Halos hindi malaman ni Xendy kung ano ba ang nararapat na maramdaman. Tumango lamang siya sa Mommy niya nang tawagin siya nito tanda nang pagsang-ayon dito. Iginiya naman siya ng mommy niya patungo sa kwarto nito kasama ang Daddy niya at ang Kuya Chestel niya. Sama-sama silang naupo sa gilid ng kama. Matamang tinitiga ni Xena ang kanyang ampon na si Xendy. Matapos ay marahang tumayo sa kinauupuan nito. Lumakad patungong tokador at may inabot. Kinuha nito ang photo album na nakalagay roon at muling naupo sa tabi ni Xendy. Ito ay ang album niya na kung saan ay may kuha sila ng bestfriend niyang si Venus na magkasama. Sinimulan ni Xena ang pagkukuwento mula sa pagsasama ng dalawang matalik na magkaibigan. Matamang nakikinig naman si Xendy sa bawat sinasabi ng mommy niya habang tinitingnan a

