Naglalakad na ako papasok sa school habang pasimpleng tumitingin sa paligid. Mahirap na at baka mamaya may sasakyan na naman na huminto sa gilid tapos dakipin ulit ako. Nakakapagod din na tumakbo 'no. Sakit pa sa paa. Saktong nasa loob na ako ng school nang may tumawag sa pangalan ko. "Tiff!" Hindi ako lumingon dahil alam ko na kung sino ang nilalang na 'yon na tumatawag sa akin. Isang dakilang hokage lang naman na magnanakaw rin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakatingin sa baba. Bahala ang leader ng mga ninja na tinatawag pa rin ang pangalan ko hanggang ngayon. "Tiff! Aw! Ang tigas ng ulo mo." Napahinto ako nang may tumamang palad sa noo ko at makitang pader pala ang nasa unahan ko. Putakte! Buti na lang at napigilan ako ni hokage kundi may instant bukol na nama

