bc

Love in Disguise

book_age0+
3.5K
FOLLOW
15.3K
READ
love-triangle
opposites attract
others
goodgirl
aloof
band
drama
comedy
sweet
bxg
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Meet Shara. Siya daw ang number one fan ni Jusper Kennedy Lopez. Ipinangako ni Shara na pupuntahan niya sa Manila si Jusper pag kagraduate niya. Eh paano na lang kung pag dating niya sa Manila ay ang matagpuan niya ay ang kakambal nitong si Justin Kennedy Lopez? Mangyayari pa nga ba ang pangako niya o tuluyan na niyang makakalimutan ito? Samahan si Shara sa magulong traffic sa Manila at tunghayan ang pag kakaayos ng kanyang gulo-gulong buhok sa isang makulit at mapagpanggap na love story ng buhay niya.

chap-preview
Free preview
Prologue
“Jusper. Oh, Jusper Kennedy Lopez. Dumating na din ang panahon na magkikita tayo, my love!” Hinalikan ko `yung poster na hawak ko. After two years of being a fan, matutupad na ang pangarap kong makita ang nag-iisang lalaking nagpapatibok sa puso ko. Kahit alam kong mahirap siyang abutin kasi sikat siya. Okay lang. Handa akong tumandang dalaga basta tatanda siyang binata. Ako `ata ang number one fan n’ya. Support all the way ako! Hindi naman kami mayaman kaya hindi ako makabyahe papuntang Manila katulad ng ibang fans n’ya. Ilang araw akong hindi kakain para makabili ng album n’ya. Makiki-internet ako sa bahay ng kaklase ko para makakuha ng update tungkol sa kanya. Mas matagal nga `ata ang ginugugol ko sa kanya kaysa sa family ko. `Pag ka-graduate ko talaga, sa Manila ako maghahanap nang trabaho. Tinitigan ko `yung katabi kong standee ni Jusper dito sa entrance ng mall. “Iuuwi kita mamaya `pag katapos ng mall show.” Tiningnan ko `yung relos ko. Ilang segundo na lang mag bubukas na ang mall. Ilang oras na `ata ako dito. Gusto ko kasi mauna sa pila, e. Sampung segundo na lang pero tila naging isang oras ang bawat paggalaw ng kamay ng segundo sa relos ko. Ten... Nine... Eight... Seven... Six... Five... Four... Three... Two... “AAAAAHHHH!” Hindi ko na alam kung ano ang nangyari. Naramdaman ko na lang ang sakit ng kamay ko at binti na natapaktapakan kanina ng mga babaeng bigla na lang nagsulputan. Saan kaya sila galing? E, kanina lang, ako lang mag-isa dito sa entrance. “Are you okay?” Sinimangutan ko `yung pesteng nagtanong. “Mukha ba akong okay? Ikaw kaya `pag tapak tapakan tingnan ko kung maging okay ka! Psh,” inis na anas ko sa kanya. Nagulat ako no’ng bigla akong binuhat no’ng lalaki. “Hoy! Ibaba mo nga ako!” “Hindi ka mukhang okay, dadalhin kita sa ospital,” sabi n’ya pa. Napakunot ang noo ko. May kaboses siya. Sino nga ba `yun? “Miss, your head.” “Aray!” Napahawak ako sa ulo ko na tumama sa roof ng van nila. Inupo na n’ya ako at pumasok na rin siya. “Lheine, sa hospital tayo.” Napatingin `yung 'Lheine' na tinawag n’ya. “Are you kidding, Jusper? Ma-le-late ka na!” reklamo no’ng Lheine. Napakunot `yung noo n’ya no’ng napatingin siya sa `kin. Alanganing ngumiti ako. “And she is?” “Your name, miss?” tanong ng lalaki at saka tinanggal `yung shades n’ya. Napakurap kurap ako. “Miss?” untag n’ya pa sa `kin. “Oh, my god! Jusper?! Jusper Kennedy Lopez?” Bigla ko siyang n’yakap. “Oh my god! Totoo `to! Totoo!” “Uhm? You're squeezing me tight,” medyo pigil na sabi n’ya. Napabitaw tuloy ako. “I am your number one fan! Promise! P’wede pa picture?” Ngumiti siya. Napatitig na lang ako sa kanya. Guwapo siya sa picture pero syet! Mas guwapo siya sa personal! Hindi binigyan nang hustisya `yung mga picture n’ya! “Lheine, kuhanan mo kami ng picture,” tiningnan n’ya ako, “Uhm. Your camera?” “H-huh?” Napakunot `yung noo n’ya. “Ah! Camera!” Kinuha ko `yung bag ko at hinalungkat para makita `yung camera ko. “Nasaan na ba `yun?” “Forget it.” Bigla n’ya akong inakbayan at nagulat na lang ako no’ng may cellphone na nakatapat sa `ming dalawa. “Smile!” Hindi `ko sure, pero nakanganga `ata ako sa picture! “I'll keep this as a remembrance. What's your name?” “Sh-Shara. Shara,” nauutal na pakilala ko. “Pupunta pa ba tayo sa ospital?” mataray na tanong ni Lheine. “H-hindi. O-okay na ko.” Tiningnan ko si Jusper. Ayaw ko man pero bumaba na `ko sa van nila. “Please, hintayin mo kong maka-graduate. Promise pupuntahan kita sa Manila!” Ngumiti siya. “Then see you sa Manila, Shara.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Angel's Evil Husband

read
269.1K
bc

A Night With My Professor

read
534.4K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

My Nerd Wife Felicie.MATURE CONTENT. (TAGALOG ROMANCE)SPG

read
114.1K
bc

THE SACRIFICES OF A BROKENHEARTED JM MONTEMAYOR-Tagalog

read
84.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook