“Maraming tao, bakla huwag kang lalayo baka mawala ka oras na makawala ka na." Biro ko tumatawa. “Tanga! Bakit ako mawawala? Wala naman gwapo rito at halos matatanda yung nakikita ko." Usal na anito ni Gilbert. Napaaga ata kami at wala pang masyado na tao ang dumarating sa event. “Gaga, Maya-maya lang maraming darating. Wala pa naman yung mga batang business man na bago pa lang sa industry ng mga matatandang negosyante. Makikita mo mamaya magdaratingan na lahat ng sinasabi ko sayo." Sabi ko pa sa kanya at inaya ko siyang maupo na sa bakanteng mesa na nakita ko. Si Anthony at Britzstone magkasama sila. Ipakikilala raw niya si Britzstone sa ilang mga negosyante rito. Ewan ko ba ruon. Hindi naman negosyante si Britzstone at kailangan pa niyang ipakikilala sa mga tao rito. “Ayos rin asawa

