Chapter 2 - Dream

2009 Words
"Ipinatatawag ka na ni Supremo Jack para ipaliwanag sa 'yo ang gagawin mo." agad akong napalingon kay Cyborg. "Sino naman kaya 'yon? Lider nila?" kanina pa pala niya ako tinitingnan. Agad akong pumantay sa puwesto niya. "Halika't sumama ka sa 'kin." seryosong sabi sa akin ni Agent Fred na hindi mababakas sa mukha niya ang kanyang edad. Siya ang pinakamatanda at pinakamataas ang ranggo sa lahat pero parang hindi sila nagkakalayo ng edad. Yung totoo? Nakakabata ba ang organisasyon na ito? Malakas din ang dating niya at matikas ang tindig na parang isang kumander. Ikinumpas niya ang kanyang kamay kung saan naka-base ang opisinang tinutukoy niya saka naglakad. Agad naman akong sumunod dito. Baka maligaw ako e. Hindi ko maiwasang isipin ang hitsura ng taong kahaharapin ko. Guwapo rin kaya siya? Pero tila hindi gumagana ng buong-buo ang kakayahan ko sa loob ng kampo nila. Bakit kaya? "Hmm... Supremo Jack?" hindi ko naiwasang isipin. "Para bang sa KKK? Pinuno ba siya ng mga katipunero?" palihim akong napabungisngis nang dahil sa mga kalokohang naiisip ko. Hindi naman ako pinansin ni Cyborg. Kanina pa kami naglalakad at seryoso pa rin siya. Tahimik pa rin. Ngunit ang ipinagtataka ko ay parang kanina pa kami naglalakad pero hindi pa rin kami nakararating sa pupuntahan namin. "Yung totoo? Parang napakalaki naman yatang sobra ng kampong ito. At ang layo ng opisina ha. Ang akala ko ay ilang hakbang lang mula sa kinatatayuan namin ang opisina nito pero hindi pala. Sa pagtingin ay tila malapit lang ito pero malayo pala ang kinaroroonan nito. Halos isang malaking mansion ang pagitan ng campo at ng opisina nito. Nang makarating kami sa opisina ni Supremo Jack ay tinatakan ni Agent Fred ang balat ko malapit sa pulso ng isang markang bilog na may tuldok sa gitna. Nagmistulang tattoo ito sa balat ko. Matapos ay ini-scan ito sa may pinto para mai-record ang mga taong pumapasok sa loob ng opisina. Wow! High-tech. Namangha ako sa aking nakita kung paano rumehistro ang aking mukha sa may screen na nasa gilid namin. Kasunod nito ay ang buong pangalan ko at ang kakayahan ko na akala ko ay ako lamang ang nakaaalam. Mukhang matagal na nga akong namanmanan ng mga ito at ang lahat ng kakayahan ko ay alam ng mga ito. Ini-scan naman ni Agent Fred ang kanyang mga mata para makapasok sa loob ng opisina. Rumehistro rin sa screen ang kakayahan nito at kung anong klaseng dugo ang dumadaloy sa katawan nito. Parang gusto ko na rito. Mukhang marami akong kailangang malaman at matutunan dito. Matapos rumehistro ang impormasyon ni Cyborg ay agad na bumukas ang pinto ng opisina ni Supremo Jack. Nanlaki ang mga mata ko sa naaninag ko. Kitang-kita ng mga ko ang isang matangkad na nilalang na animo'y kanina pa naghihintay sa amin. "Luh! Ang laking tao naman no'n. Higante ba siya?" bulong ko sa sarili dahil sa malikot kong isipan. Agad akong nilingon ni Cyborg pero agad ding iniiwas ang paningin niya sa akin. Pumasok na kami nang tuluyan at nang makaharap ko ito ay nanlaki ang aking mga matang muli. Hindi ko naiwasang mapakunot ang noo ko. "I-isang b-bata?!" naibulalas ko habang ang mga mata ko ay nanlalaki pa rin sa pagkagulat. Ang matangkad na imahe ay dala lamang pala ng ilaw na tumatama sa nakatayong bata. Tumitig ako sa mga mata niya para i-analisa ang katauhan niya ngunit katulad ni Supladong Jairus ay blanko lang rin ang lumabas at wala akong nakitang kung ano man. May pagkakahawig din siya kay Jairus. Ngunit bago ko pa itanong ang nasa isipan ko ay nasagot na ako kaagad ni Supremo Jack. "Hindi ako anak ni Jairus na katulad nang iniisip mo." bakit nabasa niya nag nasa isip ko? Mukhang pareho rin kami ng kakayahan. Pero parang mas malakas ang kanya dahil hindi ko mabasa ang kanya. Sinabi man niya ang sagot sa katanungan ko ay hindi naman niya sinabi kung ano ang relasyon nila sa isa't isa pero malaki ang pagkakahawig nila sa isa't isa. Sigurado ako magkapamilya sila. Magkamag-anak siguro. Napangisi na lamang ako sa sinabi niya. Akalain mo'ng nabasa niya agad ang nasa isipan ko. Tunay ngang nasa ibang mundo na 'ko. Kakaibang mundo na may kakaibang kakayahan. Pero ano nga ba ang naghihintay sa akin sa mundong ito? Bakit kailangan kong maging kaanib ng mga ito? Ano ang misyon ko kasama ang mga ito? A few minutes ago... ...memory lost ...serum injected! Sa hindi malamang kadahilanan ay parang ang sakit ng buong katawan ko nang magising ako sa aking pagkakahimbing. Halos hindi ko mai-inat ang katawan ko. Igagalaw ko pa lamang ang aking braso ay parang ngalay na kaagad ito. Muli ay napapikit ang talukap ng mga mata ko. Pilit kong inaalala kung ano ang dahilan ng p*******t ng balakang ko. Ngunit tila blanko. Wala akong maalalang iba kung hindi ay ang paglalakad ko sa gilid ng kalsada na pati ang pupuntahan ko ay hindi ko rin maalala. Paano nga ba ako nakauwi? Saan ba ako papunta? Bakit masakit ang katawan ko? Iyan ang sunod-sunod na tanong na tumatakbo sa aking isipan. "Bakit ba wala akong maalala?" buntong-hiningang inis na sabi ko habang ini-hilamos ko ang aking dalawang palad sa aking mukha. "And why on earth that my whole body is aching?" sabi ng isip ko habang nakapikit pa rin at nakahiga sa kama. Muli akong napamulat at mula sa gilid ng aking mga mata ay napatingin ako sa nakita kong isang marka mula sa may bandang pulso ko. "Ano 'to? Bakit mayroon ako nito?" naguguluhan talaga ako. Una masakit ang katawan ko. Ngayon naman ay may mark ako na isang bilog na may tuldok sa gitna. Parang marka na naka-tattoo na sa aking pulso. Ibinaba ako ang aking mga kamay upang suriin ang marka. Tinitigan ko itong mabuti. Hindi pa rin maabot ng aking isipan ang pinanggalingan ng markang ito. Agad kong pinagdikit ang aking palad sa aking pulso. Sinubukan kong burahin ang marka ngunit parang hindi ito maalis. Naisip ko na baka kapag nabasa ito ng tubig ay matanggal din ito. Iyon bang katulad nung bata ako na nagta-tattoo ako ng balot ng mga chips tulad ng pompoms. Tapos ay hugasan ko lang o lalagyan ng alcohol ay matatanggal na rin agad. Kumuha ako ng alcohol at bulak para subukang tanggalin ito ngunit hindi ito tumalab. Kaya naisipan kong magtungo sa banyo para basain ito ng tubig at sabunin ngunit tila ayaw pa rin maalis ng markang ito. Habang nakatingin ako sa salamin ay napansin kong wala itong repleksiyon. Napakunot ang noo ko. Muli kong tinitigan ang aking pulso. Nakapagtataka naman na nakikita ko ang marka pero kapag nasa salamin ay hindi ito nakikita. Bumalik ako sa aking kama at naupo. Pilit kong hinanap sa kasuluk-sulukan ng aking utak kung saan ito nagmula at bakit mayroon ako nito. Inalog ko pa ulo ko baka sakaling bumalik ang alaalang hindi ko maalala. Teka rhyme 'yon ah. Napalingon akong muli sa salamin at pumikit. Bigla akong nahilo nang bahagya kaya naupo akong muli sa kama. Teka. A-ano' yon? Bigla may nagflash sa utak ko na pangyayari. Ah... Iyon nga! Naaalala ko na! Sa wakas ay bumalik na ang lahat ng alaala ko mula sa pagkakaharang ng limang lalaking naka-black suit sa akin hanggang sa pagsakay ko sa black van. Ngunit ang nakababahala ay hindi nakikita sa labas ng van ang lugar kung saan kami dumaraan at lalong lalo na kung saan kami papunta. Pero bakit? Eh hindi ba may kakaibang powers ako? Muli kong ipinikit ang aking mga mata. At pagmulat ko ay naalala ko na ang mga pangyayari sa loob ng camp. Kung gaano kahirap ang training ng MIS sa akin sa loob ng kampo ng SAOJ at kung paano ko nalampasan ang lahat nang pagsubok. Tila nakapagtataka na lahat ng iyon ay nangyari sa loob ng ilang oras lamang. Naalala ko na ang misyon ko. At bukas na ito magsisimula. I wore a smile in my face. Weird smile. O baliw smile yata. Isa na akong special agent ng SAOJ. Tumayo ako at nagtungo sa banyo para maghilamos. Naramdaman kong kumukulo na ang tiyan ko. Nagwawala na yata ang mga bulate ko sa tiyan kaya naman napag-desisyunan kong magtungo sa kusina para kumain ng almusal. Baka ang bituka ko ang pagpiyestahan nila. Marami pa akong pangarap sa buhay at hindi ko makakaya na mawalan ng bituka at mawala ang pangarap ko na parang bula. Teka over acting na. Makakain na nga. Pagdating ko ng kusina ay nagulat ako. May gwapo. Ay si Kuya pala. Akala ko may dumalaw na isang adonis dito sa bahay. Asungot pala. Pero biro lang. Mahal ko ang kuya kong asungot. "Hay salamat naman at nagising na rin ang prinsesa namin." napataas ako ng kilay sa sinabi niya. Makaprinsesa buti sana kung pagsisilbihan niya ako at hahatiran ng pagkain sa kuwarto. "Akala namin ay hindi ka na babangon sa higaan. Isang linggo kang nagkulong sa kwarto mo at ayaw pa-istorbo." hindi nga? Totoo? Hindi ako makapaniwala sa sinabi niyang isng linggo. "Ini-lock mo pa ang pinto mo at may pa 'do not disturb' sign ka pang nalalaman. Nag-alala tuloy sina Mommy at Daddy kung ano na ang nangyayari sa 'yo. Hindi tuloy nila ma-enjoy ang vacation nila." sabi pa ni Kuya Chestel sa 'kin. Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko. 'Oo nga. May do not disturb sign nga. Teka. Ako ba ang naglagay no'n?' Parang hindi naman. Pero computerized kaya hindi ko sure kung ako nga. Nilapitan ako ni Kuya. Akala ko kung ano ang gagawin niya. Kainis! Guguluhin niya lang pala ang kasusuklay ko lang na buhok. "Kuya naman!" sigaw ko nang dahil sa inis ko. Galawin mo na ang lahat sa 'kin huwag lang ang buhok ko. Alam naman niya 'yon pero trip niya talaga akong asarin. As usual tumawa siya nang pagkalakas lakas na parang wala nang bukas. Pagkatapos ay biglang sumeryoso ang mukha. "Pero kidding aside, Bunso. Anong ginawa mo sa loob ng isang buong linggo?" hindi pa rin talaga tumigil si Kuya Chestel sa pang-uusisa sa akin. Nagtataka rin naman ako na kung isang linggo nga akong hindi lumabas ng kwarto. Parang napakatagal naman yata niyon. "Seriously, Kuya? As in? One week ako sa kwarto?! Eh parang kahapon lang nasa labas ako. Pumunta ako kina Chelsea." nagtatakang tanong ko sa kuya ko. Namuo ang mga linya sa noo niya. Parang ang lalim ng iniisip. Hindi ko maabot. Teka. Wala na ba akong powers? Hindi ko mabasa ang iniisip niya. Ay wait. Loading lang pala. At nasa isio niya na... "Kuya!!!" inis kong sigaw. Iniisip niyang nababaliw na ako. Kainis talaga si Kuya! "Bakit? Totoo ang sinabi ko. Isang linggo ka sa kwarto mo." giit niya sa akin. Ayaw ko pa rin sana maniwala. Tinitigan ko ulit siya sa mga mata niya at kitang-kita ko na hindi siya nagsisinungaling. O baka magaling lang magtago si Kuya. Pero malay ba niya kung nababasa ko ang nasa isip niya. Paano niya naman itatago ang iniisip niya? At anong sense kung magsisinungaling siya? Nagtataka man ako sa sinabi ng Kuya ko pero naisip kong possible nga na mangyari 'yon dahil sa pagkakatanda ko sa nakita ko sa aking isipan eh ang haba ng training ko sa camp kaya imposible na ilang oras lang 'yon. Baka nga isang linggo. Pero ang sakit pa rin ng katawan ko. "Kuya, pamasahe pagkatapos natin mag almusal ha. Gutom na ako e. Pero masakit katawan ko." tinaasan lang ako ng kilay ng malditong kuya ko. "Ayan. Puro higa. Puro tulog. Katamaran yan kaya masakit ang katawan mo." Hanep. Hindi na lang humindi kung ayaw. Tsk. Dami pang sinabi ni Kuya. "Eh di huwag. Dami mo pa sinabi ayaw mo lang!" padabog akong dumeretso sa kusina para kumain at sumunod naman siyang tatawa tawa. Kahit kailan talaga. Mapang-asar ang isang ito. Sarap kurutin sa singit. Kung hindi ko lang siya kuya e. Hmp!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD