"Xendy, mahal kita. Hindi mo ba ako mapapatawad?" tanong ni Jairus sa kanya habang nakatutok sa sintido nito ang baril ni Xendy. Nanginginig ang mga kamay niya sa galit na halos kalabitin na niya ang gatilyo ng baril. Galit ang nananaig sa puso niya. Walang kapatawaran ang ginawa ng mga ito na pagtatangka na paghigantihan ang kanyang ama. Nagsusumamo naman ang puso ni Jairus dito. Hinawakan ni Jairus ang dulo ng baril nito at saka itinapat sa sariling dibdib niya. "Kung wala kang nararamdaman sa akin kahit katiting, sige iputok mo ang baril. Iputok mo rito. Deretso sa puso ko!" tutok nito ng baril sa puso nitong sigaw pa nito. Naramdaman ni Xendy na mainit na ang mga mata niya at tila nagbabadya nang muli ang mga luha niya. At halos sasabog na ang dibdib niya sa galit. Unti-unting nag-un

