“Bakla, sama ka samin!" Nakangiti akong nagsalita habang papalapit sa mesa ni Gilbert. Napalingon agad ito habang abala sa kanyang ginagawa at kakapindot sa kanyang computer. Excited ako ng dahil lalabas kami ng kasama si Britzstone habang sinabi ni Demon na maaari kong isama si Gilbert. Ipinagpaalam ko rin si Marco na isasama ko. Nalaman ko kasing si Ninong Chen ang siyang may organized ng event para sa ilang mga kilala at naglalakihang negosyante sa bansa ang siyang imbitado at dadalo sa event. Ayoko naman mainip at nais kong mayroon akong makasama at makakwentuhan. Natawagan ko na rin si Marco at pumayag na siyang sumama. Para na rin naman ito sa kanya para makakuha na rin ng ilang client o pwede rin na para makilala siya ng mga mayayamang tao na dadalo ruon. “Saan naman?" Mataray ni

