilapit nito ang tenga sa kaniya. "Bakit, wala kang pera? Sagot ko na." Bulong din ni Akoz. Mahina naman na pinitik ni Yohan ang tainga ng kaibigan. "Loko, hindi." Tanggi ni Yohan, tumingin muna ito sa mga kasama nila sa mesa bago bumulong ulit kay Akoz. "Okay lang ba na nandito ako? Hindi ba kayo maiilang? Ikaw lang naman, si Klei, syaka si Cassidy ang kilala ko rito." Nahihiyang pag-amin ni Yohan. "That's fine bro, wala ka naman gagawin masama." Natatawang sagot ni Akoz, at ibinaling ang tingin sa menu. Nang makapili na sila ng kakainin nila ay umorder na si Klein.   "Kumusta ang practice, Berlin?" Tanong ni Cassidy kay Berlin na kaharap niya sa upuan. Ngumiti naman si Berlin at kumindat. "Don't worry Cass, ako lang ito." Biro niya. "Si Berlin lang yan, sisirain play niyo." Pabulong na sabi ni Sakura. Natawa naman si Akoz at Yohan sa narinig nila sa mga magkakaibigan. "Okay fine, joke lang." Bawi ni Berlin, "May improvement naman kami ni Akoz. Minsan nagkakamali kami sa lines pero iyon lang."   Naghihintay si Akoz na may sasabihin si Berlin sa kaniya pero tumingin ito kay Yohan, pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa cellphone. Nagtataka ulit siya, kung ano mayroon kay Yohan. Hindi ba siya komportable sa kaibigan niya? Or may alam ba sila na hindi niya alam? Impossible. Kanina pa nga sa parking lot niya nakikita na tumitingin si Berlin kay Yohan. But his friend didn't react or sadyang hindi nito napapansin. Hindi na lang iyon pinansin ni Akoz at nakisabay na lang sa kwentuhan nila, habang hinihintay ang pagkain.   [Akoz' POV] "So what do you think? Hindi ka naman na-op diba?" Tanong ko kay Yohan pagkasakay namin ng kotse. 9PM na kami nakalabas sa Bonchon. "Nope. I had fun." Masayang sagot ni Yohan at pinaandar ang kotse. Tumango-tango ako. Great. It was fun indeed. We had a chance to hang out, hindi lang sa school. Hopefully, masundan ito ulit. "Buti naman. Next time, sama ka ulit." Pag-aaya ko, tumango naman siya sa akin. "Can you pick up the small box, nandyan sa may likod." He requested. Tumalikod naman ako at inabot ang maliit na box na sinasabi niya.   Rectangle ang size at kulay gold. Cash gift ba ito from his dad? Wow. "Hindi yan pera, hoy." Natatawa si Yohan, nahalata na niya ata na nakatingin ako sa box. "Buksan mo." Dagdag niya. Agad kong binuksan ito at tumambad sakin ang 2 tickets from Seoula World.   Wow. Fireworks display?!?! Sobrang hirap makakuha ng slots just to witness their beautiful fireworks display, and hindi lang iyon super expensive pa. As far as I know, one ticket is 10k. But yes, deserve naman and worth it talaga.   "Wow. Lucky you. Are you going with someone?" I was so amazed habang nakatingin pa rin sa ticket. "Nope. You are going with someone." Yohan said, emphasizing each word.   Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kaniya. What do you mean I am going with someone? In this event? Fireworks display? "I am giving these tickets so you can invite Klein." Yohan stated and chuckled. "Para naman madagdagan ang chance na sagutin ka niya once na umamin ka na." "T-thank you…" I uttered.   I am going with Klein? Pwede naman pero I believe she is busy. Or else, baka sabihin niya na why would I invite her?   Inilagay ko sa bag ko ang ticket nang sabihin ni Yohan na malapit na kami sa bahay ko. Pagkalabas ko ng kotse ay nagpasalamat ulit ako sa kanya. I have someone in mind that I should invite.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD