Nagkatinginan kaming magkapatid nang tumunog ang telepono. Kitang-kita ko na ano mang segundo ay mahahawakan na niya ito. Mabilis kaming nag-unahang tumakbo papunta sa telepono. Siguradong hinihintay na naman niya ang tawag ng babaeng 'yon. Ang babaeng kinaiinisan ko.
Kainis talaga. Dahil mas malapit si Kuya Chestel sa puwesto ng telepono ay siya ang unang nakasagot nito. Kung naging mabilis lang sana ako. Hindi bale na nga. Alam ko naman na hindi ang babaeng iyon ang nasa kabilang linya. Gusto ko lang naman talaga na unahan si Kuya. Ang sarap niya kasing inisin lalo na kapag tungkol sa babaeng iyon.
"Hello? Babe?!" rinig kong sabi niya. Bakas ang pag-asa at hinihiling niya na sana ay ito na ang hinihintay niyang tawag. Kanina pa kasi siya nag-aabang sa tawag ng babaeng iyon.
Umaasang ang nasa kabilang linya na tumatawag ay ang ex-girlfriend niyang bruha. Makailang beses na ba silang nag-break ni kuya at nagkabalikan? Maraming beses na. Hindi na nga mabilang sa mga daliri ko sa kamay at paa. But I know this time, it was for a serious reason. And I'm sure na hiwalay na nga sila for real.
Dati rati ay away-bati lang sila nang dahil sa maliit na bagay. Pero ngayon hindi na simpleng away lang kung hindi ay nang dahil sa pag-cheat ni Ate Nina. I mean Nina pala. Hindi ko nga pala siya ate. Bakit ko siya tatawaging ate? Eh hindi ko naman siya kapatid at lalo pa na niloko niya si Kuya Chestel.
Pero dahil mahal na mahal ito ni Kuya Chestel ay hoping pa rin siya na magkabalikan sila ni Nina. Which I doubt that it will happen again. Mukhang natuluyan na ngang magtaksil ang bruha.
"Si Xendy po?" rinig kong sabi ng nasa kabilang linya. Sabi ko na nga e. Hindi ang ex ni kuya ang nasa telepono. Inilabas ko ang ngiti ko ng tagumpay dahil sa narinig ko kung sino ang tumatawag.
"Asawa ko..." dagdag pang bulong nito.
Tss. At mukhang alam ko na kung sino ang babae sa kabilang linya. Ito ay wala ng iba kung hindi ay ang admirer ni kuya. At ako ang hinahanap. Pero hindi niya narinig ang kasunod na sinabi nito. Ang 'asawa ko'. Sa pagkapahiya ni Kuya ay agad niyang ibinigay ang telepono sa akin habang parang aabot na naman sa sahig ang nguso niya.
"Bleh!" pang-aasar ko sa Kuya ko dahil alam ko na si Chelsea ang tumawag base sa expression ng mukha ni Kuya Chestel. Matagal na kasing may gusto si Chelsea kay Kuya pero dahil bestfriend ko si Chelsea ay parang bunsong kapatid na rin ang turing niya rito.
"Bruha ka, anong sinabi mo kay Kuya? Bakit gano'n na naman ang expression no'n?" usisa ko sa best friend kong obsess kay Kuya, although alam ko naman kung bakit.
"Ay grabe siya! Narinig pala niya." parang mababasag ang eardrums ko sa tili niya kaya inilayo ko ang telepono sa tainga ko. Nababaliw na naman ang babaeng 'to. Makatawa wagas. Akala mo ay sinaniban ng masamang espiritu na rinig na rinig ko sa kabilang linya.
"Hoy! Baliw ka na talaga kay Kuya. Alam mo namang brokenhearted 'yon." pangungunsensya ko kay Chelsea.
"Eh siya lang naman kasi. Nandito naman ako para sa asawa ko pero sa iba kasi siya nakatingin." malungkot na tonong sabi niya na akala mo ay nalugi.
"Ayan! 'yan! Nangangarap ka na naman. Bakit ka nga ba napatawag?" naawa naman ako kay Chelsea. Alam ko kasi kung paano nagsimula ang feelings niya kay Kuya. Ang hirap din kasi tantiyahin ng feelings ni Kuya. Minsan ay concerned kay Chelsea at minsan naman ay parang walang pakialam. Hindi mo tuloy alam kung may katiting ba itong pagtingin dito o wala.
"Wow naman! At nakuha mo pa akong tanungin nang ganyan? Ikaw kaya ang hindi nagpakita sa 'kin. Hinihintay kita last week noh! Tapos hindi ka dumating. Inindiyan mo 'ko." panunumbat niya sa 'kin na akala mo naman eh palaging ini-indiyan. Isang beses pa lamang naman 'yon nangyari eversince na magkakilala at maging mag-bff kami.
"Sorry, Chels. May inasikaso lang ako." pagsisinungaling ko. Wala akong choice dahil baka ako ang sabihan niyang nababaliw kapag sinabi ko ang totoo. Wala rin naman akong control sa nangyari last time. Na-corner na ako at for sure na hindi nila ako hahayaang makaalis kung nanlaban pa ako. Wala rin namang dahilan para manlaban pa dahil maayos naman silang kausap.
"So may mas important na ngayon kaysa sa 'kin?" alam kong 'yan ang sunod niyang sasabihin pero handa ako sa isasagot ko.
"Ikaw pa ba? May hihigit pa ba na importanteng bagay kaysa sa ASAWA ng Kuya ko?" pinagdiinan ko pa talaga ang salitang asawa dahil alam kong 'yon lang ang makapagpapatahimik sa kanya. At gustong gusto naman niya 'yon for sure.
"Ikaw naman. Weg me nemen mesyedeng epengelendeken eng seleteng esewe." At nagkanda-buhol buhol na ang dila niya. Baliw talaga. Pati ako ay napapasabay sa kung paano niya sinambit ang mga salitang iyon.
"Naka-drugs ka na naman. Sige. See you later. Puntahan na talaga kita mamaya. Kung puwede lang ay magbi-breakfast muna ako?" sabi ko kay Chelsea nang marinig kong nagrereklamo na naman ang mga bulate sa tiyan ko dahil sa gutom.
"Puwedeng sumabay sa asawa ko? Nandito ako sa gate niyo, Bruha!" at paglingon ko sa bintana eh nasa gate na nga ang Bruha. Nagtiis pang mangalay katatayo sa labas. At hindi pa talaga pumasok sa loob ng bahay.
"Kuya, pakibuksan mo nga ang asawa mo sa gate. Kanina pa nangangatog sa lamig 'yon-" pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nakita ko na nasa labas na si Kuya at pinagbubuksan na ng gate si Chelsea. Hindi ko talaga maintindihan 'to si Kuya. Pero wala akong makitang expression sa mukha niya.
"Grabe ka rin talaga eh no? Lakas talaga ng radar mo na narito si Kuya eh no?" sabay siko ko sa kaniya. Parang ewan na kinikilig pa ang Bruha.
"Shh! Ang ingay mo." pagsaway niya sa 'kin pero kitang-kita ang pamumula ng pisngi niya na parang sinampal nang malakas.
After namin mag-almusal ay pumunta kami sa kwarto ko. Iniwan namin si Kuya sa kusina na nagliligpit nang pinagkainan namin.
"Ano ka ba? Bakit mo ba ako hinahatak?" tanong niya sa 'kin habang hawak ang nananakit niyang pulso dahil sa higpit nang pagkakahila ko sa kanya.
"OA mo naman. Hindi naman malakas 'yon." pero pagtingin ko sa pulso niya namumula nga at bakas pa ang mga daliri ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang kalakas ang pwersa ko, samantalang dahan-dahan lang naman 'yon. Nailing na lang ako sa nakita ko.
"Okay, sige. Sorry na. Hindi ko alam kung bakit nangyayari 'to pero hindi ko sinasadya. Alam mo ba ang nangyari sa akin sa loob ng isang linggo?" bulong ko sa kaniya. Saglit na nag-isip si Chelsea. Seryosong nakatitig sa 'kin.
"Hindi. Ang weird mo ngayon... Ano nga bang nangyari sa 'yo?" tanong niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa 'kin. Para bang naguguluhan sa sinasabi ko.
"Okay, listen to me. Ay wait pala. Kung sa inyo na lang kaya tayo mag-usap? Kasi baka marinig tayo ni Kuya." napakunot ang noo niya at basang-basa ko na nawi-weirduhan siya sa sinasabi ko. Kahit naman ako ay naguguluhan din dahil never akong nagsikreto sa Kuya ko.
"Ano ba kasi 'yon?" tanong niya ulit sa 'kin.
"I won't pull you again, Okay? Baka masaktan ka ulit sa paghawak ko but please let's go." insist ko sabay kuha ng paborito kong pink na jacket.
Actually, hindi ko talaga favorite. Paborito ni Chelsea. At gift niya sa 'kin 'to no'ng birthday ko. Pagkasuot ko ay binuksan ko ang pinto habang nakatitig pa rin si Chelsea sa 'kin. Para siyang tuod na tumayo at sumunod na lang. Naramdaman ko na may papalapit at malamang ay si Kuya 'yon.
"At saan kayo pupunta? Mahal kong Prinsesa?" nakataas ang kilay na tanong niya. Daig pa niya ang asawa na nag-uusisa sa amin ni Chelsea.
"Pupunta kami ni Chelsea sa bahay nila. Sama ka?" abot-taingang ngiti ko kay Kuya. Tatango-tango lang naman na nakikinig si Kuya habang nakatingin kay Chelsea. At syempre ay parang nilagyan ng sandamakmak na blush on na naman si Chelsea.
"So, can we go now?!" sabay tapik ko kay Kuya nang maingat na maingat. Baka kasi bigla siya tumalsik. Alam kong susunod si Chelsea kaya hindi ko na siya nilingon pa. Alam ko rin na nakatingin pa rin sa amin si Kuya. Nilingon ko ulit siya.
"Hindi maaari..." totoo ba 'to? Tama ba ang narinig ko? Kinausap ako ni Kuya sa isip? Tss. Baka guni-guni ko lang. Napailing na lang ako.
"See you later, Kuya! Aalis muna ang Prinsesa mo. Pakisabi na lang sa ating Hari at Reyna." hinalikan ko siya sa pisngi na nakasanayan na naming ginagawa bilang magkapatid tuwing aalis ang isa't isa sa amin. Agad namang tumango si Kuya.
"Just don't go home late and text or call me if you need anything. Okay?" sigaw pa niya nang makalabas na kami ng gate. Sumaludo ako kay Kuya to let him know na narinig ko ang bilin niya.
"Ang bait talaga ng asawa ko. Napaka-maaalalahanin." kumikislap ang mga matang sabi ni Chelsea.
"Syempre naman. Kuya ko yata 'yon!" pagmamalaking sagot ko at ramdam ko ang kilig niya kay Kuya.