"Hoy, gising." Dahan-dahan kong iginalaw ang katawan ko nang may sumisipa-sipa sa paa ko. "Kent, huwag mong sipain ang magiging next boss niyo." "Sorry akin, Uncle." K*ngina! Nahuli na naman ako ng kupal na Uncle! Ipapatay ko talaga siya sa pangalan ni hokage! Itataga ko sa b*yag niya! Pero si Tita! Nasa'n si Tita? Maayos ba kalagayan niya? "Arnold." "Yes?" "Dalhin mo rito si Kayla. Kent, sumama ka sa kanya." "Aye, aye, Uncle!" Napamulat ako bigla ng mga mata ko nang marinig ko ang pangalan ni Tita. Agad na hinanap ng mata ko ang kupal na may pakana ng lahat. "Argh... Uncle! Ano'ng ginawa mo kay Tita?!" singhal ko kay Uncle habang iniinda ang sakit ng ulo ko. Napuruhan ng tarantadong ngongong 'yon ang ulo ko! Kapag may nangyari sa akin na masama, uunahin ko siyang multuhin! Tak

